Sơ đồ trang Bé Yêu - Các bài viết của năm Tháng 1 2023
- วันหัวข้อ
- 2023-02-10Hello po mga mommies, nung FTM po kayo anong week po kayo nanganak? 37 weeks na po ako. #firstbaby #firsttimemom
- 2023-02-10
- 2023-02-10Goodmorning mommies! Kahapon po masakit balakang ko, pag gising ko po ngayon umaga eto na po nakita ko, may parang laman laman po yung buo buong dugo.
Mens lang po ba or Miscarriage po ba yun? 😭
- 2023-02-10Diba kapag nakabukas ang kamay after dumede ibig sabihin busog na si baby? Worried kase ako bigla lumiit dede ko at kumonte ang gatas baka dina nabubusog ang baby . My baby is now 6mons ebf kami lately nanotice ko na lulambot na dede ko at bihira nalang manigas
- 2023-02-10Pwede Na ba magpaultrasound Kapag 3 months Na buntis? #firsttimemom12weeks
- 2023-02-1010weeks and 1day pregnant.
- 2023-02-10Normal lang po ba ang 80/60 na BP.
- 2023-02-10Ano po kayang pwedeng gawin mag 8 months na po ang baby ko pero still 6.5 pa din po ang timbang nya pure breastfeed and pinakakain ko na po sya ng solid foods may vitamins na din po syang tinatake pero ang bagal pa din po nyang mag gain ng timbang. Please sana po may makasagot 🥺
- 2023-02-10Hello Mommies. May same case po ba sa LO ko na nakagat ng lamok at dumami ang pantal? As shown sa pic po.
- 2023-02-10Mga mi, pano mawala ang pamamanas
37weeks na po ako.
Tsaka totoo po ba na kapag namanas eh malapit na manganak? Hehe
- 2023-02-10First time mom here! Tanong ko lang po normal lang po ba na walang ganang kumain? 3 months na po tummy ko , . Matakaw nman po ako nung 1st and 2nd mos ang tummy ko 🙂🙂 thank you po!
- 2023-02-10Pls help first time mum
- 2023-02-10Hello! CS ftm mom here. Currently 3 weeks na po ako. Usually mga ilang weeks po ba allowed lumabas na like going sa mall or maggroceries? Ganyan. Salamat!
- 2023-02-10Hello po mga mommies ask ko lang po if same lang po ba ung calcium carbonate sa calcium ambical ..? kasi wala po available sa pharmacy na calcium carbonate
- 2023-02-10Mga mii ask ko lang po, may nakapag sabi kasi sakin na ang baba daw ng tiyan ko. Pero 7 months palang po. Twins po pinag bubuntis ko sana po may maka sagot po. Thankyou!☺️ (RESPECT)
- 2023-02-10#worriedakoparasababyko
- 2023-02-10Hello po nakakaantok po ba talaga pag nag 7 mos na?
- 2023-02-10Balak kopo kasing bumili ng mga prutas.
- 2023-02-10Sign na po ba to mga mi, may lumabas na dugo sa pwerta ko now, reddish brown discharge po lumabas. 37w4d po ako
- 2023-02-10bakit po ganon parang di natutulog yung baby ko sa tyan kasi lagi syang gumagalaw kahit anong pwestong gawin ko na pag higa pero pag tulog naman po ako parang tulog din sya nag tataka lang ako kasi super lukot mya pero masaya naman ako kasi pag malikot daw ang baby ibig sabihin healthy 26 weeks and 4days pregnant
- 2023-02-10Comment below kung ano'ng trabaho mo now.
- 2023-02-10
- 2023-02-10Hi mga momsh. Normal ba tong ganitong discharge?
- 2023-02-10PUPP RASH BA ITO?
- 2023-02-10Good Am po ask lang ilang Months po ba Bago Tumubo ang Ipin ng 7 Years Old? Na Tanggal na Yung front teeth niya sa Taas isang Buwan na Po wala Pang Natubo And I Thank You 😊 sa Sagot
- 2023-02-10Nkkatakot kcii baka matamaan yung ulo ng baby🥺
- 2023-02-10nakaka awa tignan iyang ng iyang
- 2023-02-10Breastfeeding
- 2023-02-10Malapot po na may pagka yellowish..kahapon po nung na ie ako 2 to 3cm na daw po ako..any tips po mga momshie para makaraos nako
- 2023-02-10#positiveVibes
- 2023-02-10#grateful
#positivity
#liveahappylife
- 2023-02-10salamat po sa sagot
- 2023-02-10How are you feeling momsh in 4 months after giving birth? I sometimes feel dizzy, chest tightness, fatigue... Cs mom here.
- 2023-02-10May nabasa ko na maaga talaga ung sa mga twins pinapanganak usually 37 weeks. Compared sa one baby na 38-40 weeks. Kayo po ba? And Cs or normal?
- 2023-02-10#f1sTymMom
- 2023-02-10Ano Kaya pwde e take na natural lng mga mamii . . Nag papa dede pa nman Ako🥲
- 2023-02-10Menstruation, hello po mga kananay, tanong k lang po kung normal po ba madelayed ang menstruation period ko this month last year August 20 po ako nanganak and then after a month September nagkaroon po ako... Tapos after months past 1st week of January na po ako ulet dinatnan
- 2023-02-10After manganak kailan pwede magpa bonot ng ngipin?
- 2023-02-10After manganak 4mos ago pwede na ba gumamit ng rejuvenating?
- 2023-02-10Sino po dito short cervix? 28weeks na ako until now my brownish discharges wala nman bleeding at no advice ni ob bed rest at continue heragest at inuman ng Isoxilan.. sino po dito nakaranas? Sana may makabigay ng success story..
- 2023-02-10Gamot sa rashes ng baby
- 2023-02-10hello, i joined this community for my lil bro. ako lagi mas kasama niya. normal lang po ba na mga nasa 100 words or below pa lang kaya niya sabihin despite being 36 months old or 3 years old? nakakaintindi po siya both english and tagalog. responsive siya in his way. it's just hindi pa marami nasasabi like "i want water." or maski "ate" or buong "mommy".
#speechdelay #3yearsold #Toddler
- 2023-02-10Masama ba ako kung di ko na appreciate yung binibili ng biyenan ko sa anak ko? 8m pregnant na ako pero kasi may sama ako ng loob sa MIL ko. Naalala ko kasi noong 4w delay ako nagpacheck ako kaagad tapos inultrasound agad ako ni Doc. tapos pinapabalik niya ako after 2w kung may development nalaman ng biyenan ko ayon daming sinabi. Wag raw muna ako magpaultrasound kasi masama sa bata yung radiation atsaka baka raw magkaroon ng defect yung anak ko eh tiningnan ko sa internet di naman sabi niya after 4 months nalang daw isabay na raw sa gender reveal. Na realize ko nalang na nanghihinayang siya kasi tanong siya nang tanong magkano nagastos namin tapos sinabi pa ng hipag ko na noong wala ako sabi ng nanay niya "noong panahon namin wala namang ganiyan blah blah blah". Sinabihan siya ng hipag ko na "bakit di mo nalang pabayaan para naman sa bata". Ngayon naman yung asawa ko gusto niya manganak ako sa private kasi gusto niya masigurado yung safety at comfort namin ni baby pero kapag may nagtatanong sa akin saan ako manganganak? MIL ko sumasagot sasabihin niya sa Public hospital 😢😥😥 Kung tutuusin may pera naman sila eh kung halimbawa magkulang ipon ng asawa ko kaya nila magbigay. Kahit di na magbigay pahiramin lang kami. Ang sama kasi sa kalooban na sarili niyang anak at apo dinadamutan niya pero yung ibang tao kapag manghihiram ng daang daang libo ang dali lang sa kaniya. Wala akong magawa kasi nakikitira kami pero kahit nakikitira kami tumutulong kami mag-asawa yung tipong kahit buntis ako nagiging katulong na ako babantayan ko pwesto nila sa palengke pero bago ako umalis maglilinis muna ako ng bahay nila tapos magsasampay pa, kauwi ko galing palengke ganon nanaman maglilinis ako ng bahay. Napag uusapan naman namin ng asawa ko yung mga sama ng loob namin sa nanay niya pero yung iba di ko talaga masabi kasi ayoko na dumagdag pa.
Update: Matagal na po kami nakabukod pero hanggang ngayon nasisilip pa rin kami. Yung asawa ko na rin nagpapaaral sa kapatid niya pero ang dami pa ring sabi sabi🤦🤦🤣
- 2023-02-10Ask ko lang po mga mommies sa panganay ko may linea negra ako pero ngayong second baby as in wala bakit kaya ? I am 8 months pregnant na pwede kayang baby boy ang second baby ko? Panganay ko is girl, Ayaw mag pakita ng gender tong pangalawang baby ko eh thankyou 💗
- 2023-02-10Philheath ko kasi private tas dina nahulugan need kupa pa apply ulit for indigent???
- 2023-02-10Turning 7 months nako niyan and may parang lumalabas na breastmilk sa kanan na dede ko. Normal lang Naman iyon?
- 2023-02-10Ano Po ibig Sabihin Ng clamsia at saan makukuha yon?delikado ba in sa baby?
- 2023-02-10#sanapomasagot
- 2023-02-10Hello mga mamshie ask ko po kung normal ba ang green poop n baby 3months old.
- 2023-02-10Hello mga mommies ftm here. Ask ko lang kung ano mas prefer nyo na brand pagdating sa shampoos and body wash ni baby? Cetaphil? Johnson's? Or kung ano pa po pede nyo isuggest and recommended nyo po hehe for budget meal lang din. TYIA 😇😇 #ftm #TeamApril #29_weeks_pregnant
- 2023-02-10mga mamshhhh. mababa po ng konti yung red blood cells and hemoglobin ko. any tips po para tumaas? thanks in advance mga mamsh
- 2023-02-10Nakakadismaya lang na kaya pala akong tiisin na di kumain di magtanong kung nakakain na ako wala man lng ,oo mga momsh sa kanya ako nakaasa ngayon kasi nakaleave ako pero everytime na mag away kami ganito na kaya nyang di ako pansinin at pakainin o tanungin kung nakakain na ako take note buntis pa ako ah 6 months preggy , kaya tuloy ung baby ko nagugutom na din sa loob , ang mga di kasal nagkakaroon ng lakas ng loob ganituhin tau kasi alam naman nila na wala tayong karapatan magreklamo sa kanila .
- 2023-02-10Good afternoon, ask ko lang sino dito ang breastfeeding moms na nagtetake neto? Bumili kase ako kanina sa Watson tas nung paguwe ko lang nakita na di sya pede sa lactating mum. Bakit po kaya di sya pwede satin? At ano ang possible effect neto if ever na nainom
- 2023-02-10Sign po ba ng labor yung LBM? as in sobrang sakit ng tyan. 37 weeks pregnant po
- 2023-02-10May pcos po ako since 2015 may anak na po aq 4yrs old boy ngayon, nakunan po ako nong aug 2022 6weeks .. D na po anraspa kase lumabas naman sya ,,
Ngayon po last mens ko ay dec 1 tapos non dina po ako niregla hnggang ngayon every week nag ppt ako cmula na delay ako laging negative .. Pero start nong feb 7 to 9 nag pt ako every morning POSITIVE dalawang beses ako nag ppt a day kaya naka 5 ako lahat positive sa tingin nio buntis na kaya ako bukas pa sana ako pa tvs .. Sino same case ko dto 😊
Edited : symptomas ba ng buntis ay masakit ang boobs nong nreregla kase ako nipple lang nasakit skin, ngayon buong boobs kona masakit lalo pag nahhawakan.
- 2023-02-10Para sa asawa ko
- 2023-02-10Hello po! Accurate po ba ang timbang ni baby sa ultrasound? Baka pag labas iba ang timbang nya
- 2023-02-107 weeks pregnant, and heartbeat ni beybi is 156, boy or girl kaya?
- 2023-02-10Sino po dito nakaka experience ng pananakit ng tiyan na parang tinutusok dahil hirap umotot? 9weeksand4days preggy po ako. Ano po ginagawa niyo?
- 2023-02-10ask lang po s 4weeks e sumasakit puson at likod ng puson at dede n p rang naninigas ung prang pg nag papadede ako n kla mo my lalabas n gatas😅😊 try una wla 2nd yan malabo😅negative o positve bah?
- 2023-02-10Hello po pa suggest po ako ng magandang idadag sa pangalan ni baby... Wayne po kasi ung balak kung unang name niya... Baby boy po....Thank you po
- 2023-02-10Ganyan po yung stain nung ng wipe ako after umihi tumakbo agad aq sa emergency but close cervix at di nmn daw nadugo baka may same case ko dto nkaka overthink po kasi
- 2023-02-10Kahapon sa check up ko ilang beses ako ini IE ng iba't-ibang doctor. Nawoworry na ako kasi patuloy pa rin dumudugo. Nag iinsert rin ako ng EveningPrimrose tapos iniisip ko lang ngayon baka sumasabay yung dugo sa EPO.
#firstpregnancy
#First_Baby
#pregnancy40weeks
- 2023-02-10#nekothione
- 2023-02-10Pwede na ba pakainin ng isda ang 10 months old? Nakita ko kasi sinubuan ng byenan ko ang baby ko. FTM po ako. #firsttimemom
- 2023-02-10ano po kaya marerecomend nyo mga mamsh sa acne ng baby ? salamat po sa sasagot
- 2023-02-10Hello po, ask ko lang kung normal lang po ba na di na gumagalaw si baby kapag malapit na manganak? 1-2cm na daw po ako
- 2023-02-10Nag-karegla na kasi ako Dec. And Jan. regular regla ko, 6months pa lang si Baby. 4 days na akong delayed..
