FIRST TIME MOM

hello 9 weeks and 2 days preggy here just wanna ask lang po sino sa inyo nakapag pa trans v na dito at 9 weeks . may request kase saken for trans v pero sabi ng pinsan at tita ko wag daw muna kase sa case ng dalawa ko pang pinsan nagpa trans v sila at 3 months pero after 3 days dinugo sila ang sabi natunaw daw si baby sa loob . ask ko lang po if sino pa may case na ganto at kung safe ba talaga sya since its my first time being a mom kinakabahan din po ako . TY in advance sa sagot ❤#1stimemom #advicepls

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

safe po ang transV sis, ako kakatransV ko lang 9weeks 2days ako. at ang gaan sa pakirdam na makita mo si baby mo na okay. wala naman po connection yung "natunaw si baby dahil sa transV" nataon lang po siguro na after magpatransV ng pinsan mo nangyari yung ganun sa kanya.. makikita mo kasi develpoment ng baby mo Sis at kung may risk ba sya na mawala o hindi based sa results din.. kaya wag kang matakot.

Đọc thêm

Safe naman ako nga 3 times na tvs eh Una 7weeks first checkup ko yon 2ndtvs ko nung 8weeks tapos last nung sabado lang sakto 10weeks na . Medyo paranoid kasi ako kunting spot pa checkup agad kasi firsttimemom din ako. Healthy naman baby ko ok din heartbet nya 🥰 kaso nasa stage parin ako ng pag suka suka.

Đọc thêm

okay lang naman magpa-tvs. noong 5weeks and 2days ko nagpa-tvs ako kasi kailangan makita kung safe ba location ni baby- kung wala ba sya sa fallopian tube kasi madalas masakit puson ko e.. ayun okay lang pala location ni baby ang dahilan pala sa sakit ko ng puson dahil may myoma ako malaki.

safe po ang trans v,.Wala po itong radiation. two times na pd Akong naka tvs, first was when I was 5 weeks, second was when I was 8 weeks at praise to God nagka heartbeat na si baby. trans v is important to monitor the heart beat of the baby

Safe naman po ang transv hindi naman nila ipperform yan sa mga preggy if hindi po sya safe. naka 3 times na nga po akong transv. Una 4weeks sumunod 6weeks then pinaka recent is 9 weeks.

2y trước

Yes, mi. Halo halo na emotions. Medyo mahirap lang din talaga, pero para kay baby, kakayanin natin! 😊 Tsaka ilang weeks na tayo naka survive, mabilis lang ang panahon, laban lang at pray palagi!

Hi At 5weeks nag pa TVS na po ako and now im 10weeks pregnant. hindi po totoo yun na duduguin ka sa transvaginal and need po yun para malaman mo if may heartbeat na si baby

for me yes safe naman ang transv, 8 weeks ako nung nag pa transv di naman ako dinugo o nakunan, mas okay din para malaman kung okay ba baby mo or may heartbeat naba ganon

first transV ko po ay 7 weeks, may heartbeat na po si baby and nag transV po ulit ako at 9 weeks. ok naman po si baby. hindi rin po ako nagka vaginal bleeding

Safe po mi. Parang 4 na transV na ako since week 4 ni baby. Haha. Nakatulong sya talaga kasi nakita na may internal bleeding ako, nakainom agad ako ng gamot.

2y trước

Duphaston and Utrogestan Mi, 2 weeks na kami ni baby nagtitake nyan. Then since hindi pa stop bleeding, another 2 weeks nanaman kami pinagtake at bed rest din.

safe po. ako twice nag pa tvs isang 4 weeks and 5 days and 6 weeks ang 5 days. 😊 sa 2nd tvs nakita ko na po si baby