Breastmilk

Ask kolang po pano pag clear ang breastmilk? Di naman sya clear na clear may pagka white padin naman po. Ano po dapat gawin? At ano po foods na need kainin para magkaroon ng fats yun breastmilk ko? Nabigat naman po si baby pero medjo natatakot lang ako mawalan ng breastmilk 😅

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Normal lang po. Yung ganyan ay usually yung tinatawag na foremilk, parang clear at malabnaw. While yung thick and fatty ay tinatawag na hindmilk. Both type are very nutritious at kailangan ni baby 😊 Wala po kayong dapat kainin, natural na nagpo-produce po kayo pareho nun, pero as the name implies, yung foremilk lumalabas at the start of the session while hindmilk yung sa bandang huli. Kaya ang dapat gawin ay to make sure baby is latched long enough to get to the hindmilk, or iwasan yung paglipat agad sa kabilang breast nang hindi pa fully drained yung isa 😊 Our milk production is based on Supply and Demand, so hindi po mawawala bm supply nyo hanggat nagdedede si baby. What will decrease your supply is Mix feeding dahil nababawasan yung demand, and using bottles that might cause nipple confusion that would make baby not want to latch anymore 😄

Đọc thêm
3mo trước

ahhhh okay po. kala ko po kasi di sya nutritious 😅 ngayon lang po kasi nakapagpa breastfeed since nagformula first born ko. 😅 yes po lagi po sya naddrain before ilipat sa kabilang breast. thank you mommy sa pagsagot. ❤️❤️