- 2023-02-10Hello mga Mommies! Is this normal sa mga babies? 4 months old na po si baby and iritable po siya kapag hindi pinapansin o kapag nakahiga lang. Parang umiire na mamumula tsaka sumisigaw. I asked a Pedia, sabi sa personality na talaga ni baby kapag ganyan. Pero worried talaga ako kasi napaka short tempered niya.
- 2023-02-10Hi mga momsis. Medyo nalilito lang po ako,, yung Maternity benefit computation po ba ay binabase sa AVE. Daily Salary Credit (ADSC) or sa kung magkano ang contribution ko?
Ang naka declare na ADSC ko ay 16,877.00.
Pero since nalaman ko preggy ako ay tinaasan ko ang contribution ko from 390 to 2,600 (maximum for Self-Employed).
Paano nila to icocompute? Base sa ADSC na or sa TOTAL CONTRIBUTION ko? JULY 2023 po ang EDD ko.
Salamat po ng madami sa makakapg paliwanag!
Sana makatulong din ang post ko na ito! 😊😊😊
#maternitybenefit #sssbenefits #sss
- 2023-02-10Emotionalmom
- 2023-02-10Yellowish po yung poop niya at pakunti konti po yung pagtae niya kada 30mins-1hr gap po yung pagtae niya
- 2023-02-10Totoo bang nalalamigan parin si baby sa sahig kahit na may sapin ito or kotson?
- 2023-02-10Pangangayayat
- 2023-02-10hi mga mi. Baka may marunong po dito magbasa ng ultrasound report. Kung normal po ba lahat ng results? thankyou po!😍😇
- 2023-02-10Hi mga mii😇 gusto ko lang ishare ung hinanakit ko..kasi hndi ko kayang sabhn sa parents ko to.. dko kasi alam kung ano gagawin ko sa partner (hindi po pa kasi kami kasal nung nagkababy).. diko alam kung ginusto ba nia ung responsibilidad.. o gusto lng nia na sabhin na siya ung ama.. LDR kami.. minsan lng nia kami makita ng baby namin.. pero never ko pa nakita na kargahin nia ng matagal ung anak nia.. parang hindi nia anak pag tinitgnan ko.. kasi parang wala din siang paki..sinasabi nia na miss na nia anak ko pero bakit ganun? hndi ko feel ng pagiging ama nia sa baby ko? 🥺🥺 parang may kulang...parang responsibilidad na wala lng.. bsta may panggatas at diaper TATAY na sia ganun.. pero di nia finifeel sa anak nia..pag nakkta nia parang wala lang.. prang nmn nia miss.. tinutulugan ngalang nia.. hindi ko na alam iisipin ko.. mahal ko sia.. pero mas iniisip ko ung anak ko..parang walang spark sa pgiging ama nia..
- 2023-02-10Hello mga mii delikado ba result ng urinalysis ko? Sa monday pa balik ko sa ob. Diko maiwasan magalala
- 2023-02-10Hello po, nagkaron ako ng period last 3 weeks ago and then last week bigla nalang ako nagkaron ng parang spotting then after nun until now araw araw may cramps po akong nararamdaman. Possible po kaya na buntis ako?
- 2023-02-10Hi mga mommies. FTM here. Ask ko lang po, 24 weeks na si baby bukas at hindi ko pa gaanong nakikita na visible ang mga sipa at galaw nya. Normal lang po ba yon? May mga nararamdaman akong pagpitik at paggalaw sa loob ng tyan na parang kabag, at dahil FTM, hindi ko po alam kung sipa nya na po ba yon or hindi. Ako lang ba o sobrang nagwoworry lang ako na hindi ganon kavisible ang galaw nya? Salamat po sa sasagot. #FTM24WEEKS
- 2023-02-10good afternoon hello ask ko lang po neresitahan ako ni ob ng antibiotic for my UTI. mahal kasi kung bibili ako sa mercury or southstar kaya dun ako humingi sa RHU binigyan naman po ako. parehas lang ba yun ? safe naman kaya yun inumin?
- 2023-02-10May kaparehas po ba dito sa baby ko ayaw nya dumede pag gising laging patulog o tulog lang kahit gutom sya, nag try na kami magpalit ng gatas, nipple, bottle wala ganon pa din :( medyo worry na ko kase ang tagal na nya ganito baka may mga mommies na tulad ko yung baby ano po ginawa nyo 🥺
- 2023-02-10Any tips naman po para mapadali ang panganganak at pano po umire natatakot po kase ako manood sa YouTube kung paano manganak sana po may makasagot thankyou❣️ #TeamApril #32weeks6days
- 2023-02-101st time Mom
- 2023-02-10Ano po kaya pros and cons ng govt vs private maliban sa price?
- 2023-02-10Ask lang po if normal lang po ba fundal height ng tummy ko 31cm as of today 34weeks and 3days. Thank you po #firstimemom
- 2023-02-10My baby was diagnosed with HFMD last year and the scars are still there until now. I've been desperate to look for some scar remover for my baby. Can you recommend and if it is really effective?
- 2023-02-10Hi mommies! Is (lower) lip biting a symptom of teething? My lo's 7 months and has been doing it for about a month na. Aside from that, mahilig din sya mag-suck ng fingers and anything na mahablot nya. Also, parang mas tahimik sya (less cooing/ babbling) when he started teething. Thank you po sa mga sasagot. #firsttimemom #firstbaby #babyboy #teething #speech
- 2023-02-10Magandang araw po. Sa mga nakakakilala po sakin. Kahiya hiya man ho, ako ho'y hihingi ng kaunting tulong sa inyo para ho sa aking anak. Halos 2 buwan palang po sya mula ng iaanak.. naiitaan napo siya na may bukol sa mukha na mamaga dahil po kinakapos po ng paghinga.. kailangan maexamine ang bata kung ano po ang sakit nya.. sa ngayon po hindi pa po nagbabago ang sistema ng paghinga nya.at mukha niya . Dito pa kami sa ospital at nag aantay po sa mga gagawin medyo mahal ang gamot hindi kaya no choice na po kami.. lumapit kami local na government hindj naman kaagad pag punta abot kaagad ang tulong pabalik balik kami .. bagama t may trabaho po ako ay kulang po kaya po .. kung meron man pong mabuting puso sa inyo ako ho'y nagmamakaawa sa inyo sana'y matulungan nyo po ang anak ko 😞. Salamat po ng marami..
Update: mga mi. Baka may alam kayo online na raket papatusin ko na po kailangan ko po makalikom ng 10k para pang down dun sa ospital na pag rereferan sa amin. Ilang weeks na din po akong absent kasi wla magbabantay sa kanya sa ospital😭. Kailangan kopo maka likom bago mag friday kay sa friday kmi ililipat. Pasama narin po sa mga dasal nyo mga mi.
Eto po ang gcash number 09156938111#pleasehelp
- 2023-02-10dkpa na fefeel galaw ni baby 17 weeks pregnant.. 😢
- 2023-02-10Hello po. Ilang days po kaya bago macredit matben pag Unionbank daem? Salamat po sa sasagot.
- 2023-02-10Worried lang po #plsadvice #enlightenmepo
- 2023-02-10Mga mommies, ano weight nyo before and during pregnancy?
Gusto ko kasi normal delivery lang. Kaso magwoworry ako na baka masyado ako mataba.
Weight before pregnancy: 69kg
During pregnancy: 67kg, 4months palang tho.
Kayo po?
- 2023-02-10My baby who is 7 months has been playing sa feet nya lately. Napapabangon minsan to look at them (di naman matagal) or to hold/reach them. Sometimes pinapalo-palo pa nya. Tas minsan sinusubo pa nya yung toes nya. Parang it started when he learned to sit kasi mas kita na nya sila. Sabi ni pedia nag-e-explore daw. But just want to know how common this is like yung discovering hands/ fingers. And medyo may pagkapraning mom po kasi ako. 🤦♀️😅
#firsttimemom #ftm
- 2023-02-10Inuubo po ang aking baby mag 4 months old, pinacheck up ko sa pedia at eto ang ibinigay nya, pero as I observe bakit parang lumala ubo ni baby? Meron po ba nakaexperience dto ng ganito? Pacomment na din po ng effective na gamot para sa ubo, na sstress na ako naririnig si baby ko na umuubo.
- 2023-02-10May side/bad effects nga po ba Kay baby kapag uminom ng pampakapit in 2 weeks? 3x a day.
- 2023-02-10Hi mga mommies, ask ko lang po if meron ditong cord coil si baby pero nainormal delivery naman? Currently @37weeks and 5 days tapos kaninang ultrasound eh cord coil si baby from breech to cephalic. 3.2kg na efw ni baby #cordcoilbaby
- 2023-02-10Mga mii sino na po naka experience ng gantong allergy sa mukha po ng baby nila???
Anu po recommended niyo na pwedeng
ipahid ...
- 2023-02-10sino po may ganito yung ang mga new born nla,?
- 2023-02-10Yung amoy nya yung normal white mens ko lang din. Hindi pa himihilab tyan ko. Bigla nalang sya nalabas tumagos pasa padjama ko medyo malagkit kasi nung hinawakan ko malagkit sya, manipis ang underwear ko kaya tumagos pero konti lang sya. . Si baby hindi narin masyado magalaw as of today siguro kasi malaki na sya.
Normal poba? Mags start napo ba ako makaramdam ng mga ganito, or labasan ng mga something kasi malapit na lumabas si baby???? Bukas pako mag papa ultrasound or sa Sunday e
- 2023-02-10Normal lang po ba na sumipa ang baby ng mababa sa may puson po?
- 2023-02-10Hello po mga momshieee, nag 3 months na po ako sa saturday at normal lang po ba na gabi gabi dighay po ako ng dignay? Naiinis na po kasi ako eh huhu. Tysm po❣️
- 2023-02-10#firsttimemom #advicepls #pleasehelp
- 2023-02-10Belta folic sino po naka gamit na Yan at nakaka alam Yan? Gsto ko lang malan kung effective ba tlga?
- 2023-02-10Hello po anong pong normal temperature ng baby 1month nag worry po ako baka may sinat si baby 37.5
- 2023-02-10Okay naba maglinis ng bahay
- 2023-02-10Hello mga mi may nga ganito cases ba baby niyo? Like yun pag napapasubsub or punas saknya na mumula skin nya huhuhu tapos maya mya mawawala na yun pula
- 2023-02-10Kailan po ang bisa ng inject? And totoo po ba na may nabubuntis parin daw po kahit inject na?
- 2023-02-1045-49 kls. 5mos preggy na ako tapos bumaba timbang ko sa 48kls nlng madami din ako kumain pero bkt bumaba timbang ko huhu tas maliit lng tiyan ko for 5mos pero yung oanganay ko noon malaki po tiyan ko nagwoworry po ako ano po pwede ko inumin na vitamins or kainin?
- 2023-02-10Csection last Feb 4 and after 6 days mahapdi yung tahi. Normal po ba to? Si OB kasi pinagtatake lang ako mefenamic.
- 2023-02-10Neresetahan ako ng ob ko medyo nagaalinlangan ako inumin super laki kase ng capsule, effective po ba ito para magopen o lumambot ang cervix? Salamat po sa sasagot
#38 weeks pregnant
#firstTime_mom
- 2023-02-10Pasagot naman po. Natatakot po Kasi ako Di Lang po 1 beses pangalawa na po Ito ei.
- 2023-02-10Mga mie. Eto ultrasound ko 21weeks. Sure na ba na lalaki to? 80%.
- 2023-02-10grabe mga mamiii, this post ay para maka-pag ready kayo haha this post wasn’t meant to scare u ha, since I am a first time mom, first time ma-experience lahat lahat, so this is for all the first time mom out there na hindi pa naa-IE, momsh hindi sa oa pero super sakit niya huhu :< suggestion ko lang pag nararamdaman mo na masakit wag mo na aangat pwet mo kasi lalo lang matatagalan hahahsha, based on experience lang kasi habang nasasaktan ako nung pinapasok ni ob daliri niya naangat pwet ko kaya natatagalan, natatawa akong naiiyak sa experience na to, mautot utot akong matae taeng ewan HAHAHHAHAHAHA share ko lang hahahahahaha
- 2023-02-10TAAS KAMAY!! HAHAHA I'M PROUD!! SOBRANG SAYA AT NAPAKA GANDANG REGALO PARIN ANG NATANGGAP NATIN KAHIT MADAMING MAGBABAGO SA KATAWAN NATIN!! KAYA MGA MISTER WAG NYO KAMI PAG PAPALIT DAHIL PUMANGIT MAN O MAY NABAGO SAMIN! ISA ITONG TUNAY NA SAKRIPISYO NG ISANG INA SA INYONG ANAK! 💖💖💖
TAAS KAMAY ANG BABY GIRL PERO UMITIM ANG KILI KILI AT BATOK HAHAHAHA!! 💖😂
- 2023-02-10Any advise po na pwedeng makapag pataas ng placenta 31 weeks preggy here may chance pa kayang tumaas sya 😭
- 2023-02-10Until now kasi hindi pa din ako decided. Ang naiisip ko kasi is either Ramos General Hospital or Quirino Medical Center.. #firsttimemom
- 2023-02-10Hello po, ask lng totoo po ba yung lihi sa tao?
