Samyang

Ask lang momshies? Panu po pag Samyang pinaglilihian ko?? okay lang po Kaya un? Samyang lang po kase bukod tanging pagkain na hndi nagbabagu panlasa ko at diko sinusuka.. masarap po tlaga sya para saken? I'm 8weeks pregnant po.. safe lang po Kaya un?

Samyang
108 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sa sobrang pag iingat ko ngayong pag bubuntis ko, kahit sobrang nag crave ako sa pancit canton, pinipigilan ko tlaga sarili ko.. pero my time na di ko tlaga napigilan, kumaen ako pero ilang hibla lang.. malasahan ko kang talaga ung pancit canton.. nkaka uti dn kase yan e..

5y trước

oo hahaha tas pg my nagluluto nagkukulong ako sa kwarto hahaha

Thành viên VIP

Bawal po ang mga instant noodles and preservative na pagkain. Ako kahit gustong gusto ko mag noodles pinipigilan ko. Hanggang tingin nalang ako habang naglalaway 😭 Minsan pa nga binabatukan ako ng mister ko sa sobrang kulit ko. Hehe tiis tiis lang muna mamsh.

Its what we usually say MIND vs Heart charot 😂😂 di porke gusto mo and hilig mo go klng ng go isipin mo dalawa na kayo ni baby hindi healthy kay baby yan, pag may gusto ka kainin isipin mo lagi kayong dlawa ni baby hindi ikaw lang momshie

Korean noodles kinakain ko nung 8 weeks ako. Yung color blue then mild lang yung anghang. Hindi rin ako nagka UTI, pero ngayong 28 weeks nako, hindi na nga ako kumakain non at di rin ako nag sosoftdrinks pero may UTI ako. Hindi rin ako masyado sa maalat.

Ako gustong gusto ko ng noodles nun sobrang nag ke-crave ako pero tiis tiis lang..kya yung nanganak ako walang nakapigil sakin kumain ng noodles.. anyways tiis lang mommy dapat healthy food lang yung kainin mo for you and for your baby..isipin mo po sya

Thành viên VIP

Try niyo po Samyang jjajang/black bean yung kulay green ang pack ito yung least spiciest sa lahat ng Samyang. Delikado po kasi pang sobrang spicy. And hatiin na lang sa 2 serving ang isa. Kumakain ako kalahati every other week di ko mapigilan hanapin.

5y trước

Then drink lots of water po palagi

Ok lang naman kumain ng spicy ang buntis kaso wag sobra kasi baka magka heartburn ka matagal matunaw ang mga instant noodles hirap pa naman magpoop pag buntis constipated isa pa baka magka uti ka mag aantibiotic ka kaya hinay hinay din.

hindi po pwede kasi noodles po sya, tapos spicy pa po baka magkaalmoranas or mahirapan ka po sa pagtae, been there po pero hirap ako sa pagtae na need pa iire at delikado kapag everytime na dudumi ka iiire mo baka manganak ka bigla nun

Ako nung first trimester ko kimchi. Pero hindi ko alam na preggy na pala ako, lahat ng kainin ko may kimchi. Gumawa pa ko ng homemade kimchi sa sobrang adik ko. Minsan yung utot ko nun mahapdi na sa kaka-kimchi. 😅😅😅

5y trước

hindi naman po siguro, 34 weeks preggy na po ko. so far ok naman si baby. hehe

Bawal yan mommy, ang lihi kelangan din labanan lalo kung makakasana s baby, di natutunaw. Sa tyan yan agad, kawawa baby mo, at ikaw din, UTI, Diabetes, Pre-eclampsia, ilan lang sa mga magiging problem no yan,