Late bloomer or Language delay?

3 ½ years old Mga momsh, si Lo ko po kasi, bihira po magsalita like mas prefer nya ipoint yung mga things na gusto nya ipaabot or yung sounds lang like hmmmpp. Pinapractice ko sya to express using words, for example, pag manghihingi sya ng water di ko sya bibigyan hanggat di nya sinasabi yung "mami water please". Nasasabi naman nya lalo pag uhaw na sya o kaya pag nakaserious mode na ko, pero most of the time mas prefer nya magexpress thru pointing or sounds. Attentive naman sya pag tinatawag namin sya. May eye contact. Nauutusan kumuha ng diaper sa lagayan, or he can follow commands. He knows many words like animals a-z or dinosaurs a-z and etc. He can count 1-20. He knows the shapes, color , animal sounds and he can even sing some nursery rhymes (bulol at wala minsan sa tono😅). Nakakabother lang talaga kasi may mga nakakapansin na hindi nga sya mahilig magsalita. Meron po mga mommy dito na same case katulad ng lo ko? Ano po ginawa nyo? And ano po update sa mga lo nyo dun sa mga year older na lo nila na nakaexperience same nito. Highly appreciated your insights. Thank you

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

If it bothers you, see a developmental pedia po. Mas maassess kasi ang anak niyo doon kesa po maghanap po kayo ng kung sino ang may same experience dahil iba-iba po ang bata. At 3 yrs old expected po na nasa 200 words na ang alam niya at kaya na niya mag phrase or short sentences (3 words in a sentence). Alam ko may magsasabi ng may kanya kanyang pace ang bata. While this is true, you also need to be aware sa milestones ng bata kaya mas okay na kung may napapansin ka na medyo hindi namimeet, iconsult agad sa pedia.

Đọc thêm

as long as may communication kayo... nothing to worry..kasi ung pamangkin ko ganyan din.. late nagsalita tas nung nagsalita.. buo na agad... or pwde mu din ipa check ung tongue tie sya.. kaya hnd sya makapag salita lagi.. more usap and less gadgets siguro... mas okay na totoong tao nkakausap

Language delay yan beh, masyado ng matanda yang 3 ½ years old para d makapagsalita. Alam naman nating lahat na iba-iba bawat bata ang development milestones pero kaiba yang umabot siyang 3 years old na ganyan lang. By 2 years old nga dapat madami ng alam na words.