Eldest - Bunso Couple problem

Ano po pwede ko gawin. Yung LIP ko kasi masyado kuripot at wais sa pera . We currently live with my family , ako nagbabayad ng bahay ( gamit sarili kong pera ) and nakatira family ko sakin , kasama mga kapatid ko and asawa at anak nila. Initial na usapan 50/50 sa bills ( kuryente , tubig , grocery ) . Now, issue ng LIP ko yun kasi recently kami lang nagbayad ng grocery sa bahay since gipit yung mga kapatid ko. not to mention kakamatay lang ng father ko kaya hirap din yung mga kapatid ko kasi kami kami lang din gumastos panglibing so naubos savings nila. Eldest ako , sanay ako solohin yung bills nung dalaga ako. For me, okay lang na lamang ako sa bills kasi malakas kami gumamit ng aircon ni baby. Sa food naman, okay lang paminsan minsan ako bibili kasi gipit pa nga mga kapatid ko tulong ko nlng din tsaka halos kakain nlng kami dahil sila na gumagawa ng gawain bahay, luto laba linis. Nagaaway kami kasi ayaw nya nalalamangan, sanay kasi sya fair share sa mga bayarin like what they did nung kasama pa nya mga kapatid nya. For me kasi , ako nakakaluwag ng konti so tutulong ako. Sya hindi. Madalas namin pagawayan yun. Gusto ko sana bumukod ulit para wala na sya masabi , pero malaki din monthly ko sa bahay, di kaya hulugan ng mga kapatid at mama ko. Di ko naman sila pwede paalisin kasi malaki din nilabas nila pera nung binili namin yung bahay ( tinulungan nila ako sa downpayment). Hay. Naiistress ako kasi dami nya reklamo sa pamilya ko. Kain tulog na nga lang ginagawa nya sa bahay , kasama na din pagaalaga kay baby. Hirap!

20 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Yan din ang problem ko. Gusto ko tumulong pero sabi nga ng partner ko. May kanya kanya na kaming pamilya, syempre asawa ko yun at gusto niya na inuuna ko anak namin which is tama naman kaya naiintindihan ko siya. Iba na ngayon sa noon

madamot ang asawa mo hindi ka niya maintindihan bkit mo ginagawa yan dipa sya matuwa lalo pera mo naman binibigay sa family mo tama naman na kung ikaw nakakaluwag luwag magbigay ka kasi naging mabuti din naman sayo mga kapatid mo.

Thành viên VIP

maigi po na mkapaintindi sa knya lalo na hindi pla sa bulsa nya galing. hindi pa po kau mgasawa. so ang pamilya mo pdn ang primary pamilya mo. tsaka hindi p kau kasal. dapat hindi sya gnon mgisip

SBHIN MO SA PARTNER MO ANG DAMI NYANG HANASH.. MABUTI KUNG KANYA GALING YUNG PERA, EH PALAMUNIN LNG DIN NAMAN PALA. HINDI NAMAN IBANG TAO ANG TINUTULUNGAN MO KAMO KUNDI SARILI MONG PAMILYA.

Wla pla nmang trabaho mister mo pero kung mkaasta parang sya ngbbgay sayo. Mhiya ka kung sa knya nggagaling gnagastos mo. Eh naasa lng dn nman yta sayo. Mdamot yng asawa mo. D mkaintndi.

Thành viên VIP

Nye akala ko naman si LIP mo ng nagbibigay ng pera. Ikaw naman pala. Kausapin mo na lang din mga kapatid mo sa situation niyo ni LIP para magsumikap sila na makapagcontribute din.

Kung wala sya work at hndi ka tinutulungan sa gastos, wala syang karapatan diktahan ka kung paano mo gagastusin pera mo.

Sis sa akin lang anything financial, dapat pag usapan ng mag asawa. Ang pera mo ay pera nya, at ganun din sya.

Ipaintindi mo sa kniya yung sitwasyon niyo at sitwasyon ng mga kapatid mo

Thành viên VIP

Ganyan na ganyan kami ng lip ko