Diaper rash

Ask ko lang po diaper rash na po ba ito? Ang dami ko na tinry na diaper ni baby yung iba kasi bilis mag leak konting ihi leak agad (eq dry nb), namumula sobra naman sa rascal and friends, same kay kleenfant, ngayon naman tatlong palit ko palang kay pampers dry ayan na mapula na may butlig 😣 Ano po kaya pwede niyo marecommend na ipahid sa butlig ni baby sa pwet/ diaper rash? Please help po. Ayaw po ni pedia bigyan ng pampahid eh cotton ang water lang daw ganun na po ginagawa ko pero may ganyan padin naaawa na ko kay baby. Thank you sa sasagot.

Diaper rash
7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Try unilove airpro po. Affordable & hiyang si baby ko. Tas frequent diaper change po para hindi nabababad ang butt ni baby na nagkocause ng redness at rashes. I also put diaper cream every diaper change po and mas okay cya. Yung fischer price na diaper cream natry ko, 100 price nya pero usually nakasale sa shopee fischer price mall ng 50 lang. May reserba ako lagi simula nasubukan ko. ☺️

Đọc thêm

Huwag niyo po siya lalagyan ng diaper na basa ang pwet niya, and Isang way lang po ang pagpunas Ng kanyang pwet pababa po palit po agad ng bulak. Pero kung nagawa niyo na rin yan baka po hindi talaga siya hiyang sa mga diapers na pinapagamit niyo sa kanya try niyo po ipahinga muna siya sa diaper.

try to change every 2 to 3 hours kaht konti lang laman. ayusin dn ung fitting ng diaper normally may mga leak guard yan. i suggest use huggies never nagka rashes ang baby ko dto.. wag dn super sikip mag suot pala

Huggies dry newborn. Tuyuin muna bago lagyan ng diaper. Wag din masyado gumamit ng wipes. Lukewarm water at cotton panlinis. Sa pampahid, try mo tinybuds no rash. Or yung rash free.

hello po. kay baby ko po reseta is calmoseptine cream.. inaapply every diaper change. so far, okay kay baby. mejo sticky nga lng yung cream kaya mejo mahirap tanggalin pag mglilinis

Super Mom

if leaking baka po need to size up na. try to change as frequent as possible na lang po.

unilove po no leaking kahit puno na po..