39weeks and 6days
39weeks and 6days na ako. sobrang nakakastress maghintay araw araw at umasa na lalabas na si baby. maninigas ang tyan at sasakit ang puson at balakang pero hindi naman nagtutuloy. nakakapagod umasa hahaha. nakakapressure paa yung mga tao sa paligid, ano magagawa ko ayaw pa lumabas. pagod na din ako maglakad, uminom ng primrose, mag eexercise minsan naiiyak nalang ako kase pagod na pagod na ako pero wala naman nangyayare. lalabas pa kaya si baby via normal delivery? o tanggapin ko na na baka macs ako. hayst. #1sttimemom
I gave birth at exactly 41 weeks mhie. Kung gusto na ni baby lumabas, lalabas yan. Wag kang magpakastress masyado kasi nararamdaman din ni baby yan. Iinduce na dapat nila ako kaso di na nila ginawa kasi pumutok na panubigan ko nung ituturok na dapat nila yung pampahilab. From 4 cm to fully dilated in just 30 minutes. Mas gusto ni baby na siya mamimili ng sarili niyang birthday haha. Sa ngayon tulungan mo na muna sarili mo at magready. Kumain ka ng prutas like pinya and also sa pwerta mo na idiretso yung primrose para mas effective ang paglambot ng cervix mo. Good luck mommy kaya mo yan!
Đọc thêmSame po tayo mamsh duedate ko naman ngayon sa transV ko. Pinagtake ako ng primrose ulit 3 times a day. Hoping po na makaraos na kami today puro sakit lang ng balakang at paninigas ng puson pero kahapon po may lumabas na saking mucus plug wala lang bleeding pa. Sinabihan din ako ng midwife if ever na di pa talaga lumabas mag ready ako para sa CS pero praying parin ako na normal delivery lang. FTM po ako sobrang nakakapressure po at stress nagaalala na kasi ako sa baby ko pero sinasabi po ng mother ko nanganganay daw po kasi ako kaya maaaring lumagpas sa duedate.
Đọc thêmsame 😭😭😭 40 weeks & 2days nako ngayon puro panimigas Ng tyan Lang ngalay NARARAMDAMAN KO. !!!!! mga Tao SA paligid. naiinip na kakaantay Di nila.alam mas naiinip nadin ako na sstresss nako Kung lalabas paba to nakakadalawang banig nako Ng primrose, dalawang Lata nang pine apple juice at dalawang iTlog na hilaw puro exercise ako araw Gabi . nag bubuhat pako Ng dalawang Galing na mineral nag iigin ako . 2cm Padin na didipresss nako gusto konaag pa C's hahah
Đọc thêmprimrose po ay pinapasok sa pwerta. anyway, nkkainis tlga un tanong ng tnong nuh 🤦. Wala nmn tayo mggwa kunh ayw, gustuhin man ntin. May time tlga sila baby kung kelan lalabas. iniiwasan lng tlga ntin ,mkain nila ang dumi nila. Goal ko din normal delivery, pero kung hindi tlga CS tyo mamsh. 39 weeks and 4 days nko 🥺🥺🥺🥺
Đọc thêmMomshie ,same tayo Ng kalagayan😢 Ako inip na inip nadin ,iniwan pa Ako Ng asawa ko😢 duedate ko april24 pero Wala png sign ..masakit lng tyan ko ,pepe ko ,malakang ko..pero d din tuloy2 kainis..Ang kasabayan ko kahapOn nsya Nanganak😢 Ako waiting layo kopa sa lying inn..pray ko din nA morning lumabas c baby 😢
Đọc thêmupdate mga momshie! nanganak na ako via normal delivery. nagpa induce na ako, sakto ang desisyon ko kase pag labas ni baby meron n konti poops. di ko na sinunod yung ob na nagsabe sakin na antayin pa 41weeks. nakakapag alala din kase talaga kaya nag desisyon kame na mag pa induce na nung 40weeks and 2days ko :)
Đọc thêmSame! 39 weeks tapos 3weeks na ako 1cm padin ang mahal ng check up every week tapos primrose at vitamins pa! kada araw 7 meds iinumin - 3 primrose, 2 calcium, 2 ferrous 😫nakaka stress sa gastos at maghintay. 3 weeks na ako primrose 1cm padin super exercise na nga ako 😫😫😫
para San bayong primrose ????
same mi nakakastress talaga yung mayat maya tanong kung aanak kana kahit ako gusto ko narin makaraos ngayong mag hapon nagsasakit sakit na ang tiyan parang rereglahin ako na ewan tas masakit ang balakang diko alam kung sign naba to wala kasi akong discharge na brown or dugo eh
Hello po, FTM po. 39weeks na po ako ngayon. Pwede pong magtanong, kakauwi ko lang po last week dito s Tarlac from Manila. Baka may ma suggest po kayo na hospital or lying in. EDD ko po sa 28 na. Salamat po
magpa C's na po kayo para guminhawa na Kayo parehas ni baby, malamang po ay mas gustong gusto na lumabas ni baby, nasisikipan na Sia sa loob NG iyong tummy 😊
[email protected]