saan po mas prefer nyo manganak? lying in o sa hospital? 1st baby po sken.
sa lying in me nanganak since mas natutukan kami ni ob and kokonti ang tao dalawa kami sa room na malaki. ayaw namin sa ospital dami kasi tao.
for assurance in case of emergency Hospital na agad. Mahirap magtransfer at maghanap ng Hospital ng basta basta ngayong pandemic. ❤️
depende kung kaya mo at sure na manonormal mo. ako kasi hospital first check up to last kaya dun na din ako nanganakm.alaga ni dra
lying in po . kase mas maaasikaso ka dun ng maayos .. compare sa ospital na kadalasan bwal pa ang bntay .. 1st baby ko sa lying in ..
hospital po kasi medyo risky pag first baby,mama ko midwife sa lying ng lugar nami pero gusto niya sa hospital ako medyo delikado .
if first baby mas mainam po if sa hospital nalang . Para just in case may mangyari na huwag naman sana eh ready na sila doon .
para saakin mas okay sa hospital bukod sa kumpleto gamit nila whatever happens safe kau n baby dahil andun na lahat ng need
ftm po ako pero lying in po preferred ko, dun n dn kc kami una nagpa check up at Ob din naman magpapa anak sken
ako ftm din pero mas pipiliin kong manganak sa hospital para safe kame ni baby parehas ☺️
since first baby, hindi po tatanggapin sa lying in. ganyan case ko e, kaya po nagospital kami