2am thoughts
Anong reaction ng bf/asawa mo nung sinabi mo na buntis ka? Yung akin kasi nung una parang di sya masaya, nagulat sya. Tanong pa sakin “baka dinaya mo yan” pero i think ngayon mej ok naman, medyo lang.
pinakitaan ko PT, sabi nya totoo ba to? Kasi alam nyang palabiro ako..kala nya izza prank! Pero nung nakita nyang seryoso ako buong araw na syang nakangiti. We tried and tried for this blessings to come after 4 years.
4AM gumising ako para mag PT. Ginising ko siya sabi ko buntis ako. Antok na antok pa siya non sabi nia lang "Eh?" tas natulog ulet. 😂 Tska lang nag sink in sa kanya after namin magpacheck up nung same day.
nong sa panganay namin. tuwang tuwa talaga sya blessing daw yun. ako non ayaw ko pa talaga, sabi sakin kung ayaw ko daw nong baby eh umuwi na lang daw ako samin kasi nag suggest ako ng iba
di sya nagulat, ako ang nagulat eh 😂 matagal na kami nagttry so less expectant na ko, pero sya yung sigurado na makakabuo kami. and now23 weeks preggy na kami. God is great talaga ♥️
gulat hnd kami makapaniwala kasi gabi ako ng pt haha.at 6years nmin antay to.kaya thanks covid haha.nalockdown kmi.3months lang kc kmi ngkakasama sa isang taon sadil nasa barko sya.
Wala akong nakitang emosyon parang alam na nya 😂 Ako umiyak. Hinug lang nya ako tapos kiniss sabi nya di nya ako pababayaan. Super bless kasi di nya talaga kame pinabayaan.
happy po sya biniro pa nga nya ako ng Covidy daw ipapangalan namin 😅 Doctor kasi mismo ang nag sabi na buntis ako kaya ayon gulat kaming dalawa, akala ko nag tatae lang ako 😂
Sa una, tinatanggihan pa niya, pero nung tumagal biglang nalang siya nag babanggit ng baby names 🤣 ngayon tuwang tuwa siya pag ngumingiti si baby sa kanya 😁
Walang reaksyon, pero mas excited cya sa lahat ng bagay, check up, pagbili ng gamot, cya pa naga alarm para sa vitamins ko 😅 kaya tingin ko sobrang happy nya.
he was ecstatic pero the best moment was when we had the 1st ultrasound..he kissed me in the forehead and he cried 😍😭 naiyak ako pag naalala ko ☺️
MOM OF TWO