Good day po, tatanong ko lang po, ano po ginagawa niyo sa toddler niyo, pag ayaw niya kumain? 🥰
Ayaw kumain nga baby ko. 1 & 8mos na po siya. Kahit anong eoffer ko na food. Ano po ba pwede gawin mga mi?
Ngayon lang po ba sya nagkaganyan? Baka po nag-iipin, or may sakit or kung anong nararamdaman. Pero kung talagang ganyan po sya, ganito po ang gawa namin: 1 - Huwag sanayin sa maalat at matatamis na pagkain. Iwasan ang junk foods at chocolates. At around 1.5yo pinayagan na namin sya kumain ng junks and chocos, pero minsan lang and we make sure he drinks lots of water during and after eating. konti lang din nakakain nya at usually sya na rin yung kusang umaayaw agad. 2 - Sabayan nyo sa pagkain. Mga copy-cats ang mga baby natin, kaya gagayahin nila yung nakikita nyang ginagawa natin. 3 - invest in a high chair, and let them try to eat by themselves-- playing and experimenting with foods. Super messy, need lots of patience pero curious lang din talaga sila. 4 - WALANG SAPILITAN. Pag nagoffer ako ng new food at ayaw nya itry, iiwan ko lang sa plate nya. Eventually ay maku-curious syang tikman on his own. Kapag hindi nya nagustuhan, huwag pilitin pero keep on offering sa ibang pagkakataon ☺️ Normal lang na hindi nya magustuhan ang bago sa panlasa nya kahit upto 10x mo na itry, basta keep on offering. Hindi dapat nya maincorporate as a traumatic activity ang meal times. 5 - Encourage and offer lots of praises kapag kumakain sya. 6 - In SOME instances na super busy sya with playing at ayaw nya kumain, iuupo namin sya sa high chair and let him play there habang sinusubuan na lang namin sya (since normally ay kumakain na talaga sya mag-isa) 7 - Build a routine/ schedule kung kailan ang eating time nya. Huwag pakainin ng something heavy kapag malapit na ang meal time. 8 - Offer a variety of foods-- fruits, veggies, ulam, kanin, oats, etc... Iba-iba dapat dahil kapag paulit-ulit ay madali rin makasawaan. Try offering din in other forms and texture. For ex. potato-- try it boiled, mashed, fried, etc... hiwain ng pahaba, flat, cubes, etc... Ganito po ang ginagawa namin since 6 month old si baby until now na 2yo na sya. Magana po sya kumain at hindi pihikan, although may times pa rin na tinotopak 😅Mahabang pasensya at disiplina (sa atin bilang mga magulang) din po talaga ang kailangan. Good luck, mommy.
Đọc thêmKeep offering lang po mommy Pero wag pwersahin... sabayan mo din si baby habang kumakain at lagi sabihin hmmm yummy🥰 the more na pinipwersa mas lalo silang aayaw... wag din mag bigay ng ibang option kung ayawan nila.. halimbawa inofferan mo ng rice with ulam tapos tumanggi si baby.. then ang ibibigay mo nalang ay biscuits/cookies siyempre mas bet nila Yun... the next time na iaalok mo ulit yung heavy meal aayawan na nila yan ulit dahil alam nila na bibigyan mo sila ng mas masarap sa panlasa nilang pagkain... since nasa toddler pa rin si baby mo avoid muna mga masyadong sugary at salty foods dyan kasi mas nagiging picky eaters sila... at dapat on time ang pagpapakain sakanila .. if Underweight mas mainam mommy paconsult mo Kay Pedia🥰 Si baby ko at 6months nag start kami mag BabyLedWeaning skip na mga purees.. at ngayon 12mos old na siya magaling din talaga kumain lalo na mga Gulay at meat..
Đọc thêmipag vitamins mo siya Nutrilin