May kinaiinisan kasi ako lalo na pag nakikita ko mukha nya iritable ako masama man pero napapangitan kasi ako sakanya.. Totoo po ba un magiging kamukha nun yung baby pag ganun? Ty
- 2023-02-10Sino po same sakin 6weeks preggy, feeling boated at tagal matunawan😫
- 2023-02-10Hello mga mamsh ano po kaya pwede igamot sa nagtatae. ? Basa po kasi palagi pero 2x lang nmn s a isang araw ako nagdudumi. Hirap lang po sa pakiramdam ng ganito sabayan pa ng pagsusuka. Salamat sa sagot.
- 2023-02-10Hello mommies, anong klaseng rashes po ito na nasa tiyan ng lo ko po. Hope someone will notice my post . Thank you po.
- 2023-02-10Worried nanay..Ano pwede igamot sa makating ubo ni baby?di kasi sya makatulog..nagtry na ko ng oregano at ambroxol.napacheck up ko na din na Wala Yung sipon then ubo nya Makati at sunod sunod..
- 2023-02-10Ultrasound ko po kasi tomorrow nung 2nd ultrasound ko breech sya ngayon po di ko papo alam kung naka cephalic na sya ilan months napo kaya yung 31 weeks?
- 2023-02-101 week po kasi bago ako makadumi at super tigas pa kapag nag iiron ako.
Going 6 mos. po
- 2023-02-10Ilang weeks po yung full term?
- 2023-02-10Lowblood at nahihilo
- 2023-02-10Ilang months po simulang makakaaninag o makakita ang baby?
- 2023-02-10Paano ang pag take ang daphne pills? First time mom
- 2023-02-10#firsttimemom
- 2023-02-10Question lang, since nung nabuntis kasi ako sobrang dalang namin mag kembs ni hubby. Takot kami pareho dhil din sa naging maselan pag bubuntis ko. So ngayon di ba sabi nila kapag kabuwanan mo na, okay ng makipag kembs ulit to prepare you sa delivery day. Kaso ang prob ko, imbis ma enjoy ko ang kembs, nasasaktan ako 😅 Yung feeling nya, sobrang sikip. 🥺 Nag tampo na ata kepayla ko. Matagal hindi naging active. Mahihirapan ba ako lalo if hindi kami nag kembs ni partner until due date ko? Let me know if sobrang laking help ng pag sex. Thank you!
- 2023-02-10Hello mga mamshi first tym maging mom. Ask q lng qng pwed b painumin ng tubig ang new born baby q kc ngttalo kmi ng mama q n nd p cia pwed painumin ng tubig un kc sb ng nurse bago kmi ng baby q idischarge sa hospital. Kayo po b pinaiinom nio b new born bby nio ng tubig? Salamat sa sasagot#pleasehelp #firstbaby #advicepls #firstmom
- 2023-02-10okay lang ba sainyo na umaasa pa rin ang mother ng hubby mo sa asawa mo every sahod? may source of income naman sila na nanggagaling din sa kapatid ng asawa ko at sa tatay nila pero tuwing sahod talaga ng asawa ko eh nag dedemand sya. buntis po ako, at hindi naman ganoon kalaki yung sahod ng asawa ko. kaya lagi kami kinakapos every sahod & walang natitira dahil nag dedemand ng presyo ang biyenan ko.
Okay lang ba na magtaka na rin o madisappoint sa biyenan ko?
- 2023-02-10#utiprobleme #15weekday #preagnant
- 2023-02-10Mga mommy effective ba talaga ang salabat para mapaikli ang labor tska ang pineapple para magopen ang cervix? #firsttimemom #advicepls
- 2023-02-10Pananakit ng batok at ulo
- 2023-02-10hello po. sobrang nag iisip ako at di mawala sa isip ko na mamamatay na ko pag nanganak ako dito sa pangatlo ko. as in ung thought it rings inside me. hindi oa o baliw. I just feel na baka eto n nga ung oras ko.
ako lang ba talaga o kasama to sa pagbubuntis 😫 its sad to think na maiiwan ko ung dalawang anak ko and a little hope na makakasama ko ung angel ko. im torn and I dont want to die but malakas ang kutob ko. eto na talaga un
- 2023-02-10Pag tungtong ko kasi ng 7 months mga mi bumili nalang ako ng vitamins sa pharmacy kasi nagka ubusan na sa center namin, yung binili ko ay Calcium lactate at Ferrous sulfate na ni recommend naman ng tita ko sakin okay lang kaya yung mga tintake kong vitamins? Nagresearch naman ako para mas sure pero may alinlangan parin kasi first time mom ako kaya panay tanong ako sa mga mommies na may experience na kaya sana may makasagot po.
- 2023-02-10Hello po. Ask ko lang mga mamshies. Na praning na ako sa timbang ni baby. If tvs yung basehan, 36 weeks na ako pero pag sa LMP is 39 weeks na. Tapos ang kilo ni baby 3.8 kg na daw 🥲 possible po ba na di accurate ang timbang ni baby sa ultrasound tapos iba ang timbang pag labas? Or possible din po ba kaya 3.8 kg sya kase mataas lang height nya? 🥲🥺
- 2023-02-10Hello Momshies! Ano kaya magandang Collagen for lactating moms? 4 months na baby ko. Gusto ko magtake collagen kasi nagdry skin ko at nalagas hair ko. Thank you sa mga sagot nyo ☺️
- 2023-02-10worried lang po kasi di ako agad nakakaain sa sched ko sa work
- 2023-02-10Sino po sa inyo ang nagtetake ng Heragest na pampakapit? Pwede po ba i-take yung ng isang beses pero 2 capsules? Thank you
- 2023-02-10Mga momshie pacheck naman kung bumuka ba or nagjihilom na 1week nakong nanganak
- 2023-02-10Bandang puson rightside gumagalaw normal ba sa 9months for my 1st baby advice naman mga mi
- 2023-02-10Hndi po masama o makakaapekto sa bata kasi po natamaan po ng panganay ko yung balakang ko po.
Medyo napalakas po siya .
Hndi po ba makaka apekto yun. ,
- 2023-02-10hello, regular po ako 26-30cycles noon pa, but this dec at january nadelay ako but not pregnant. sa worried ko, nagpunta ako sa ob last week, and nag transv at pa-serum advise ni ob. then the result is negative talaga, then thanks GOD pa din talaga at normal ung result ng transv ko. niresetahan ako ng provera para magkamens at niresetahan din niya ako metformin. since ttc ako starting netong january, balik daw ako sa first day ng mens ko. and sabi ni ob baka nadelay ako dahil sa stress, at baka dahil din sa pagtaba ko. currently 76kls ako 5’4 height. by the way, i’m 32yrs old and 30yrs old naman si partner.
ask ko po ano po brand ng coq10 ang maganda at mairrecommend niyo? will add it as supplement po for me and my partner. nababasa ko kasi maganda daw ang coq10 for fertility. at nabasa ko dito na nakakahelp din ang vitex. would like to take a try din ng vitex para bumalik sa regular ang mens ko.
here’s our meds/supplements were taking 1x a day.
me:
relumins glutha (red)
quatrofol
myra e
fern d
immunpro
coq10
partner:
rogin e
fern d
immunpro
coq10
any recommendations/suggestions will be really appreciated po.
- 2023-02-10Mga mommies sino po ba dito nagkaroon ng myoma. Ako kasi meron at medyo malaki na. Natatakot akong magpa opera pero i guess i have no choice. Namomroblema ako pag na operahan ako walang mag.aalaga kay baby Zachary Zion namin e sa aking lang sanay ang baby namin. Wala bang gamot na nakakapagpatunaw ng myoma?
- 2023-02-10Lactum baby 9months
- 2023-02-10Hello mga mommies meron po ba dito nakakaranas ng right side abdominal pain? Kakapanganak ko pa lang po last January 31 thank you
- 2023-02-10Anopo ibig sabihin ng T-shaped cervix ???
- 2023-02-10Mga mommies, tanong ko lang paano nyo napapagsabay ang pamamalengke at pagluluto ng breakfast, lunch and dinner kung may 1 year old kayo at dalawa lang kayo naiiwan sa bahay kapag pumapasok na ang mister sa trabaho? At paano nyo napapagsabay na asikasuhin din si mister lalo na kung sobrang likot ng baby na hindi mo pwedeng maalis tingin mo sakanya or maiwan ng kahit ilang segundo lang para makagawa ka din ng ibang gawaing bahay. Paano nyo nagagawa? Help me, super moms! #supermom #housewife #1yearoldbaby
- 2023-02-10Hanggang anong month po ng pagbubuntis pwede makipagtalik?
- 2023-02-10Anu po kaya ang gamot sa genital warts ung parang butlig po na natubo sa ari? Salamat po sa sasagot
- 2023-02-10Worried lang po😅
- 2023-02-10#ask lg #Ask lang HAHAHAHAA
- 2023-02-104ys old po xa
- 2023-02-10Ano po bang yung Implantation Bleeding ? Watery po ba sya or slimeyyy ? ##pleasehelp
- 2023-02-10Moms ask ko lang naranasan nyo narin ba na habang nagpapadede kayo nakakaramdam kayo nangpagsusuka? Pasagot naman mga momsie
- 2023-02-10Ano po advisable kainin bago maCS??#firsttimemom #advicepls
- 2023-02-10Hello mga mamsh, ask ko lng po Pwede po ba sa may regla ang amoxicillin? Nag karon po kasi infection yung daliri ko di ko nagupit ng maayos yung ingrown tapos namaga ng bongga tska nilagnag ako. Tapos nag amoxicillin ako tumigil regla ko bigla. Thankyou po sa sasgot
- 2023-02-10Hello mga mii mucus plug na po ba to? Kakatapos lang ma IE kaninang umaga 2cm na po ako. Currently 37 weeks & 4 days.
- 2023-02-10Ano po kaya pwd ipainom sa 5month na baby na may ubo? Ask lang po
- 2023-02-10pwede po bang i nebulize ang 2yrs old baby khit tulog?
- 2023-02-10March 31 edd ko tapos march 2 follow up check up ko. Nakalimutan ko kase yung sabi ni ob kung mag papa bps na ako bago mag gollow up check up o pag tapos ano sa tingin niyo? Mag papa bps naako bago ang check up o pagka tapos March 31 edd ko
- 2023-02-10Ask kopo negative naman po siya no kasi all pt kopo negative then nag pt po ako kaninang umaga unag ihi kopo nagkafaint line siya pero malabo muka naman pong false positive lang po no?
- 2023-02-103 months na po tyan ko si baby na po ba yung malakas ang pitik? Hindi naman po palagi pag time lang na gutom ako saka sya pipitik ng malakas. 2nd pregnancy ko na po ito.
- 2023-02-10Ano dapat sundin na bilang?
- 2023-02-10sino po d2 mei same case. ung 2 months old baby q po mei skin tag ang advice lng samin ng pedia is magpalit ng gatas. tanong q lng sana if wala naba tlagang ibang way para mawala un. ang hirap po kz makita ung baby q na nasasaktan kapag nagpu poop xa to the point na namamaos na sya kakaiyak. baka po mei suggestion po kau. salamat po
- 2023-02-10Hello mga mamshie ask ko lang po sino dn naka try ng biglaang pag sakit sa magkabilaan po ng puson ninyo mga 2mins dn akala ko ano na nkaka worry 😢 tapos sbay galaw dn si baby sa loob habang masakit 26weeks pregnant here po
- 2023-02-10naexperience nyo din po b to s LO nyo matigas yung part na in-injectionan ng 3rd dose ng penta 9 days na after vaccine.. normal po b to?
- 2023-02-10Tamad magburp
- 2023-02-10ask ko lang pp pwedi po bang mag hingu nag mga lab test sa center at pwedi na din po ba makahingi nag firts ultra sounds tnx po sa makakasagot
- 2023-02-10Ako pa ay 9 weeks pregnant na po. ngayun hapon po nakaramdam po ako ng pananakit ng balakang at may lumabas din pong patak ng dugo pumunta na po ako ng ospital at niresetahan po ako ng pampakapit.. ask ko lang po kung may iba pang paraan para hindi matuloy makunan subrang stress na po ako😢
- 2023-02-10mga mommy ask lang po kung ginigising nyo din po ba anak nyo sa gabi para magdede? 5 months n po baby ko..okay lang ba sa inyo na gisingin yung baby nyo to feed? or hayaan lang po sya na matulog at padedehin pag nagising po? natutulog po kase sya ng 7pm,kung di ko pa po gigisingin sa madaling araw para dumede di pa po dedede 😅 sana po may makasagot para may idea po ako kung anong pwedeng gawin. Salamat po.
- 2023-02-105 weeks preggy po ako, hmm. Natural lang po bang kumikirot o sumasakit yung balakang at sumasakit yung puson paminsan minsan, tapos sumasakit din po yung magkabilaang balikad ko po tapos pati narin po yung sa gilid ng leeg ko tapos sumasakit din po ulo...
- 2023-02-10Ang aking 8 months old na baby ay nagtatae tulad nito 😔😔
- 2023-02-10Normal lang po ba na may lumalabas na white discharge tas pag natutuyo sa panty nagiging brown? Worries lang po Kase ako!
