Supernatural Beliefs
Ask lang po kung naniniwala po ba kayo sa aswang? Especially, sa tiktik po na mostly sila yung nagbabantay at pumepeste sa mga buntis at nag bubuntis. How true it is? Tsaka any recommendations nmn po sana if ever, para makasigurado lang po sa kaligtasan ni baby. Maraming salamat po. ?
Yes,nung buntis ako.yung kapitbahay nmin nkakakita ng malaking itim na ibon sa bubong ng bahay n malapit sa kwarto.nakita at narinig din ng mga kamaganak ko pti ni lip n my lumilipad n malaking ibon.nagkataon n my 5 buntis saming mgkakapitbahayan.cguro bangong bango sya smin.bawang at asin lng katapat nyan.kahit n wala k sa probinsya mrami p din naglipana n ganyan.
Đọc thêmalways po isara ang bintana takpan ng tela.. kung may marinig kau na may humuhini or may kaluskos wag na wag mgbubukas ng pinto, kng magsasaboy ng asin ung asawa nyo lang wag kau.. s loob lng kau ng kwarto. ang mahalaga wag kau makita. mgpausok kau ng incenso o kamangyan every tuesday at friday. kng maaari wag na lumabas ng gabi.
Đọc thêmmommy ok na po ba ung pangotra ko na st. benedict na pendant pero ung kwintas nya is color red sya na parang tali tapos mga asin at bawang sa bintana at pinto at ung oil ko na nilalagay sa tummy ko na may blessings daw yun? natatakot kasi ako eh may mga na experience ung kapitbahay namin na multo umiiyak na bata daw kaya dun nako naaalerto.
Đọc thêmSabi nila dito sa malolos bulacan meron daw e.. Matandang babae na puti puti daw ung buhok as in nakatitig s tummy ng pinsan ko then kinagabihan my malaking daga pumasok sa haus nila basag ung bintana nila salamin pa un na matibay ha.. Super laki daw nung daga pero ako di ako naniniwala syempre kwento kwemto lang
Đọc thêmSakin momsh, may nakita daw na malaking ibon yung tita ko sa taas ng bubong namin. hindi ko po sure kung totoo ang aswang, pero naniniwala po ako sa bad spirits and devil na handang gawin ang lahat para masira ang plano ng Lord sa buhay natin. Basta always pray nalang po momsh, ask protection from God.
Đọc thêmmagkumot ng itim.. at magdamit ka ng utim pag natutulog.. ganyan gingawa ko.. ok naman sya.saka nag pray.. hindi talaga nawawala mga ganyan naniniwala din ako dyan kasi nangyare na sakin yan..but now.. wala pa naman ako nararamdaman. maliban sa mga pusa gabi gabi mainggay . try mo Lang sinabe ko😊
sabi ng nanay ko magdala dw ako palage ng bawang at asin kc lage aq ngbbyahe pg umuuwi sa bhy ng in laws ko. Nglalagay nlng ako sa bag ko tapos pg nsa in laws n ko, nilalagay ko sa bintana. Minsan dinurog ko pa yung bawang. Effective din xa pg cnicpon ka pra maamoy mo, gagaling agd cpon mo.
naniniwala ako mommy kasi naranasan ko na yun. kahit nga umaga, laging ngpupunta samin. ung langis kong pangontra grabe kung kumulo hehe. dala ka lng pangontra mommy like langis o pwd dn uling. sa palihid ng bahay mglagay ka asin, sa bintana mga bawang tsaka mga may tinik na halaman.
Yes po naniniwala ako, nong frst tri ko may maingay na parang kumakahig sa bubong sa tapat ng kwarto namin, tas pag punta ko sa cr sumusunod ung tUKnog sa bubong. Tas umuwi po ako ng province mga 10pm na may humuhuni ng ekekek. Wala din naman po msma kung maniniwala.
hindi po ako naniniwala e. pero sabi ng friend ko naranasan at nadinig niya daw talaga 'yung tiktik 'nung buntis pa siya e kaya naniniwala siya. parang medyo natakot ako 'nun. sabi maglagay daw lagi ng bagong walis tingting malapit sa higaan mo. at syempre, pray.