Naglilihi asawa mo sayo
Ano ginawa nyo nung time na naglilihi asawa mo sayo? yung lagi siya galit sayo. Ayaw ka nya nakikita or nakakausap. LDR kami. FIrst time soon to be dad here. Gusto ko din malaman ang opinyon ng mga kababaihan dito #naglilihi
HAHAHA MUMS ganito ko sa asawa ko halos oalayasin kona nga tapos kapag hindi ako pinansin umiyak ako kapag tatawag ayaw kong kausapin pero kapag hindi tumatawag na lulungkot ako nung hindi naman ako buntis hindi naman ako ganito
Intindihin nyo po dahil ganyan po talaga ang mga buntis, mababaw ang damdamin. Ang pagintindi nyo po at pag-comfort pati presence nyo ang pinaka-kailangan ng mga mommy na buntis. Konting lambing yan okay na yan 🥰
Ganyan din po ako nong sa 1st baby ko ayaw ko makita ung tatay pero pag wala naman sya sa tabi ko hinahahnap hnap ko sya. Pag ayaw ka po makita gnon nlng po layo kna lang mwawala din nman po yang gnyang paglilihi
hahaha ganyan ako sa 2nd pregnancy ko now. napaglilihian ko si hubby pero ayos sknya kasi baka kamukha daw nya ulit 2nd baby namin LOL. pasensya lang po Sir iba tlaga kapag buntis hahaha tinutupak hahaha
How blessed naman ang magina mo daddy!! You want din na mafeel kung ano nararamdaman ng mga preggy well kuya for me ganun talaga wala kang magagawa hehe. God bless ysa i yong magasawa😊
ako na ayaw kong nakkta mukha ng mister ko dati nung mga first month ng pagbubuntis ayon carbon copy silang mag ama .. feel ko lang mahal na mahal talaga ako ng mister ko 😍
Tiis lang. Lambingin mo. Madadaan sa lambing yan si mommy ☺️ Pag nagalit siya, wag ka magagalit sa kanya. Isipin mo na lang na hormones yun at di dahil sayo. Goodluck!
halos lahat naman ata ganyan, kahit ako ayaw ko naalis alis asawa ko pero naaalibadbaran din ako sa kanya, ginagawa ng asawa ko, bilhin ung food na dapat at gusto ko😍
hayaan mo lang hehe paglabas nyan sobrang kamukha mo si baby haha, ganyan ako sa asawa ko nung buntis ako eh ang kinalabasan, pinagbiyak tlga sila ni baby
normal yan sir. ako non naiirita ako makita asawa ko, pero ayoko din na umaalis sya. haha. pagpapasensyahan nyo lang talaga. ganyan talaga pag buntis