Ang tetano, dipterya at ubong-dalahit ay mga napamalalang
sakit. Mapoprotektahan tayo ng bakunang Tdap sa mga sakit
na ito. At ang bakunang Tdap na binigay sa mga buntis na
kababaihan ay makakapagbigay proteksiyon sa mga bagong
panganak na sanggol laban sa ubong-dalahit.
Ang TETANO (Lockjaw) ay bihira sa Estados Unidos
ngayon. Nagdudulot it ng masakit na paninikip at paninigas ng
muscle karaniwang sa buong katawan.
• Maaaring magdulot ito ng paninikip ng mga muscle sa ulo
at leeg kaya hindi mo mabubuksan ang iyong bibig, hindi
ka makakalunok o minsan ay hindi rin makakahinga. Ang
tetano ay pumapatay sa 1 sa 10 taong naimpeksiyon kahit na
makalipas makatanggap ng pinakamahusay na medikal na
pag-aalaga.
Ang DIPTERYA ay bihira din sa Estados Unidos ngayon.
Maaari itong magdulot ng pagbuo ng makapal na coating sa
likuran ng lalamunan.
• Maaari itong magdulot ng hirap sa paghinga, pagpalya ng
puso, pagkaparalisa at pagkamatay.
Ang UBONG-DALAHIT (Whooping Cough) ay