- 2023-02-108 weeks ultrasound at may nakitang subchorionic hemorrage, mommies can you please share your experience? Kaya ba talaga ng gamot ito? #pleasehelp #advicepls #firstbaby
- 2023-02-10Mga mommy normal lang bang sumakit yung puson pagkatapos lagyan ng primrose oil?? Minu minuto kasing sumasakit puson ko ehh #39weeks
- 2023-02-10Hello, 38 wks and 6days nako, sumsakit ung puson ki, sign na ba na malapit nko manganak? Thanks
- 2023-02-107months preggy napo ako ngayong February
- 2023-02-10Hello! What feminine wash are you using po? Or brands recommended by OB?
- 2023-02-10Nirerequest po ba to sa OB? Thanks
- 2023-02-10# mommy help
- 2023-02-10Pingi naman po tip ano magandang gawin o anong gatas kahawig like nutri boost
- 2023-02-10PASENSYA NA PO KASI ANDAMI KO NABABASA NA GANITO EH. PLEASE LANG PO KAPAG MAY UBO OR SIPON ANG ANAK NYO IPACHECK UP NYO WAG NYO NA ITANONG DITO KUNG ANONG PWEDENG IGAMOT. WAG KAYO MAGRELAY DITO. KELANGAN DALHIN SA PEDIA PARA MABIGYAN NG TAMANG GAMOT AT TAMANG DOSAGE. KASI BAKA IMBIS NA GUMALING ANAK NYO BAKA MAS MAPASAMA PA. KUNG WALANG BUDGET DALHIN SA CENTER. DO NOT SELF MEDICATE.
- 2023-02-10Hello mga mommies, may naka-experience na ba sa inyo nakita nyo ang mukha ni baby sa ultrasound? Kasi di ko napansin ito sa clinic pero kauwi ko sa bahay sabi ni hubby na mukha daw yan ni baby#firstbaby #18weeks
- 2023-02-10Ano pong mga signs na naranasan niyo 1 week before po kayo manganak? Currently 37weeks and 3days pregnant with my first baby boy. ♥️
- 2023-02-10Very useful and spacious. At madaling magorganize dahil ang daming compartments ♥️♥️♥️
- 2023-02-10Hi mga mii ask lang kung normal ba sa 2months old baby ang 4.7 kg ? 2.9 lang siya nung nilabas ko.
- 2023-02-10Anu kaya gagagwin
- 2023-02-10Hello po.
Medyo confused po kasi ako, kanina nag cr ako para mag wiwi bago ako tumayo nag punas po ako ng pempem ko using tissue so confident na ako na tuyo. pero pag tayo biglang may tumulo sakin na clear white na parang water umabot siya hanggang tuhod pero onti lang po. I dont know po if nag leak na ba panubigan ko or wiwi lang din siya.
Sana mapansin po nag wworry kasi ako if need ko na pumunta ng hospital. Im 39 weeks po. Thank you!
- 2023-02-10Tanong lang po mga momsh! Kung sino po umiinom ng evamin capsule? Mas maganda po ba sya sa ferrous sulfate?
- 2023-02-10Ano po ang signs ng labor mga mi?
- 2023-02-10Sino po dito Injectable contraceptive? Pwede po ba yun iputok ni Hubby once na nagdo kami? 1st time ko lang kase mag Injectable contraceptive kaya medyo Hindi kopa alam. Please enlighten me. Thanks! #pleasehelp #advicepls
- 2023-02-10Mga momsh Normal lang ba na sumakit ang ulo, likod, sore throat at slight cramps sa tummy sa 36weeks?cs po ako.
- 2023-02-10Hello mga mommies ask lang po if normal lang po ba Yung weight ni baby? 28weeks and 1day na po siya ngayon. Thankyou ❤️❤️
- 2023-02-10Napakaganda ng product na ito, I have this and I really like to wear it if may pupuntahan kami with my baby, napakadaling buksan unlike sa hooked bra's
- 2023-02-10I’m 33 weeks and 5 days pregnant. And I’m currently feeling tingling in my hands and feet. Di po ako makatulog. Normal po ba ito? Pls help me 😭
- 2023-02-10Mga mii, mababa na kaya tummy ko? Gusto ko ng makaraos kaya lang si baby parang ayaw pa lumabas heheehe
- 2023-02-10may mga buntis ba dito na dinugo pero healthy naman si babay pag kalabas?
- 2023-02-10Grabe yung pag papantal ng anak ko sa katawan at muka namamaga pa sa may mata 🥺🥺🥺 sino po nag ka case ng ganto sainyo? Pano po ginawa nyo ginamot nyo? #pleasehelp #advicepls #imon #Allergy #firstmom #FTM
- 2023-02-10Hello ma mi, First time mom to be po ako, 17 weeks and 4 days na po , Nag bed rest ako kc mbaba ang inunan ko, madami naman na din akong nbabasa dto, pero medyo worried pa din ako kc hnd ko pa maramdam pag galaw ni baby, minsan nakakaramdam ako ng maliit na pintig,
And parang ang umbok nia is sa taas na ng puson.. is it normal ? Kailangan ko po ba mag worry n hnd cia maramdaman at hnd din masyado malaki baby bump ko? thank you po s mga ssagot 🙂
- 2023-02-10Hi mga mi! It's 4:27am nagsing lang ako. Nakita ko na nman gising pa mr ko, at panay pindot ng cp ko. Actually, di pa xa natutulog.. ganito xa lagi, panay hanap ng kng anu-anu sa cp ko.. ewan ko ba. Naghahanap kng me lalake ako? Di ko alam kng matutuwa or maiinis. 35weeks na ako. Manglalake pa ako? Mula nung naging kami nasa tabi nmn nya ako lagi. Ang toxic pla noh pg pinagseselosan ka kahit wala ka naman ginagawa.. ung kahit umihi or magdumo ka matagalan ka sa loob, sasabihan ka na bat ang tagal mo?😅 Pag tumunog cp mo, panay tingin cnu kachat mo. Grabe as in grabe.. cnu nkadanas ng ganito sa ctwasyun ko? 😭
- 2023-02-10Positive po ba ito?
- 2023-02-10hello baka may marecommme d po kayo sound machine for white noise pag tulog baby. sakin kasi tablet lng. baka nabibili sa shoppee thank u!! #advicepls #firstbaby
- 2023-02-10Nagpa i.e po kasi ako kanina tas yan na po nalabas sakin may kasamang pananakit ng puson at balakang first time mom po ako 😫Kaka worried po
- 2023-02-102 weeks napo ako na nganganak
- 2023-02-10Nag susuka po ako tuwing umaga
ayaw ko ng perfuim na susuka ako
malakas ako kumain
masakit yung balakang ko at soso ko lahat ng sentomas ng buntis pinag dadaanan kuna po linabasan po ako ng white descharge nung katapos ko maligo.
Negative din po ako sa PT at blood serum test. nung Jan. 22-feb 10 ako na duduwal kada umaga po
- 2023-02-10Hello mga mi, question lang kung okay lang ba yung fetal weight ni baby at going 36 weeks. Tapos ung Femur Length (FL) and Abdominal Circumference (CF) niya is behind ng 3 weeks and 4 weeks.
4'11 height ko and 49 kgs as of now.
Tinatake ko nalang na meds is calciumade, vitamin c and Folic. Kakastop ko lang ng multivitamins (Mama Whiz)
Thank you. #firsttimemom #FTM #firstbaby
- 2023-02-10Fight fight lang! Makakaraos din! ❤️☺️
- 2023-02-10Pwede po kaya ito sa preggy? Premium Cocoa Powder.
No sugar added, No flour and butter 🙂
- 2023-02-10Hello mga mie #TeamMay ask ko lang kung possible po ba talaga na pumutok ang matres sa ika 3rd CS sinabihan kasi ako ng ob ko and dating sa akin gusto nya ako mag diretso ligate dahil sa rason po nya na yan ehh gusto ko po kasi sana na sundon padin si baby ko kahit after 5 yrs.. Nag worry kasi ako sa sinasabi ng ob ko ehh salamat po sa sasagot
- 2023-02-10Is there a case na ma delay ang due date?
- 2023-02-10Good day po!
First time mom po.
nung new born si baby every day po siya nag popoop at okay ung poop nya. ngayon 1month mahigit na siya na observe ko na every 3 days na sya nag popoop tapos watery as in watery and madami color yellow at amoy gatas . normal lang po ba? Mix Breastfeed po and nag foformula siya Bonna
thankyou sa sasagot
- 2023-02-10Natural lang puba ihi ng ihi lalo na pag madalimg araw? 5minths pregnant po
- 2023-02-11Brownish Discharge
- 2023-02-11Hello mga momshie ..pahelp nmn..2yrs.and 8months na kc ako nag ppills.(trust pills).tpos last nov.lang humina regla ko tpos hanggang jan .mahina prin...din ngyun feb.naubos kuna pills ko d rin ako dinatnan.nag pt ..ako negative nmn..pahelp nmn mga momshie..nag aalala na kc ako...#please pahelp
- 2023-02-11Good morning mga mommies. May mga ob ba nag rekomenda ng fish oil? Ok lang ba kung mag take if wala recommendation? Thanks po
- 2023-02-11Hello Mommy's FTM here, Ilang araw na po akong may ubo. Na fefeel ko na po yubg compression sa tyan ko bawat ubo. Kawawa nman po si baby. Ask ko lang sana advice nyo para po ma ease na po yung ubo ko kahit papano.
- 2023-02-11Hello mga moms , may red bites anak ko sa kamay di na nawala kahapon pa yan , pag kinakagat ng lamok ang anak ko isang pahid ko lang ng vicks nawawala agad pero ito ndi na nawala ilang ulit ko ng pinahiran, yang white na pinahid ko is calmoseptine pero parang di rin nawala, nag aalala ako mga moms kc ang taas pa lagnat 😢 anu maganda kong gawin mga moms?
- 2023-02-11Siguro sa dinami dami ng mapipili kong lalaki, bakit sya pa naka buntis sakin, bakit sya pa yung naging ka live-in partner ko, oo nag tatrabaho sya at pinanagutan nyako.
Pero sa ilang buwan nanaming magkasama sa iisang bubong, hindi sya maalaga, babaero pa, kung makalait sakin akala mo tropa ako e, walang respeto. minsan nga umaacting nalang akong masakit tyan ko ma pansin nyalang, kapag nagbibiruan kami at masyado na masakit yung sinasabi nya nanahimik nalang ako. Pero alam moyun wala parin syang pakiramdam na baka na offend ako sa sinabi nya, wala eh walang pake alam.
Alam moyun parang yung mindset nya, masakit katawan mo? Bahala kajan ginusto moyan e. Hinahayaan nyalang ako. Simula nung nalaman ko na ganon pala ugali nya, never nakong uminda sa mga sakit na nararamdaman ko. Sinasarili ko nalang.
Sa buong pagbubuntis ko, ako lang nagcocomfort sa sarili ko. Malas ng napangasawa haha
- 2023-02-11mga mommies anu po ginagamit nyo kapag may insect bites si baby share nyo namn mga mie
- 2023-02-11Question lang po kasi nasa 40 wks and 4 days nako. Normal lang po ba na 4 days nakong na diarrhea? tapos parang may kabag po sa chan hirap po ako ilabas yung hangin. Pa help po mga mi baka meron dito sa inyu nakaranas nito. thankyou
- 2023-02-11Pasintabi po. Sana po may makasagot. # firsttimemom
- 2023-02-11Bumalik din ba ang morning sickness/pagsusuka after kumain ninyo sa second trime mga momsh? Ginaganahan nako kumain pero nasusuka parin ako after.
- 2023-02-11hello po mga mommy? pwede po kaya na magkaibang brand ng follic acid ang inumin? yung una po kasing tinake ko follic acid infacare? ngayon po ang binigay sakin sa botika Follic acid folart.
#thanks po sa sasagot
- 2023-02-11Kailngan ba pag C's sa hospital na dapat mag check up sa second bby
- 2023-02-1137weeks napo ako tomorrow, ano po kaya mga pwdeng symptoms na malapit ng manganak except mag labor. This fast few weeks po kc napapansin ko nagkakaron ako ng milky discharge which is nag karon ako nung first trimester ko pero nawala din nung nag second tas meron napo ulit ngayon , then may times na nasakit breast ko , madalas din po ang galaw ni baby usually sa gabi. #
- 2023-02-11Good day po, meron po kaya ditong eksperto na pwedeng makasagot ng tanong ko? Kasi po apat na yung Ultrasound ko, dun sa apat kong ultrasound ang mga EDD ko ay hindi nagkakalayo. Feb.23, Feb. 16, Feb 18, at sa record po ng lying in na pag-aanakan ko ay Feb. 20. Dinagdagan nila ng 2 days. Pero ang LMP ko po ay Feb. 16. E kaso po ang laki po ng sukat ng tiyan ko, size 32, baka daw po ipadala na nila ako sa Ospital dahil ang tinatanggap lang po nila ay size 26-27 kasi ang laki daw po ng baby baka maCS ako. Pero pinaliwanag ko po sa kanila na maliit lang yung baby, at tiyan ko lang ang malaki. Yun kasi ang sabi ng OB ko, na maliit lang yung baby ko. Pero ayaw maniwala ng midwife sa lying in kahit nasa kanila ang copy ng aking last Ultrasound at kita naman nila na tama lang yung laki ni baby. Kaya nagrequest sila ng BPS Ultrasound, at nung nagpa BPS ultrasound po ako kahapon nakita don na ang liit lang ng baby, kaya sabi sakin nung nurse na nag ultrasound ay kung sure ba ko sa LMP ko? Dahil ang findings nila ay 35 weeks and 1 day pa lang ang baby dahil pang 35 weeks pang yung sukat at laki niya at hindi pang 38 weeks. Kaya ang naging EDD ko ay March 16. Kaya po ngayon ay naguguluhan na ko kung ano ba talaga? Umaasa ako na ngayong linggo or next week lalabas na si baby kasi nga po ang bilang namin ay 38 weeks and 5 days na ngayon ang tiyan ko. Pinainom na nga po ako ng midwife sa lying in ng eveprimrose nung nakaraang linggo e. Taps kahapon, sa BPS ultrasound ang nakalagay ay 35 weeks pa lang. Nakaka stress na. Hays. Hindi ko po alam ang susundin kong Due date ko. Sana may makasagot.
