Do you remember the moment?
Ano'ng naging reaksyon ng parents mo nang malaman na buntis ka?
ok naman.. not that excited kasi mas lamang yung naawa sila sa sister ko na pregnant din.. pandemic daw kasi tapos walang katulong yung sister ko. wala daw magaalaga kasi buntis na din ako. pero keri lang. although syempre nalungkot ako kasi syempre i expected them to be excited.. prehas naman kami married na ng sister ko when we got pregnant. nasanay lang kasi parents ko na ako ang inaasahan nilang magaasikaso sa mga kapatid ko dahil nsa province sila at panganay kasi ako.
Đọc thêmHahahahaah, sobrang kaba ko nun sasabihin ko yun kahit 30 yrs old na ko. And birthday ko nun nagannounce kami. Pagkasabi ko sa parents ko "may sasabihin kami." sabi ng mama ko "ay nako, alam ko na yan. Mabubuntis ka din naman pala sana ginawa niyo na ng tama. Nagpakasal na kayo dati pa." 😂😂 ayun, after 2 months kinasal kami, December 29, 2019 (last sunday of 2019) before nagkagulo ang mundo sa COVID. And I believe it is God’s plan for me and my husband. 😊
Đọc thêmOkay lang sa dad ko kase I'm already 27 na and we're engaged na before I got pregnant. My mom is galit hanggang ngayon. Akala ko intial reaction nya lang pero galit pa rin sya hanggang ngayon. Parang wala siyang pakealam sa dinadala ko. Akala ko pa naman sa kanya pa ko makukuha ng mga payo sa pagbubuntis pero wala e. Anyways, I nees to be strong para sa amin ng baby ko and continue lang ng pagpray kay God.
Đọc thêmsa 1st born cyempre sobrang disappointment as in graduating in College tapos nung nabuntis ulit ako may ama naman pero di tanggap kaya nakipagtanan ako ayun yung disappointment naging galit hanggang sa namatay Daddy ko medyo civil na kami pero dpa ko sure yung about sa mga bata ..tapos dpa niya alam na may parating ulit ..nag-iba kasi tono ni mama mula nung pinapupunta niya ko samin ..may iba-ibang padala and mga pinagliitan ng 1st born ko binigay na sakin ..
Đọc thêmyung first pregnancy ko, nag miscarriage ako. di nila alam na buntis ako. nalaman na lang nila nung raraspahin na ako. 3months before marriage namin. nung 2nd pregnancy ko, 3 months after marriage, sinabi ko na sakanila. mom was like "ay katakot. magkakasanggol na naman sa bahay." afraid in a way na di kasi kami gaano maalam mag alaga ng infant. 🤣🤣 si dadi naman, "ah. okay. sleep ka na." kala mo talaga di excited sa apo. 🤣🤣 mapagkubli. 🤣🤣
Đọc thêmsa first baby ko parang hindi nman sila na gulat kase lagi akong wala sa bahay a bet disappointed siguro kase mag aabroad ako nung mabuntis ako sa panganay kaya we get married before akong manganak pero happy sila dahil first apo sa side nmin at may edad na mga parents ko, sa 2nd baby nmin mas excited pa sila dahil ang tagal nasundan ang eldest ko and my father passed away kaya hindi na nia nakita yung 2nd baby nmin🥺
Đọc thêmMama: "1 week ka palang kasal, buntis ka na" Ako: "Basta mama magkakaapo ka na! Ayie" 29 na ko. And hubby and I found out na pregnant ako the day before our wedding. Madalas tinitreat ako ng parents ko na parang baby pa ko. Panganay ako at tumatanda na din sila, yun mga kapatid nila may mga apo na, sila wala pa. Buti nakahabol pa ko 😁Though si papa, alam kong matagal na nyang gusto ng apo kasi mahilig sya sa bata.
Đọc thêmnung una nagulat at syempre may kunting tampo sakin since na kakagraduate ko lang last year pero dumaan yung mga araw na naging okey na rin sa kanila at excited na makita ang kanilang first apo at pamangkin sa aming family, and syempre hindi naman na pabata ang aking mga magulang at nasa tamang edad na rin naman ako❤ basta wala akong masabi masuwerte ako sa magulang at kapatid ko at syempre sa partner ko
Đọc thêmThankful ako kasi tanggap nila. akala ko talaga magagalit saken kasi 3mons preggy nako nun nalaman ko. tapos 1 beses ko palang nadala bf ko that time sa bahay namin. though 25yrs old nako syempre pag province mejo sinauna. kasal muna bago mag anak. tapos balak ko pa noon makipagbreak sa bf ko kasi toxic na relasyon namin. pero ngayon kasal na kami kasi nga pinanagutan naman nya ako. 😂 hehe
Đọc thêmnamura ako kase nagulat sila hehe😂 pero kinabukasan tinanggap naman nila agad💝 swerte ako kase sobrang mabait bg mama ko❣️ ngayon 22 nako two na yung manganay ko buntis ako sa second baby namen💞 hindi kase ganon kalake room ko kaya pinapagawan ako ng bagong room yung masmalake kase magiging dalawa na baby namen💞 kaya mahal ko mama ko hindi nya kame hahayaan ma mahirapan💝
Đọc thêm