May 28 - Question of the Day

Ano'ng mas mahirap, mangutang o maningil ng utang? Answer our #QOTD and get a chance to win a P100 Mercury Drug GC! Just follow these steps: STEP 1: Vote on this poll (https://community.theasianparent.com/q/qotd-may28/3339577 ). STEP 2: Comment your answer (Ano'ng mas mahirap, mangutang o maningil ng utang?) below. That’s it. Hindi kailangan ng sobrang daming comment. Just one poll vote and one comment here. Oks na yun! Just be sure to do both. You may answer until 11:59 PM of May 28, 2021. We’ll announce the winner tomorrow, kasabay ng bagong #QOTD. Ayos ba? Our winner for #QOTD on May 27 is: Sheshe Morro Congratulations! Please e-mail your name and contact details to [email protected] (subject: QOTD - May 27)

May 28 - Question of the Day
673 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

maningil ng utang ang nas mahirap dahl merong mga tao tlga na maattitude kaht sbhn pa n sila ang nangutang pero sila pa minsan ang galit pag naningil tau minsan sasabhn nila na hndi mn lng tau makaintindi., pero in this kind of situation wala na rin tau magawa minsan lalo na pag isa kang mabait at maintindihin na tao kundi consider nlng ang rason kaya ang hirap maningil., minsan marami pa sinasabi yun pala hndi nmn magbabayad may time dn na dadaanin ka lng sa kuwento tas sabay sabhn na wala pa pera lahat na ng problema nila sinasabi para lng may malulusot na d makabayad kulang nlng pati pagdumi nila eh problemahin na nila sa sobrang dami ng sinabi😂😂😂 nakakatawa man minsan pero nakakaasar dn kung inaabot na ng ilang dekada ang utang nila.😅 yun lng po at maraming salamat.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Mas mahirap ung maningil ng utang kasi nakakahiya maningil at mag tanong. Sa mga past experiences ko, isa sa matalik ko pang kaibigan ung umutang sakin at dahil dun muntik pang masira ung pagkakaibigan namin dahil lang sa pera. Nangako kasi sya nababayaran nya din next month pero biglang nagkasakit ata ng limot. So ako naman dahil kaibigan ko siya, sige ok lang yun pagbigyan kita, pera lang yan at ayokong magkasira tayo dahil dun. Ang masakit lang, hindi na nga sya nakakapagbayad, makikita mo pa sa fb posts nya na may mga bagong gamit, cellphone, nagpatattoo pa at puro out of town. Umabot ng isang taon ung utang nya sakin na kapag sisingilin mo laging sagot sayo "walang pera" o kaya idadahilan na may sakit ung anak nya.

Đọc thêm

para sakin ay yong maniningil ka ng pautang.. Haist.. may mga tao kasi na ang gagaling mangutang pero Kapag oras na ng bayaran .. wla na hnd na nila maalala big utang nila. Hindi masamang mangutang dhil lahat nman sguro tayo nkaranas mangutang. Ang point ko Ikaw na nagpautang kahit sbihing utang yon nakatulong ka parin kasi nagpaluwag ka. Kaya lang may mga taong sila pa ang matatapang kpag sinisingil. Ni hindi man lang humingi ng pasensya kung wala pang pambayad sa halip ang ginagawa lista nalang sa tubig meaning wla na TY nlng.. Wala po akong pinatatamaan base on my experienced Lang pong sinsbi ko

Đọc thêm
Thành viên VIP

Mas mahirap maningil ng utang, kasi lahat ng alibi maririnig mo. Though yung iba totoong dahilan naman pero meron at meron talagang lahat ng pwedeng idahilan e idadahilan wag ka lang mabayaran. Meron pa nga yung pagtapos mangutang sayo parang di kana kilala e. As in dedma. Naol malakas loob mangutang at malakas din ang loob na hindi magbayad. Di masamang umutang, ang masama yung di mo babayaran. And I, thank you.

Đọc thêm

Hello! For me, mahirap po parehas ang mangutang at maningil.. Mangutang po kasi kaylangan mong ibaba ang pride mo para sa mga taong mahal mo kasi di ka naman mangungutang kung di kinakailangan, maningil din kasi may mga taong kapag nakahiram na sayo minsan mo na lang sila mahagilap at may mga tao din naman na kapag sinisingil na, nagagalit na sila. Yun lang po ang aking opinyon♥️♥️♥️

Đọc thêm
Thành viên VIP

good day😊for me po pareho po cla. why??kc po if mangungutang ka hindi po laht ng pwede mo lapitan bibigyan ka kaagd.minsan po me sasabhin pa..nkakababa po ng self steem minsan.yun nmn pong maningil ng utang mhirap din po sya kc po minsan ung pinautang mo ngkakaron ng sakit..amnesia(jk)🤣🤣minsan po pangangakuan ka pag siningil mo galit pa.minsan ikaw na mhihiya maningil khit obligasyon nmn nilang mgbyad

Đọc thêm

Maningil ng utang. Y? Tbh, apakadali magpautang kung meron lang din naman. Realtalk tayo, lahat naman tayo dumadaan sa ganyan. Yun nga lang, minsan pag may napahiram ka na, minsan nagkakaron ng amnesia yung pinahiram mo. Kaya ang ending, ikaw pa mahihiya maningil lalo na kung kakilala mo. Minsan nga ikaw pa lalabas na masama pag singilan time na eh.. 🤦‍♀️🤷🏼‍♀️

Đọc thêm
Thành viên VIP

Sa panahon ngayon mas mahirap maningil ng utang . Dahil kahit saan ngayon maaari ng makautang sa kapit-bahay man yan, loaning app o bangko basta kuha mo ang tiwala nila. Pero ang maningil ng utang mahirap na yan dahil kaya nga may nangungutang kasi may mga araw na gipit. Kaya kapag naningil na may araw din na papalya sila sa hulog o sa pinag usapan. Malas pa kapag tinakbuhan ka.

Đọc thêm

Ang mas mahirap sa mangungutang o maniningil ng utang ay ang paniningil ng utang kasi pag sinisingil na yung iba ng kanilang utang yun pa ang magagalit, o meron din ang maniningil ang nahihiya kasi di rin magbabayad kung hindi sisingilin na dapat obligasyon na sana yan sa nangungutang na magbabayad ng kanyang utang kahit hindi na sisingilin. yun lng po,. salamat.

Đọc thêm

mahirap mangutang lalo na kung yung uutangan mo eskandalosa maningil 😂 minsan kasi kahit nagbabayad ka ng maayos, may ibang nagpapautang na namamahiya. hindi ka naman mahihirapan maningil basta marunong ka kumilatis ng nangungutang at dapat alam mong may kakayahan magbayad ang papautangin mo. Wag ka magpapautang kung sa huli mahihiya ka din maningil. 😅✌️

Đọc thêm