Ulam
Anong mga ulam ang niluluto nyo? Minsan kasi iniisip ko kung anong ulam ang lulutuin ko sa bawat araw. Please share ?
Depende momsh kung buntis or breasfeeding ka pa dapat healthy 😉 veggies, fresh fish and meat. Kung hindi naman puede na kahit ano... 😊 Sinigang - shirmp or pork with your choice of veggies Adobo - chicken or pork, puedeng may sitaw Menudo - pork with potato and carrots Afritada - chicken with potato and carrots Nilaga - beef with potato and pechay Humba - pork Sweet and Sour - pork or fish Pork or beef Steak with slices of onions Ginataan - alimasag with langka Saute veggies with beef/pork strips Siarciado - Fish with tomato and egg Chicken Tinola with papaya and malunggay leaves Sorry got carried away... Naggagawa din kasi ako ng list ngayon, kasi ang hirap mag isip araw araw 😁
Đọc thêmmadalas ko po lutuin ung squash n may konting giniling. boiled ko po at hahaluan giniling at egg at konting flour. tas prito ko na parng burger patties. tpos fried kankong leaves. ginisang spinach konting halo ng bacon cut n pork. mdli lutuin at msustansya pa po at swak s budget.
paiba iba pero normally laging may soup stock kasi pwede ka mag luto ng madami tapos ifreeze mo into smaller containers then using each smaller containers pwede paiba iba ung magagawa mo like add misua, pwede shabu shabu style, pwedeng creamy soup
Nakaka loka kaya mag isip ng uulamin araw araw... Minsqn nakakatamad na rin mag luto.. Lalu na kung araw araw.. Di kasi marunong mag luto ung kasambahay ng hubby ko.. 😂🤣🙊
Kung ano yung available na naka stock sa fridge ay yun nalang ang iniluluto ko. Atsaka tinatanong ko rin ang mga anak ko kung ano gusto nilang ulam.
Same here yan dn always Kung problem. Kya Kung ano nlng available sa ref. Tas minsan nagsesearch aq fb Ng mga ulam recipes.
Kami palaging may sweet corn, broccoli at cauliflower. Madali lang kasi i-steam at gawing side dish para sa mga bata.
di na ako masyado nakkaluto pero madalas ko lutuin sinigang na baboy, chicken and pork adobo.
mama ko dati paiba iba pag nagkarne ngayon bukas isda or gulay pero every friday monggo 😂
Inihaw na bangus or prito basta importante laging may gulay.