Solid food
Ano po diet ng 8 months old baby nyo? Akin po kasi puro tikim lng gusto. Hindi nya kinakain full meal nya. Ni try ko cerelac or puree ayaw na nya agad nung 7 months naduduwal sya. Gusto nya kanin or bread tas brocoli tas squash mismo pero not always na kakain, tikim tikim lng. Okay lng kaya yun? Need ko ba pag vitamins? Or may app for baby solid food recipes?
Hello. Ito ginawa ko sa anak ko: 6m : breakfast. Cerelac for 2 weeks, nag experiment ako sa consistently, at first malabnaw habang tumatagal pinalapot ko. Hindi niya kasi alam paano kainin yung malabnaw. After 2 weeks, veggie purée. 7m : breakfast and lunch. Veggie purée with meat mix. 8m : breakfast, lunch and dinner. BLW ayaw niya na ng purées. At gusto niya yung nahahawakan na. 9m : 3 meals 1 snack 10m 3 meals 2 snack Keep offering different varieties of foods. Okay lang tikim-tikim since below 1y lang siya. Main nutrition niya is milk padin. Goal mo dito is ma-expose siya sa food at magkaroon siya ng positive interaction sa food. Ganitong age focus mo is turuan siya paano kumain at maiwasan ang pagiging picky eater kapag nag 1 or 2 y/ona sila. At samahan mo rin siya kumain, para nakikita niya rin sayo.
Đọc thêmsame situation mii ano po kamusta na baby niyo? ano po tactics ginawa niyo hehe?? 10m old napo baby ko pero tikim tikim lang din po siya😭😭 pag inofferan mo ng madami naduduwal nasiya
Hati hati ang feeding kumbaga breakfast snack lunch snack tas dinner. Kahit tikim tikim atleast sumusubo, until now na 10 months din baby ko ganun pa din style na kumain. Minsan lng nu susubo ng madami, minsan ayaw pa tlaga kumain.