- 2023-02-111st Utz ko 3 months (1 fetus lang)
2nd utz ko 6 months (1 fetus lang)
Pero sa heart beat sa center 2. Na detect.
- 2023-02-11Nagkaron po ako ako blood discharged kahapon Umaga Nung pag.ihi ko patak lang po tapos nung tanghali page.ihi ko parang gelatin na color red .. then pumunta na ako clinic 5cm pa lang ako until now wala parin sign of labor.. nagwowory na ako sa blood discharge ko..
- 2023-02-11Hello, tanong ko lang po iba po ba yung Philhealth na hinuhulugan natin kysa sa indigent philhealth na kinukuha sa brgy? My philhealth na po ako my 6months n hulog, so iniisip ko if need pa po kumuha s brgy ng indigent philhealth.. Salamat po
- 2023-02-11Any tips po para bumaba Yung BP nag BP po Kasi ako umabot ng 160/90 I'm 36 weeks bumili lang nmn ako sa tindahan
- 2023-02-11Mga mi sino dito kasabayan ko edd 25 February. Nakaka excite na nakakakaba na talaga lalo wala padin ako sign of labor 🙁 anyways 34 weeks palang tiyan ko naglalakad na ako para bumaba nag primrose na din ako as per ob medyo kabado lng talaga ftm e. Si baby padin naman magdedecide if kelan lalabas. Any tips naman dyan mga mi #FTM #38weeks #plsadvise
- 2023-02-11Hello mga ka momshie okay lng ba ito pag may lumalabas na white blood?
- 2023-02-11Sumasakit din ba mga daliri niyo sa kamay tuwing umaga, sakin kase sumasakit diko maigalaw ng ayos
- 2023-02-11Answer me please momshii
- 2023-02-11Mga mommies, any milk recommendations para sa baby kong nagtatae? Lactose Free po sana and ask ko na din kung pwed sakanya yung milk na Pediasure?
- 2023-02-11Yung asawa ko may mga incentives sa work tapos d sinsabi sakin. Pagtingin ko ng email pinapadala pala sa mother niya para naman daw samin un. Ilang beses ko siyang tinanong ang sabi niya lang wala tlg. Dapat ba kong magalit sa pagiging dishonest niya or ayaw nya lng ibigay sakin. Kung para samin un bakit d n lng ideretcho samin. Nagbukas pa ko ng bangko para saan pa?
Aminado ako ng kunti lng naiipon ko dahil buntis po ako pinaliwanag ko sa kanya na dami kong gamot dahil sa anemia ko, ang mahal ng iberet isa. Tas mga vitamins pa, check ups at laboratory. Gatas na anmum na napakamahal, fruits, pagkain namin dito at gatas diaper ng panganay namin. Kami lng dalawa ng 3 yrs old ko na daughter dahil nasa barko siya..
Lahat mg gastos ko, sinusulat ko at may record ako pati resibo. Binibigay ko sa kanya para alam niya rin. Feeling ko mayy issue kasi ultimo nanay niya nagtatanong kung magkano ba ilaw namin at tubig. Lahat ng gastos ko tinatanong.
Ewan ko sumasama loob lo tlg. Nahihirapan ako, ayoko nang umiyak dahil baka manganak ako ng maaga dahil sa stress, 8 months pregnant.
- 2023-02-111 month and 3 days napo ang baby ko pwede napo ba kami mag side lying pag papadedehin ko sya? nag aalinlangan kasi ako kung safe ba ang side lying position and kung safe ano po ang proper position ni baby pag mag siside lying? may unan poba o dapat flat lang po ang head?
PASAGOT NAMAN PO, SALAMAT.
#sidelyingposition
#answermyquestion
- 2023-02-11Sino dito tulad sakin? Pbf po ako mga Mii, dinatnan ako kahapon lang mag 1/2 na kami ni LO e. Actually di pa tapos spotting since nung nanganak ako pero eto iba malakas at tumatagos talaga siya, plus masakit na katawan at puson kaya considered ko na regla na.
- 2023-02-11Mga mi ano po kaya pweding ipanggamot sa sugat ni baby,Nung una po Hindi Naman po ganyan tapos Nung tumatagal na naging ganyan na.yan po Kasi Yung parang balakobak na pagkalabas ni baby mayron na po sya,tapos po di po sya natanggal kaagad mag 5months na po sya mga mi.paano din po kaya Yun matanggal?!
- 2023-02-11Ano pong ibig sabihin kung Anterior Placenta Grade 2, No Previa Seen? 30 weeks and 6 days.
- 2023-02-11Medyo nalilito kasi ako. 28 weeks na po kasi ako sa tuesday. Anong month na kaya ako ng aking pregnancy? Pasagot po pls
- 2023-02-11Ask kolang po ano po pwedeng gawjn pag sinisipon, the mejo may plema po tas ansakit din po ng ulo ko at makati lalamunan ko
- 2023-02-11hello po mga mommies! ask lang po. 1month na po akong nanganak nung feb 8, then feb 9 may nangyari na po samin ng asawa ko. may posibilidad po bang mabuntis ako? hindi pa naman po ako nag kakaron, sabi naman po nung nagpa anak sakin is safe pa pero di ko po alam di pa po ako kumportable huhu.
- 2023-02-11I'm 19weeks, next check up ko po by 23weeks sinabihan ako ni OB need daw ng tetanus toxoid. Para san po ba to? Pwede po bang di siya ipagawa? Any idea po
- 2023-02-11#octoberbaby #rainbowbaby
- 2023-02-11Hello po sino po ang nakapagpatest sainyo ng TSH??Magkano po ang inabot?Thank you po...
- 2023-02-11Any tips po pagdating sa gamit. Thank you po.
- 2023-02-11pede po magtanong ano po kaya result nito ang hirap po kc mag pa check up s public lagi pila pag d naabutan s cut off balik nnmn
- 2023-02-11Hello Mommies ano mng best diaper for baby na pwede pang overnight? Na hindi nag leleak
- 2023-02-11helloo mga mii! ftm heree
kanina kasing 4am nagising ako dahil sa pulikat, nung nawala na yung pulikat naya maya may naramdaman ako basa sa panty ko papuntang butt the continuous yun pero onti onti lg ganon then nung bumangon ako parang nag stop sya, natataranta ako na ewan that time. then nag try ako umupo sa toilet bowl kasi baka naiihi lg naman ako. then ayun naka ihi ako. alam ko kasi kapag panubigan diba hindi mo kontrolado yun?pasagot po huhu
then now para akong may mentrual cramps. nasa 38 weeks and 6 days me today
- 2023-02-11Ano ba ibig sbhn kpag sobrang bigat na ni baby sa bandang pepe? Para syang malalaglag na hirap na ikilos onti gvgalaw masakit, pag iikot ng higa pwesto pag tatayo.. pag lalakad. Ganun po. 35&2days po. Nakabedrest din po ako 2weeks na ata nka isox.. kse nag 3cm ako nung 33weeks.. nag dexa na din..
- 2023-02-11Mga mi! Kahapon kasi check up ko sa hospital at niresetahan na ko ng doctor ng Evening Primrose. Ask ko lang kung saang murang botika at magkano makakabili ng ganon? Salamat po sa sasagot!
- 2023-02-11pag ba naglilihi sa mga kulay dilaw na pagkaen maputi ba o maitim si baby ? katuwaan lang mga mii hehe .. ito kasi mga pinaglilihian ko .
shawarma shack
lemon square cheese cake
fries and sundae
ano po sainyo ? 😁😁😁❤️❤️❤️
7w5d preggy ❤️
- 2023-02-11Hellp. Pwede na kaya ako uminom ng pills kahit hindi pa ako nireregla? Kapapanganak ko lang last november. Salamat
- 2023-02-11Wala man po ako lagnat chills lang
- 2023-02-11Worried aq pra kay baby
- 2023-02-11Pinaglilihian ko ang bunso kong anak, bigla payat po siya, ganun po ba talaga yun paano patatabain ulet 🥺🥺 kawawa namn .
- 2023-02-11Hi mga momsh, ilang months po bago kayo niregla after manganak ulit? 19 months na kasi si baby ko pero hindi pa ako dinatnan simula nanganak ako exclusive breastfeeding po siya, normal po ba yun? Thank you po 😇
- 2023-02-11Hello po mommies. Any recommendations po ng nasal spray na safe while breastfeeding pra sa allergy rhinitis. TYIA
- 2023-02-11paano po magpa open cervix para mabilis si baby ayaw pa po kasi nya humilab baka ma over-due sya kinakabahan ako.
- 2023-02-11Naranasan nyo na po ba?
- 2023-02-11Naisip kolang kung pwede bang gawin yun bukod sa squat at pag lalakad, kasi lagi ko syang hinahagod
- 2023-02-11alin ba mas tama? nag babase kasi ang ob sa transv, pero nagkakamali din. 34w6d na ko if Lmp , kung transv 33w6d palang. 1week difference lang naman.
etong last ultrasound ko tugma sa LMP.
- 2023-02-11Mga mommy 3months po baby ko may singaw po sya, ano po kaya mgandang gamot?
- 2023-02-11Paano po kaya matatanggal yung puti puti sa mukha ni baby? Ano po kaya ang gamot?
- 2023-02-11Butlig butlig na tumutubo sa face
- 2023-02-11Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob kasi halfday na kong iyak ng iyak. Tama bang sumabatan ng magulang yung anak nila dahil buntis ? Nakapisan kasi ako sa magulang ko. Umalis kasi ako sa side ng partner ko. Same kaming walang trabaho. Ayoko maging pabigat sa side nila kaya pinili kong tumira pansamantagal sa magulang ko. Kaso ang sakit lang isipin na masama pala loob nila sa pagpapatira nila sa akin sa bahay nila. Pabigat lang daw ako pasalamat daw ako at buntis ako. Di nila alam ang hirap ng wala na nga kong suportang nakukuha sa partner ko, sasabihan pa nila ako ng kung ano ano. Ngayon, planning na umalis ulit ako ng bahay. Lumipat kung saan hindi ako mahuhusgahan. Sobrang sama ng loob ko sa kanila. Pang bisyo meron sila. Hindi ako nanghihingi sa kanila. Bagkus kung may kinikita man ako sa part time ko, nag iiwan ako ng pera sa kanila.
6 months na tyan ko. Stress na stress na kami ng baby ko. Kung pwede lang akong magpakalayo layo. Mga probinsya para wala stress.
- 2023-02-11Greetings To All Mama's! Ask lang po kung malalaman na ba yung gender ni baby sa kanyang ika- 5th month via ultrasound? As per my OB-Gyne pwede na. Naguguluhan lang kasi ako. Sabi ng ibang mga nanay na kilala ko 6th months daw para mas sure sa result kasi may mga cases daw na nagkakamali ng ultrasound result pag maaga nagpa-ultrasound. Confuse lang po. First time ko po kasi magbuntis. Thank you.
- 2023-02-11Normal po ba pag walang pregnancy symptoms except sa delayed? 6 weeks po ako based sa LMP ko. Positive 2 PTs. Maselan po ako magbuntis sa dalawang anak ko tapos yung panghuli nakunan po ako at 3 months.
- 2023-02-11Ultrasound
- 2023-02-11recommended tatak po ng diaper for new born kabuwanan ko na po, new born diaper na lang ang wala please help please answer po mga mami thankyou in advance!!! 🥰
- 2023-02-11Pwede parin po bang makapag apply ng philhealth indigency khit already philhealth member nako?
Na stop po kasi ako ng hulog since nag resign ako sa work ko
Last hulog ko po kasi august 2022 pa
No source of income po kasi ako
Edd ko po March last week
- 2023-02-11hello mga mommies sino po naka experience dito na Hindi nag tummy time si baby nakalakad ba agad?
- 2023-02-11Ano po kaya pwede gawin sumuka kasi ako ng may kasama ng dugo nag alala na po kasi ako sobra lalo na sa baby ko 😭 help naman po mga mommy sobrang selan kasi ng pag bubuntis ko first time mom po ako.
