Bakuna keloid? Newborn/1month
Ano kaya ito mga mi? Nung paglabas ni baby sa nicu meron na yan pero prang kagat lang ng langgam maliit na mapula. Ngayon napansin ko naging ganyan na.
Mukhang keloid ang nararanasan mo sa iyong baby. Karaniwan ito ay dulot ng pagaling ng sugat na hindi maayos o dahil sa pagkakaroon ng sobrang collagen sa balat. Maaring maging sanhi din ang kagat ng insekto o iba pang mga bagay. Mahalaga na maging maingat sa pag-aalaga ng sugat ng iyong baby at siguraduhing malinis ito palagi. Maaari mo rin konsultahin ang doktor para sa tamang gabay at gamot upang mapabuti ang kondisyon ng keloid ng iyong baby. Mag-ingat lagi sa kalusugan ng iyong anak! https://invl.io/cll6sh7
Đọc thêmNormal lang po yan, after nyan pumutok po, mag d-dry din sya. Bantayan nyo lang po pag pumutok kase open wound po sya, lagyan nyo lang ng band aid. Same na same sa baby ko miii na 1m and 24 days old ngayon. Dry na yung sa kanya.
normal lang po hanggang 9months magiging ok tapos babalik na naman Piro Pag 1 year ganyan parin patingin na
BCG vaccine yan.. yung iba nag-nanana talaga... magpepeklat pa yan kpg gumaling... very normal po yan :)
normal lang mi, ganyan sa baby ko nung mag 2 months dun nag nana. sabi naman ni pedia normal lang daw
Hello po, BCG vaccine po yan, check nyo po vacc card nya or baby card. Dapat po nainform ka nyan.
Ayun nga po wala man lang sinabi. Taka tuloy ako ano yan. Salamat po. Check ko card nya
Sa tingin ko po sa bcg yan na tinurok
yes, its bcg vaccine. hayaan lang.