Rant sa Biyenan

Ako lang ba na iinis sa biyenan ko, sa totoo lang nung una hindi naman talaga ako naiinis sakanya okay kami noon pero simula nung nanganak ako at nalaman ko yung totoo na hindi niya pala tanggap yung baby namin ng anak niya nung buntis palang ako, nag iba na yung tingin ko sakanya. Sobrang plastic niya, nung nanganak ako kung maka I love you sa anak namin akala mong hindi ipinag tabuyan noon. Tapos ngayon halos ayaw na ipahawak sakin. Nagagalit na sakin asawa ko bakit ko daw pinapabayaan na umiyak si baby. Hindi ko naman masabi sakanya na ayaw ibigay sakin ng mama niya gusto ng mama niya siya may buhat, siya mag papatulog, kapag mag m dedede ko lang nabubuhat si baby tapos lagi niya inaabangan pag tapos na kukunin agad. Pag nakatulog na kukunin ko na ayaw na ibigay sakin siya daw mag lalapag eh ayaw nga ni baby ng nilalapag ending pag nilapag magigising si baby siya ulit mag papatulog. Ang malala pa dun kakatapos lang niya manigarilyo gusto niya kunin na agad. Hindi ko na alam gagawin ko, naiiyak na lang ako. Ayoko naman mag ka pneumonia yung anak ko. Anong gagawin ko ?

42 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nainis lang ako sa Byanan ko nung Nahmg lilihi ako. hahaha Pero Subrang Bait ng Mother-in-law ko. alagang alaga niya kami ng anak niya. Tapos Yung mga Gusto ko lagi nila binibili. ♥️♥️♥️

Thành viên VIP

Ganyan din aq dati kahit may srili kaming bahay.. mas mgnda tlga may srili kaung bahay na medyo malau sa byenan mo kc d maiiwasan gawin nila ung d mo gsto pra sa baby mo👍🏻

Pglaban mo karapatan mo momsh..baby mo yan kaya dapat nasayo lagi yan pra bonding nyo magina. at iiwas si baby sa lola nya pwd sya mgkskit pglagi sya nkklahap ng yosi .

Bumukod na lang po kayo.. Mahirap talaga pag may ibang kasama sa bahay, kahit hindi mo byenan. Saka ikaw dapat masusunod since anak mo yun. Sabihin mo din sa asawa mo.

D Yan mangyayari Kung bumukod n kau. . Cliche but thats the truth. Ikaw tlaga makikisama at siya masusunod unless umalis kayo sa bahay Kung San siya nakatira.

Kausapin mo biyenan mo tungkol jan mommy pero pag hindi parin talaga nag paawat sabihan mo na partner mo tungkol sa nanay nya. Or much better mommy bumukod kayo.

Same here mga pkialamera.. last night nga nag away pa kmi. masyado binebaby asawa ko asawa ko inuutusan ko nkikiepal sya pano matututo ung lalaki . 😔

Đọc thêm

(AKO PO YUNG NAG POST) Maraming salamat po mga ka tAp mommies and daddies. Medyo gumaan po pakiramdam ko. Salamat po sa advices 😘🙏🏼 Godbless

Naku momshiee.. confront mopo sya kasi nakakasama sa baby yung paninigarilyo and feeling ko d masyadong comfortable si baby

Okay na sna na inaalagaan nya anak mo. Kaso di maganda yung nalalaghap ng bata lalo at galing sya manigarilyo kawawa naman yung baby.