How to feed a 6 months old baby
Ano po ba dapat una gawin kapag magstart na si baby mag eat ng real foods. First time mom here. No idea about the proper way to feed my baby 🥺😔
Mi, search ka lang about baby's readiness for solids. Tapos search ka lang din kung ano ang binibigay na healthy sa babies. Madami ang hindi na nirerecommend ang Cerelac dahil masugar. Kapag nacheck mo na kung ready na baby mo sa solids, pwede ka gumawa ng mashed veggies. Pwede ka din naman mag BLW, you can download SOLID STARTS app for guidelines. Search search lang and tanong sa pedia kung ano ang instructions nila sa iyo.
Đọc thêmonce a day lang muna ang feeding. start ka sa avocado or apple or squash or potato. puree lang, cut sa smaller pieces, then steam. pag malambot na, i mash mo, pwede haluan ng breastmilk. kung ano ang pinakain mo, 3-5 days yun lang ang kakainin ni baby para ma monitor mo kung ok sa kanya yung food, like hindi ba nag lbm,or constipated or allergy..
Đọc thêmako momsh avocado with breastmilk yung unang food ni baby, pakonti konti lang po pinapakain ko sa kanya. 3 consecutive days po na avocado then nag carrots naman po sya for 3 days ulit. may nabasa kasi ako na mag introduce ng new food kay baby after 3 days. once a day ko pa lang po napapakain si baby
You can search the Tamang Kain po on facebook. Offer fresh fruits and vegetables na nasa bahay kubo except for mani. No salt, sugar, seasoning po lalo na kung wala pa 1yo.