Tulog manok
3 weeks old baby na tulog manok 😫 lahat na ginawa ko para humaba tulog nya. Pero every hour gising tapos ang babaw ng tulog. Sa gabi mas mahaba ang wake up hours nya than sleeping hours. Sabi naman ng mother ko magbabago naman daw un. Pero papunta na ako sa zombie hahahaha! Puyat all day.
magbabago po yan kapag nagkaron na sya ng routine or sleeping pattern pg 3-4 months na po, kapag newborn kasi naninibago pa sila sympre 9 months sila sa loob ng tiyan natin, tyaga lang mommy! 😊
iswaddle mo po mommy ganyan din si baby ko dati ih pero since ginamitan namin ng swaddle natagal na siya matulog ng 2-3hours pero syemps puyat pa din sa gabi pero atleast nakakatulog siya and masasabayan mo sa tulog.
Nako umiiyak sya gusto nakalabas ang hands nya e. Parang hindi na nga ito baby 😄 ayaw ng higa na karga. Gusto naka-aba sa balikat ung head nya.
24 days old ang baby ko at nagstart lang kahapon yung tinatawag nilang tulog manok .. same thing sa iba ayon sa nabasa ko. mas mahaba tulog niya ng umaga kaysa kagabi every 30mins. ba naman gumigising
After a month naging ok na din naman si baby. Mahaba na ang tulog sa gabi. Sa daytime naman 1-2 hours. Habang lumalaki nagiiba na din sleeping pattern. Nakatulog lang ako ng maayos nung 6 months na sya. Straight 5-6 hours na kasi ang tulog.
dim light lang sa gabi momsh para mag-adjust si baby malaman niya kung umaga na or gabi na, sa umaga naman iswaddle mo para mahaba ang tulog. Wala pang 1month hindi na namumuyat si baby ko 😊.
ang complicated haha pag lumaki pa siya ng kunti mababago pa tiis gand ana lang muna 😁
same here haggard and zombie is real n po tau mommy..pero eni enjoy ko nlng ang laht minsan lng cla bta yong ilalagy ko sa crib iiyak agad kya gnwa ko karga ko nlng mhba pa tulog nya..
Ako din e karga mas mahaba tulog 🤦🏻♀️ yun na lang pampalubag loob minsan lng sila maging baby hahaha
mommy gnyan din po yong baby ko po sbrang hrap po nong new born lng sya kasi wala talagang tulog pero nong nag 3months n sya unti unti na po nag bago..tiis kng po para sa lo natin
Marami nga nagsabi ganyan daw talaga pag newborn. Tiis na lang talaga hehe minsan bagsak na bagsak mata ko while changing nappy ang hirap labanan ng antok
cute naman po ng baby nyo 🥰 yes po magbabago pa po yan 😊 ako din excited na ulit.. 8years old kasi yung nasundan kaya na eexcite kami na may baby ulit sa bahay 😊
thank you din ☺️
ganyan din baby ko. hindi na namin alam gagawin.. mababago pa yan kapag mga 2 months na.. ngayon masarap na tulog niya sa gabi.. gigising lang kapag dede..
Ang galing naman. Sana ganyan din si baby soon 🙏🏻
super relate ako jan momsh..ganyan din si lo nung newborn pa sya..until now tulog manok pa din..bka may mga bata tlaga na di mahilig matulog
ganyan po tlga mommy zombie mode mna po hehehe malalagpasan nyo dn po yan magbbgo po sleep routine nya po
mLapit n din akoo mg zombie..relate na relaye ako sa inyo
A mom of 1 chubby baby girl