Full time Mom

Ako lang po ba nakakaramdam ng ganito? Para pong di na ako active as individual. Kakaresign ko lang po last year dahil nanganak po ako sa aming 1st baby, napagdesisyunan namin mag-asawa na tumigil na ako sa work para makapagfocus sa baby boy namin. Wala po ako katuwang sa pagaalaga ng anak ko, yung bahay namin madalas magulo dahil di ako madalas makapaglinis. Parang minsan disappointed yung asawa ko dahil magulo ang bahay, pakiramdam ko tuloy ang tamad ko pero ang hirap din magalaga ng baby na wala pang isang taon. Di ko alam minsan parang nagseself pity na lang ako. #advicemommies #respect_post

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hugs to you! Mom-guilt is real. Kahit ano gawin nyo, whether stay-at-home or working mom, you'll feel guilty for either not being able to contribute financially or for not always being there to raise your child. Understable po ang pagod and frustration nyo. As a working mom, ramdam ko before na yung time at work ko is actually my rest time, kasi mas nakakapagod talaga mag-alaga ng bata sa bahay. Kung nadi-disappoint si hubby sa gulo ng bahay, then it only means na hindi pa nya naranasang mag-alaga mag-isa ng bata for a whole day. Ipa-experience nyo rin sa kanya para marealize nya gaano kahirap.

Đọc thêm