Ano po ba yung dapat kong sundin na EDD?
Ano po ba yung dapat kong sundin? 36 weeks and 5 days napo ako , LMP Oct 6 2023. unang ultrasound ko sa lying in ang EDD ko is July 12, 2024 sabi tama naman daw yun binigay ko na LMP ko? 2nd ultrasound ko sa hospital na kasi dun ko balak manganak then same ng EDD July 12 din , 3rd ultrasound same hospital pero ang EDD ko naman is July 07 na?? Then pinag BPS Ultrasound ako ng OB ko kaso wala sa hospital na pagaanakan ko wala na kasi sila schedule sa 25 na kasi ang balik ko sa OB eh 28 pa available kaya naghanap ako sa iba nung nakahanap ako ang EDD ko nmn is July 21 tapos 34 weeks palng ako nagsabi naman ako na yung LMP ko is oct 6, 2023 tapos nung inultrasound nako ang sabi nmn sa EDD ko is July 21 , 34weeks palng daw po ako nung sunday po ako nagpa ultrasound.. nagbased daw po sya sa laki ng bata??? Ano po ba yun susundin?? Salamat po