- 2023-02-11Nung first ultrasound kopo ang edd kopo is March 6 and sa second ultrasound kopo is March 25 na po yung edd ko ano poba ang susundin duon.. first ultrasound kopo is sabi sakin ni ob im 5 months pregnant and sa 2nd utrasound ko naman po is 33 weeks and 6 days nalilito po ako sana po masagot
- 2023-02-11hi mga mi. ask ko lang po bakit po kaya mapait po ang panlasa ko normal lang po kaya yun? 13 weeks preggy po. thankyou po! ❤️#firsttimemom
- 2023-02-11Mucus plug na po ba ito as per google oo mucus plug na di kasi sya brown or pink kaya pero sabi mucus plug is clear, white or greenish diko sure 38 weeks today. Blurry photo pero kita naman po diba
- 2023-02-11mga sis ask ko lng sino dito nakakaramdam na parang nay bula sa loob ng tiyan sakin kasi minsan magugulat ka nalang na may bula sa loob ng tiyan ko 😂 palipat lipat 😂 si baby poba yung 😊
pasensya na sa tanong . first baby ko po kasi 😅 slamat po
- 2023-02-11Kailan Po pwede uminom Ng malamig Ang bagong cs ??
- 2023-02-11magkano po kaya yung cas. na ultrasound po para po sana may idea po ko at medyo mapaghandaan din po if mahal po siya 😊 slamat po sa sasagot 😊
- 2023-02-11Tanong ko lang po mga mommies kung ganito Rin ba sa mga toddlers niyo. May bukol pero parang Hindi naman Kasi Siya actually bukol, buto po Siya na parang matalim sa likod Ng kanyang tenga Nakakaworry po Kasi . #pleasehelp #advicepls #firstbaby
- 2023-02-11#baby14weeks preggy
- 2023-02-112weeks na po baby ko and sa tingin nyo po ba part ng postpartum yung mga thoughts ko? Ewan ko kung ako lang nakakaramdam neto pero parang gusto ko ulit magbuntis agad, as in agad. I know hindi madali naging pregnancy journey ko kasi at 1st trimester anjan yung morning sickness at laging nagsusuka, lost of appetite. At 2nd trimester naman laging masakit likod ko, madami na din akong inindang sakit kung saan saang part ng katawan ko dagdag pa yung byahe para sa check up (malayo kasi ob ko samin 30mins away mas mahirap pag traffic at nakamotor lang kami). Qt 3rd trimester naman anjan yung shortness of breath, acid reflux, masakit na likod, balakang, binti, hirap maglakad, mabigat ang katawan at antukin, dagdag pa yung IE and labor sobrang sakit talaga lalo na madaling araw ako naglabor, malamig so doble yung kirot kasi nga malamig. Pero yung feeling na nailabas ko yung baby ko (mabilis ko lang siyang nalabas kasi nakatagilid ako kasi hinihintay ko pa ob ko siya magpapaanak sakin kaso di na kinaya kaya nung pagbuka ng nurse sa legs ko lumabas siya agad di ko na kinailangang umiri hahaha) ewan ko pero gusto ko ulit mafeel yun. Namimiss ko yung sipa ng baby ko sa ribs ko, galaw nya sa loob ng tyan ko, yung sinok niya at lalong lalo na yung nalabas ko na siya. Gusto ko ulit mafeel manganak ng marami beses kahit alam kong masakit sa bulsa magkaanak at gusto ng partner ko 2-3 lang maging baby namin.
Ayaw ko din naman ng maraming anak lalo ako naghihirap (dalawa pa yung tahi ko sa baba) it's just the feeling na nailabas ko yung anak ko, sobrang sarap sa feeling.
Just a thought, wala akong balak magmadami ng anak😹
#postpartum #ftm
- 2023-02-11Magkakadepekto po ba si baby ko? Na-out of balance po ako kanina habang sinasaksak yung rice cooker sa mababang saksakan namin tapos po aksidenteng napaupo ako sa sahig at nagbounce pwet ko😭
- 2023-02-11Im 24 yrs old, first baby po ito if positive ito 🥹🙏. 12 days after sex po nagcheck ako ng pt . malabo po yong isa . Buntis po ba ako ?
- 2023-02-11Hello po mga mommies. Sa inyong experience how much po yung binayad nyo sa CAS? 19 weeks preggy here. 🙂
- 2023-02-11Kailan po pwede makipag talik ulit pag naraspa? and totoo po ba na pag niraspa mabilis mabuntis ulit?
- 2023-02-11#2days old
- 2023-02-11Nag insert kasi ako ng evening primrose(EPO) tapos mga ilang minuto biglang bumulwak. Iniisip ko na baka yung EPO yun pero baka panubigan ko na tapos may kasamang OIL galing sa EPO kasi bigla nalang bumulwak. Ano gagawin ko mga mi kasi pinapaBPS Ultz ulit ako kaso 3pm na, punta nalang na ako sa hospital? Wala rin akong contact sa OB kasi iba iba sila nagchecheck sa akin sa PUB Hospital.
- 2023-02-11During 1st trimester high risk ako bcoz of my previous miscarriage, pero now on 3rd tri, hindi na, im on my 30weeks na, pag sobra pagod nakakaramdam ako ng mabigat ang puson,minsan hanggang pwerta, binigyan ako pampakapit ng ob. Meron din ba sainyo nakakaranas ng ganito?
- 2023-02-11
- 2023-02-112months na po kami ni baby. Kailan po kaya pede makipag do kay mister? May nakapagsabi po kase sakin 24 hours daw po pede na
- 2023-02-11
- 2023-02-11Nag insert kasi ako ng evening primrose(EPO) tapos mga ilang minuto biglang bumulwak. Iniisip ko na baka yung EPO yun pero baka panubigan ko na tapos may kasamang OIL galing sa EPO kasi bigla nalang bumulwak. Ano gagawin ko mga mi kasi pinapaBPS Ultz ulit ako kaso 3pm na, punta nalang na ako sa hospital? Wala rin akong contact sa OB kasi iba iba sila nagchecheck sa akin sa PUB Hospital.
- 2023-02-1137 weeks nako mga mommies, nakaramdam ako ng cramps na parang pag may regla tayo at feeling na natatae. Malapit na po ba ako mag labor nun? First time mom po ako salamat. #firsttimemom #pleasehelp
- 2023-02-11
- 2023-02-11No salk no yolk in 5 weeks ko. Normal po ba sa 5weeks yung hindi makita si baby nag pa ultrasound ako Feb 7 tapos nag pt ako ulit feb 8 at ayun positive naman.. pinag bedrest muna ako ng Ob ko. Next check up malalaman ko kung magpapakita na sya. #worriedmom
- 2023-02-11
- 2023-02-11Tatlong beses na po akong pa balik2x sa Cr po natatakot na ako
- 2023-02-11It's nutritious and fun to eat for babies... my l.o loves it .. this is the first snacks that I introduced to my baby bago Ako nag bigay Ng mga biscuits sa kanya 😉
- 2023-02-11Hi mga mi, normal ba na mahinhin si baby minsan? Anterior placenta at baby girl po si baby. Pero twing nagpapatugtog po ako ng classical songs gumagalaw si baby. Tamad lang po yata gumalaw si baby.. 😅 sana pagdating ng 7months buong araw na yung galaw niya..
- 2023-02-11Hi mommies! Sino po nakaranas magpa cervical cerclage or stitch? Kamusta po kayo after? Bed rest po ba kayo hanggang manganak or nakagalaw galaw na kayo after like the usual routine niyo? Salamat mga mommies!
- 2023-02-11Kanina ko lng po na feel ito, parang bukol sya sa kili kili ng LO KO. Tapos mapula. Pigsa po kaya to?? Matigas sya pag hinawakan eh🥲
- 2023-02-11nung 3months baby ko 6kilos sya ngayong 5 1/2 nya 6 kilos parin sya may vitamins naman po sya ceelin at tikitiki, worry lang ako mga mamsh kumakain naman po din si baby cerelac e , any tips nga po para makadadag ng timbang nya #BreastfeedBaby
- 2023-02-11Hello po. Tanong po.
6 weeks preggy po ako base sa size ni baby sa TVS ko. No HB papo. E dinudugo po ako since tuesday until now. Brown discharge po. Meron po bngay sakin na gamot pampakapit and yung suppositorry. Nag woworry parin po kasi ako e. Nagpa ER nako and OB. Nasa taas naman po si baby. Pero tuloy tuloy parin kasi yung pagdudugo ko. May ganito po bang parang scenario kayo na naransan and naging oks naman po ba yung baby nyo or nag tuloy tuloy po sa di maganda ? 🥺 naka bedrest po ako now, minsan umuupo or naglalakad pero around lang sa kwarto dn namin.
Thankyou po. Sabe po ng OB ko is nagbabadya daw po akong makunan. And pray lang daw po ako na sana maging oks dn ang lahat. 🥺
PCOS both ovaries po ako diagnosed July2022.
- 2023-02-11Sa mga breastfeeding moms po dyan, ano po kaya magandang nipple cream ang effective. Sobrang sakit na po kasi pag naglalatch si baby. Thank you po sa sasagot
- 2023-02-11Unang PT di gaanong visible yung linya ,
- 2023-02-11#postpartrumdepression #2ndtimemom #1monthsinceIgavebirth
- 2023-02-11
- 2023-02-11Yung baby ko po na 27 days old is hindi nagrerespond sa boses ko po. I mean, hindi niya po hinahanap-hanap yung voice ko kung kinakausap ko po siya. Tumitingin-tingin lang siya sa paligid niya or sa isang specific na place, pero hindi sa akin. Normal la po ba ito? Nagrerespond naman po siya sa maiingay na bagay. Kelan po ba talaga dapat magrespond yung baby pagkinakausap siya ng mommy niya? (And by respond, I mean po yung parang magiging curious siya kung saan nangaggaling yung boses) thank you po.
- 2023-02-11Ask lang ano remedy sa ganito? Nag appear lang siya pag nakaskas ni baby yung face sa damit ko then nawawala naman iang mins. I tried cetaphil pero mas lumalabas at nagddry face niya.
- 2023-02-11Hi mommies! Just had my CAS and ang lumabas na findings is thickened nuchal fold 7.9mm, super worried. May same case po ba dito na ganito ang result? Normal naman po ba si baby paglabas?
- 2023-02-11#coming5months
#positvepoyungptko
- 2023-02-11High risk kasi ako, jaya need kong e monitor, ik lng po ba na every week? Thank you
- 2023-02-11#2yrs old babygirl
- 2023-02-11Hello po mga mamsh!
Kapag appears normal po nakalagay sa mga parts like lips, liver, eyes etc.
As in normal po ba iyon?
- 2023-02-11Patulong mga mmyy, ano po ba mga importanteng kailangang dalhin o ilgaya sa hospital bag, first time mom here
- 2023-02-11When is the best stage/age for tummy time mga mommies? Been searching about it, & sabi start as early as possible daw. Planning to do it, siguro pagkaalis ng navel cord ni baby. ❤️
- 2023-02-11#firsttimemom
- 2023-02-11mga mi 31 weeks preggy first time..normal ba ung paramg my pumipintig pintig sa tiyan ko na parang kala mo tibok ng puso eh...?iba pa ung galaw mismo n baby..
- 2023-02-11Normal ba na sumakit ang mata kaka cp? 🤣🤣 Sino po same ko dto na mabilis sumakit mata lalo nung nabuntis?
- 2023-02-11hi mga mamshie tanong ko lang po kung sakop po ba ng philhealth ung private doktor?
- 2023-02-11Hello mga mi.. normal lng po ba na di pantay ang tummy ko just asking first time mom... bali 10 weeks na po akong preggy
- 2023-02-11Not sure if pregnant
PCos. Since 2015
Nag positive po ako sa pt kaya nag pa transv ako knina at ito po ang result .. Baka may idea po kayo kung ano result ko naiitress na na po ako kakaisip kung ano ba talaga sa monday kopa kase ito mapapabasa 😪 sana may mag comment 😊
#PCOS
- 2023-02-11Mga mommy ask ko lang po di po ba normal na may mild pamamanas ng paa? 5 months pregnant po ako. Sabi nila usually 7 months nangyayari ang manas sa paa. Ano po dapat ko gawin para mawala po ito? Salamat po sa mga sasagot.
- 2023-02-11Ultrasound ko kanina, and nakita na gender ni baby 18 weeks and 3 days pa lang ako, ang galing din kasi talaga ng OB ko. At kita na gender ni baby ko, at baby boy sya🥰🥰🥰
- 2023-02-11Grabe gutom ko mga mamsh, maya't maya ako gutom, ano bang pagkain ang nakakabusog na hindi naman mataas ang sugar? yung affordsble lang din sana. or ano kaya maganda snack na pwede ko kainin maya't maya?
- 2023-02-11hello po, ask ko lang if normal to kasi nanganak ako this oct.10, 2022 lng. Then dinugo ako Nov. 18 up to Nov. 23 I guess mens ko na yon kasi Dec.18 niregla nnman ako up to Dec.23. kaso nagwoworry ako kasi exclusive breastfeed naman ako. Normal lang po ba?
- 2023-02-11Hello po, gusto ko na makaraos huhu
37 weeks and 5days na me
2nd baby na po gustong gusto na talaga makaraos
- 2023-02-11Laboratory for pregancy magkano po inaabot ng ganito magkno po kaya total cost ???
- 2023-02-11Ano po ba nararamdaman niyo? Ano pong ginawa nyo sa case nyo? Sana po may makasagot.
