About BreastFeeding
31weeks and 6days today mga mami, sa 1st born kopo kasi is walang naproduce na milk saakin. And now 2nd baby umaasang magkaroon na. Yung iba po kasi may sign na o nagkakaroon na but in my case kahit anong pisil wala parin po. Any sugguestion para makapag breastfeed ako this time. Thank you po in advance 😇
Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ Also, ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's OUTPUT (poops, wiwi, pawis), at NEVER sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas/ laki ng dede. And remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ (https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/)
Đọc thêmhabang buntis ugaliin sabaw lagi Ang ulam lalo yong may malunggay na halo magkakagatas ka Nyan,I'm 35weeks now pero may gatas na pag pinisil lagi kc may sabaw kada ulam namin