- 2023-02-11Ganito po ba tlga feeling ng buntis, nggutom ka pero bawat maisip mong pagkain nasusuka ka😅🥲gutom ka pero ala kang gana🥺#firsttimemom
- 2023-02-11Lumaki lang po ang pusod nya ng ganyan. Normal lang po ba yan? First time mom po kasi ako. Thank you
- 2023-02-11Mommies, saan kaya nakukuha ni mommy kapag sa findings ng ultrasound may problema sa heart and sa brain si baby? Wala naman sa both parents and relatives may sakit sa puso and sa brain. Possible bang sa folic acid kulang o hindi sapat? Alaga naman ang nanay sa pagbubuntis, monthly naman ang check up sa private doctor. Healthy living naman dn. Saan kaya?
- 2023-02-11Currently 21wks Pregnant
- 2023-02-11#firstimebeingmother
- 2023-02-11#firstimemom
- 2023-02-11#First_Baby
- 2023-02-11Ko. Eh my solvent yung lasa nung nainom ko. Nag woworry po ako
- 2023-02-11Hello To All Mama's! Ask lang po kailan po ba pwedeng mag simula ng exercise like walking and squatting? Also food diet like lessening of sweets, carbs, and salty foods? My baby is currently 18 weeks and 4 days. To be honest, active kami sa mga nabanggit kong pagkain ngayon but I need to know when to control myself. Sabi kasi ng mga nakakausap kong mga nanay.. maliit pa naman daw ang baby bump ko. Masyado pa bang maaga para samin ni baby mag strict diet & exercise if ngayon namin sisimulan? We just want to aim normal delivery. You're suggestion and comments are highly appreciated. Thank you po mga Mommies!
- 2023-02-11Jan. 24 base on my calendar dapat magkakaron na ko but jan. 26 nagkaron ako ng spotting then i decided to take pregnancy test ng jan.27 may spotting parin ako non pero as in patak patak lang. 2 pt yung ginamit ko, Base sa result pareho syang may positive line pero hindi ganon kalinaw, tapos jan 28 nagkaron ako ng light bleeding, nag pt ulit ako that afternoo. Then positive parin sya kahit may konting dugo na kasama, tumigil yung bleeding mg gabi. Then kinabukasan jan. 29 meron ulit sya, may nalabas na buo buong dugo pero hindi sya direfiretso e, pawala wala sya. May time na natigil sya mg gabi o sa maghapon hindi sya nagtutuloy tuloy ng bleeding. Pareho din nung jan. 30 may nalabas paring buo tapos patigil tigil din sya. After non 2 days ako may spotting ulit. Then nag pt ulit ako 2, nag antay ako ng 3-5 mins tapos negative na sya. Pero nung itatapon ko sya kinabukasan may nakita kong faded line. Then now nalaki puson ko, mabilis rin pulso ko lalo na sa leeg. Ayoko naman ng mag pt ulit dahil natatakot akong baka negative na naman pero may nararamdaman ako sa puson ko.
- 2023-02-11Pa sagot po
- 2023-02-11Yung poops ni baby ay watery pero my konting laman at mejo malansa amoy, senyales b yun n tutubuan n sya ng ngipin?
- 2023-02-11Hello.
sino po dito naka experience ng parang may tumutusok sa pempem pag naglalakad or tumatayo? at tumutigas ang tiyan?
39 weeks
first time mom 😍
- 2023-02-11Normal lng po ba 14 weeks maliit plng baby bump? parang bilbil lng po tas d ko pa po narramdaman na gumagalaw bali pintig pintig plng po
- 2023-02-11I'm currently 37 weeks and 3 days, check up ko for IE kanina then sabi sakin ni OB, mataas pa daw si baby, any tips po na bumaba si baby? Sabi din kasi saken ni OB na may mga case din talaga na nauuwi sa CS kasi hindi bumababa si baby, any tips po na pwede kong gawin. First time mom po
Thank you sa sasagot :)
- 2023-02-11Mabubuntis po ba ang babae after mag sex? For example, nag sex today kinabukasan buntis na? Ilang araw po ba bago mabuntis ang babae after ng sex?
- 2023-02-11hi mommies pano pag malapit na duedate mo pero stock k lang s 2 cm nag iinduce labor po ba ang lying in ?
- 2023-02-11Hi po sana po may sumagot. Ano po kaya yung nasa likod ng tenga ng one month old ko. Para syang nagbabalat and mabaho. Di ko sure kung rashes ba sya kasi di naman namumula. Nililinisan ko naman sya with cotton and warm water pero ganun padin nawawala lang temporarily yung amoy but nabalik pa din. Need help po.#pleasehelp #FTM #advicepls #firsttimemom #firstbaby
- 2023-02-11Ask lang po may lumabas den pobang dugo sainyo mga momsh after niyo po ie?sana po may sumagot🥺 36weeks napo ako
- 2023-02-1130weeks na po akong pregnant ang madalas din naninigas ang tiyan ko, pero sinabi ko na din po sa ob ko nung Feb 2, kaya nilagyan po ako ng fetal heart monitoring and normal naman nung Nakita sa monitor but until now is naninigas parin madalas Yung tiyan ko?
- 2023-02-11Natural lang ba sa 8mos madalas ang paninigas ng tyan?
- 2023-02-113 months delay
- 2023-02-11hello po mga mommies ask ko lang po sana kung anong test ang pwede ipagawa para malaman kung may tulo or wala?32 weeks pregnant na po ko.
- 2023-02-11Mga mi tanong ko lang kung may nakaexperience sainyo na biglaang nagkaroon ng maliit na bukol sa dede after manganak? Breastfeeding mom po. Kelan po ako dapat magworry? As of now naman po maayos padin ung labas ng gatas, walang amoy or ibang kulay na nakakabahala. Okay po din po ba mag continue ng breastfeed? Thank you po. 🫶
Ps. Wala pong pain at wala pong nana. Worries lang po ako kasi first time ko po maexperience na may makapang bukol or bilog po sa dede.
- 2023-02-11May bleeding daw ako sabi ni Doc. pero wala naman lumalabas saakin na dugo and di rin sumasakit tyan ko.
5 na meds. ang binigay saakin and lahat po iinumin ko 3x a day ok lang po ba yon? Di naman po ba makakasama sa baby yon?
- 2023-02-11Sino po nagtetake or nakapag take nito sainyo? Nireseta kasi sakin due to cough and colds medyo parang hinika din kasi ako first time hinika. Safe naman po diba? Grabe kasi yung ubo ko and plema. Currently 32w and 3d
- 2023-02-11Hi mga mommy, ok lang po bang dpa kumakain si baby ng 6months old? Kse parang anselan po ng tiyan nya minsan. Yung last time na pinatikim namin sya ng egg nag suka sya ng madami at nakakatakot po kaya nag stop akong patikim tikimin sya. Dko pa din po sya nakikitaan ng interest sa pag kain. Sa feb 18 pa balik namen sa pedia nya at mix feed naman po sya. Penge na din po tips para ma engganyo kumain si baby at recipe. Salamat ☺️
- 2023-02-11Hanggang ilang months pwede inumin ang ferrous with folic acid? Wala kasi nabanggit sakin ang midwife ko. Thank you sa sagot
- 2023-02-11Pwede po kaya ibyahe si baby sa bus may ubo kase sya.
2months and 10 days old na po sya nagaalangan kse ako sana may makasagot po bukas po kse namin balak umalis
- 2023-02-11Sobrang sakit po ng balakang ko. To the point na nahihirapan na akong tumayo at maglakad. Normal po ba to? Mag 2 months palang po akong buntis. Inuubo din kase ako. Kaninang umaga ko lang naramdam yung ganito. Pag ubo ko biglang sakit na ng balakang ko.
- 2023-02-116 months na baby ko at breastfeed po siya sa akin at hindi pa ako dinudugo mga mamshies. Nag sex po kami ng partner ko ngayon feb may posibelidad po ba na ma sundan ako ulit mga mams?
- 2023-02-11Pregnncy test
- 2023-02-11Hello momshies, ask ko lang po. Nakakasama po ba sa akin 12weeks preggy na ako, Meron kami kasama na my TB pero di naman ako lumalapit sa kanila. Yng house po kasi namin ehh pader lang Ang pagitan pero nasa iisang bahay lang kami. Ano po ba dapat ko gawin? Thank you po.
- 2023-02-11Can someone share your experience? mga first time mom na nanganak na? in a way na di kami matatakot? huhu how was it po mga mommy? ano po ginawa sa inyo right after? may tatahiin pa po ba? sana po may time kayo to share I’d really appreciate it po thankyou in advance, Godbless you all! ♥️
- 2023-02-11Sa mga Breast feed mom po jan pag po ba maasim asim napo ung gatas na lumalabas .Bawal napo ba un ipadede kay baby? Salmaat sa ssagot
- 2023-02-11Nakamedyas poba kayo palage?kahit matutulog. 36weeks napo ako
- 2023-02-11Mga mommy pwede ba ponstan sa breastfeeding dental problem. 😩😩
- 2023-02-11sobrang panget na panget ako sa sarili ko mga mii 😕 ayoko na nakikita ung sarili ko pakiramdam ko kahit anong ayos at bihis ko wala padin. 19 weeks preggy palang ako mahaba habang yamot pato 🙄
- 2023-02-113rd trimester
- 2023-02-11meron po ba ditong mga ftm na hindi masyadong nahirapan mag-labor at manganak? kwento mo naman🥺
- 2023-02-1119w 6d pregy. May nakaranas po ba ng ganitong pusod? Hindi ko po kinamot hindi ko rin nilinis kasi nababasa ko dito na masama linisan. Mejo makita po siya pero tolerable naman, then ngayon gabi ko lang po nakita na ganyan na pusod ko. Normal lang po kaya yung ganito?
- 2023-02-11Mga mi ask lang po may pag asa pa po kayang umikot si baby 36weeks pregnant napo ako and pano po kaya siya iikot gusto kopo sana normal delivery sy😌
- 2023-02-11Mga mii ask ko lang po normal lang poba na mag blood bleeding po ang buntis na katulad ko, na 9 weeks napo pregnant, oh dapat napo ba ako mag alala mga mi kase po nag bleeding po ako , payo naman po kung normal lang poba oh hindi, dahil narin siguro sa pagod po sa trabaho ko
- 2023-02-11Feb 7 ang ika 5 months ni baby
Feb 3 sya nag start mag mix s26 gold reco ng pedia
Since kahapon di pa ulet sya nag poop, bale ika 2nd day ngayon (pag mga 1 day lang hinahayaan ko pa). Medyo bothered lang kasi di ko makita color ng tae nya kasi last time sabi ng mama ko gray daw na may yellowish. Here are other notes:
- nadede naman ng ayos
- masigla naman
- may wiwi and utot
- naglulungad minsan pag sa formula
Until ilang araw need mag wait? Already planning to go sa pedia agad, nagpost lang din ako baka sakali may mga naka exp sa inyo mga madam.
Salamat!
- 2023-02-11Nkakapag open ba ng cervix ang pakikipagtalik kay mister? Thanks
- 2023-02-11Ano po kaya to? Bigla lang po sumulpot sa ilalim ng mata ng anak ko.
- 2023-02-11Wag nyo ko ijudge mga mommy. Ung bunso ko pinanganak ng 2020. Weeks before ang pandemic. Hindi ko nakumpleto ang bakuna nya. Nakabalik kami sa pedia 2 years old na sya at ngayon, 3 na sya. Di kami nakabalik sa pedia uli dahil 7000 ang per session nh bakuna nya. Andami pa namin kulang. Diko sya nabalik noon dahil kapos. Ngayon kinakabahan ako dahil sa mga nababasa ko sa polio. Meron syang iilang oral at shot pero di kp kumpleto. Ayoko ibalik sya sa center kung saan walang bayad dahil katakut takot na sermon ang ibbigay nila sakin. Nagka covid ako tatlong beses at walang trabaho kaya diko naituloy ang bakuna sa pedia. Natatakot ako. Balka kong ibalik sya sa pedia dahil nakahanap nako ng work. Ano ba ang oinaka late na edad para ipabakuna ang baby # # # #
- 2023-02-11Steady na po ako sa 1cm almost 5days na po.😔
- 2023-02-11Good evening mga mi, tanong ko lng ano gingwa nio pag super constipated kau?
Nahhirapan n kc ko, Pinilit ko kanina dumumi kaso ayaw tlaga nattakot naman ako umire ng bongga kc baka iba na maire ko eh. Salamat po
- 2023-02-11Hi first time mom po, tanong kolang kung ilang months ba bago ma approved ung maternity benifts?
- 2023-02-11Ang hirap pag sumabay sa pagbubuntis yung sitwasyon na yung partner mo comatose hindi ka pedeng umiyak ng sobra kasi kawawa si baby gusto mong masilayan yung partner mo kaso hindi pede kasi nga buntis ka..Lord alam ko po naririnig nyo ako please wag muna syang kunin samin ni baby
- 2023-02-11Hi mommies! Turning 6 mos na yung baby ko. Normal lang ba na sobrang bilis ng heartbeat niya?
- 2023-02-11Please help
- 2023-02-11Hi po mga mommies, sinu po didto nagkaroon nang yeast infection din ganito po yong gamot niyo po?
- 2023-02-11Iyak ng iyak pag inayawan.
- 2023-02-1118 weeks and 4 days po ako ngayon eh. Paano po ba ang bilang. Salamat po.
- 2023-02-11Any tips naman po. Ano po kaya pwedeng gawin para hindi nakakatulog si baby ng alanganing oras. Halimbawa 10pm nakatulog pa tas magigising tapos 1-2pm nanaman makakatulog. 5months old na baby ko. Maiimprove papo kaya to or mababago pa?
- 2023-02-11Sana may makapansin #formulamilk #poponibaby
- 2023-02-11Im 34 weeks preggy. Hirap na ako makatulog dahil di ko na alam pano pa pwesto. Kapag sa kanan ako, hindi ako makahinga. Kapag sa kaliwa, naiihi lagi. Penge naman pong tips pano nyo nairaos yung gantong stage. Thank youu#firsttimemom #pleasehelp #firstbaby #FTM #firstmom
- 2023-02-11Same case?
- 2023-02-11Hello po is there someone na nagtest ng ganito after D&C para malaman if anong cause at bakit nakunan di kasi naexplain saakin ng OB ko baka meron po dito na makahelp . Thank you
- 2023-02-11#FTM may naging same case din po ba saken na nakayanan inormal delivery kahit malaki po ang baby? Nailimit ko na po yung rice, sugar and salty foods.
- 2023-02-11Hello.my momsh I am 4months preggy nahulog Ako sa motor at na una Yung pwet ko sa una masakit pero unti unting nawawala wla Naman Po bang masama na mangyayari sa baby ko just asking lng Po kasi umiiyak na Po Ako Hindi ko Po alam Ang gagawin ko.
- 2023-02-11mga mhie ok lng ba magpadede p sa 1yr old kong baby 4months n ko buntis
- 2023-02-11Hi mga mhie, nasakit yung puson ko pakiramdam ko may mens ako at nag ccramps siya... nasiksik yata c baby. Di pa naman siguro ako manganganak ano po? 2nd flr po bahay namin so akyat panaog ako. Nag lalakad naman po ako pero di yung todo kasi baka matagtag agad ako.
- 2023-02-117 months pregnant
- 2023-02-11Tanong ko Lang po ok Lang po ba na Hindi ako masyado kumain ng gulay ayoko na Kasi nun eh sinusuka ko Lang, pero 1-2 mos nakakain pa ako ngayon 3 mos na po ako Hindi na talaga may effect ba Kay baby yun ty!
- 2023-02-11#First_Baby
- 2023-02-11Hello mga Mie, magtatanong ako sa mga may Ideya so Last January nagresigned ako sa work ko then ang edd ko si March 2023 bale ang question ko kailangan ko ba maghulog pa sa philhealth since naka 1 yr naman ako na contribution which is last year and kailangan ko ba na mag pa change from employed to voluntary para magamit yung philhealth ko? Salamat po sa mga sasagot!
- 2023-02-11Hi mga mommies, ask ko lang po sana if ilang pakete ng milk ang nauubos ni baby nyo sa isang buwan? At ano po ang milk na gamit nyo?
- 2023-02-11Pwede bang painumin ang 2 months old baby?anong mabisang vitamins ang pwede sa kanya?
- 2023-02-11Hi mga mommy,ask ko lang if sage ba mag insert ng evening primerose kahit di sinabi ni OB?? Na wworry po kasi ako 3.5kg na si baby pero hanggang ngayon wala pa din akong sign ng labor. Base sa ultrasound ko 39wks na ko pero anh sinusunod ni OB is LMP which is 37 weeks and 2 days na ko dun. Gusto ko na kasi sana makaraos at baka lumaki lalo si baby. SANA MAY SUMAGOT,NEED KO TALAGA ADVICE NIYO MGA MAMSH. Halos 1 week na ko nag ssquat,walking,baba akyat sa hagdan at kain ng pineapple pero wala pa din talaga di ko na alam gagawin ko.🥹 #EveningPrimroseOil #worried
- 2023-02-11Nakakadagdag timbang po sana
- 2023-02-11Hi mga mommies. I’m a first time mom and sobrang worried po ako sa baby ko kase everytime buhat namin si baby or pinapaburp lagi po niyang iniikot yung ulo niya at inuumpog. Pwedi po bang magcause ng internal bleeding sa brain niya yun? Thank you po sa mga sasagot
- 2023-02-11Tanong ko lng po kng cno nkaranas neto nag spotting po ako as in super light bleeding lng sya mejo nag cramps ako pero d nmn po gaanong masakit. My expected period po is Feb 10 my last mens is Jan 14 base on my tracking Tas Feb 11 ngkaroon ako ng light bleeding.. ttc po kmi ng asawa ko. Or kahit lagay pa po na sa 14 pa ako mgkakaroon. Sana my mkasagot po. Salamat ☺️
- 2023-02-11Gusto ko lang sana ishare first time mom here and currently I am staying sa bahay nang family nang husband ko why do I feel suffocated kapag nandito kame ni baby di ako komportable lalo na’t tinatabihan kame ni baby matulog sa kwarto parang wala na kameng privacy normal lng po bh makafeel nang ganito ? Huhuhu feel ko madedepress na ako gusto ko na talaga kasing bumukod at malapit lng sana sa workplace nang husband ko para naman mafeel namin na family kame . Paano kaya iaapproach biyenan ko na kung pwede hayaan lng nila ako. And gusto na naking bumukod ? Please I need an advice though mabait naman sila sa akin sadyang may mga instances kasi na kung may gusto silang sabihin sa akin dinadaan nila sa baby ko parang parinig bakit di nalang kasi idirect sa akin and ako naman nahihiyang sumagot hay naku
- 2023-02-11Sino po dito ang nakapagpa-vaccine ng Hepatitis B during pregnancy. Ano po naramdaman nyo after? ako kasi parang nahihirapan huminga.
- 2023-02-11How to tell my mother in law na hinaan lang ang pagduyan kay baby para di maalog ang utak jusko
- 2023-02-11Ano po kaya pede kong gawin para mawala un amoy ni duday ko? Dati naman ala po ako amoy peo baket after cguro ng pang 4 nameng ank ei namaho n xa. Di na kami makpag 69 ni hubby kc nasabi nya nga na ganon. May kinalaman kaya un active s@x life namen ni hubby? Pls help kc ayoko maghanap xa ng iba na sisisirin nya
- 2023-02-11Light pink spotting
- 2023-02-11Ano po kaya pwede gawin or I download na apps para maging 3MB LNG yung image?
Arte na kse ayaw tanggapin pag more or less 3MB 😭 stress Dati over the counter LNG xerox ngaun picture lng my maximum pa 😔
Thank you po sasagot.
- 2023-02-11hi po ask ko lang po if saan ba dapat susundin ko, yung LMP or AOG ksi po ang LMP ko is 29 weeks and 3 days and ang AOG ko is 31 weeks and 2 days please po pasagot first time mom here#first time mom
- 2023-02-11#coming5months
- 2023-02-11May alam po kayo location Navotas area or Manila area lang po para sa CAS ultrasoud.ung maganda po sana THANKS!
- 2023-02-11Mga mii ..sino po nakaexperience dito gaya ng akin.. Breastfeeding po ako, gusto ko po pure bf po ako.. It was my first time na mag breast feeding ..kaso.. failed po yata ako. may kuntis inis .. At sisi sa sarili ko .. Feeling ko failed akong INA .. Lalo na pinuproblema ko kung panu mag boost yung milk na pinuproduce ko Mga mii, sinusunod ko nman Mga bilin ng ate ko, laging umiinum ng water palagi, dapat masabaw ang Mga ulam, mag mimilo din po ako .. Palagi .. Nagtry na din pi ako maligamgam na tubig na ikalog sa breast ko... Nag try na din po ako gumamit ng Mother Nature para mag boost yung milk ko. Kaso feeling ko .. Parang wala pa din pong pagbabago ..stress na stress na po ako ..lalo na minsan ..umiiyak baby ko kuLang po niya milk ko.. Subrang takaw po siya.. Ayuko nman po mag mix lalo na ..gusto ko pure bf po sana ako at mahal magpa formula .. Dahil naranasan ko na sa first baby ko, formula po siya. Kaso naiinis tlga ako sa sarili ko ndi ko maibigay yung saganang gatas sa pngalawa Kong anak .. Nakakaiingit .. Sa Mga nanay na bless sa breast milk nila .. 🥺🥺🥺 any advice po .. stress na stress na ko sa sarili ko ..
Naawa ako sa baby ko na laging umiiyak dahil kulang pa yung nadedede niya sa akin .. Dahil ang tagal bago ulit makargahan yung breast ko pag katapos niya madede .. Yun ang lagi niyang iniiyakan ..
- 2023-02-11Hello mga mamsh ask konlang if ano pwedeng gawin o kainin para lumakas ang labas ng gatas. Bf po kasi ako and pa konti kongi lang yung lumalabas ngayon di katulad nung una sobrang dami. Pa help naman po. Salamat po sa sagot.
- 2023-02-11Normal lang po ba ito parang butas sa taas hindi nman sya masakit paano po kaya ito magsasara first time cs salamat po sa sasagot
- 2023-02-111 month old na po si baby nung January 9. Unilove rice baby bath po gamit nyang bath wash pero nagddry na skin nya ngayon. Nakakaworry lang po, ano po kaya pwedeng isabon nya? Parang flaky din yung sa bandang eyebrows nya, may mga puti puti..
Ok po kaya cetaphil, lactacyd? Or ano po ba?
- 2023-02-115 days delayed positive in serum prevnancy test but negative in urine. Di pa ako nakapagpacheck up. Possible po ba na may same case saakin? #pleasehelp #advicepls
- 2023-02-11hello po mga mommies..1st time mom hir.. 6.6 weeks na po akong preggy but sabi sa TransV ko yolk sac pa lang and wala pang baby..sobra po akong ngwoworry and nalulungkot kasi to consider na anembryonic pregnancy daw but binigyan pa ko ng OB ng 2 weeks to wait bka meron pa mgdevelop..my mga cases din po ba na ganun tlga? Me and my husband is really praying and hoping for the baby.. positive parin kami.. pashare nman po ng stories nio..Salamat po
- 2023-02-11Normal po ba madalas humilab ung tyan ko pero di naman ako nakakadumi. Madalas tagal ko po sa cr pero walang lumalabas.
#26week1day
- 2023-02-111yr. kaming walang sex ni mister after ko manganak tpos nung nagsex kami...wala akong gana.parang ayoko na ng sex forever.iniisip ko baka stress ako kasi mahirap alagaan baby ko tpos nagwowork pa ko.ganun din ba kau mga mommies?
- 2023-02-11Lmp ko po jan 16. Lumabas sya within 2mins
- 2023-02-11Anu po kaya pwedeng Gawin sa baby ko nahihirapan po syang dumumi pero utot sya ng utot. Halos umiyak sya na umire na tumae .Mix feeding po sya.
- 2023-02-11Hello. May epekto po ba sa baby yung paglaging bahing? may sinusitis po kasi ako. 😌 sobra ung pagbabahin ko, sunud sunod.
- 2023-02-11Ano po mairerekomenda nyong gatas para sa first time mom. First trime
- 2023-02-11Ilan weeks po bago nakita fetal doppler ang heartbeat ni baby? 12weeks and 4 days kasi ako tapos hindi pa daw kita
- 2023-02-11Bawal po ba ang kojic soap sa buntis? Ano pong marerecommend nyong soap para sa tulad kong acne-prone skin? At pwedeng sunblock po. Salamat sa sasagot.
- 2023-02-11I'm 30weeks, nakita ni ob na marami akong tubig (panubigan) hndi nasa normal ang dami ng panubigan ko.
Possible pa kayang mag balik sa normal ang dami ng panubigan ko? Bali umiiwas ako sa sweets, nag hehealthy diet ako at baka dahil sa sugar ko lang kaya dumami tubig ko. Before na kaseng tumaas sugar ko. Possible pa kayang mabawasan etong panubigan ko? Sino same case ko dito mga mommies.
- 2023-02-11Hello po ask lang po. Delay po ako dec 25 po ang last mens ko po dapat po January 25 dapat reglahin na po ako akala ko rereglahin na po ako sumakit po ung puson tas dede tas sumasakit po ulo kon,, nat pt po ako positive po 7 positive po ? Buntis po ba ako? Salamat po sa sagot nag pa check up ako sa paanakan sabi 11 weeks na daaw po tas nag patingin po ako kung my heart beat sabi nung doctor may naririnig daw siya pero di nia alam kung si baby daw po un
- 2023-02-11Hello mga mommies Pina take ako ni oby Ng duvadilan 3x a day. Kaso minsan 2x a day Lang ako nakakainom Kasi nakakalimutan ko. Wala po bang side effect Yun Kay baby? Nag wo-worry po Kasi ako. Around 4months ako Pina take ni oby Ng duvadilan Kasi may UTI ako.
- 2023-02-11Mga mommies, pwedeng mag ask? I'm a first time mom.
Pregnant pa po ako, may effect ba kay baby sa tyan kung hndi nakakabilad si mommies sa umaga? Nakakabilad naman ako before, kaso ngyon hndi na late na kase nalabas araw. 8am na minsan 🥲
Possible ba mag ka pneumonia pag labas ni baby?
- 2023-02-11Ask lang po mga mommies.
- 2023-02-11Hello po mga mommy. Hihingi lng po sana aq ng payo May 5 yrs old po aqng anak. Ang problema q po sa tuwing kakain po kami nahihirapan po aqng pakainin xa.ano po kya Ang pwd qng gawin?kakain nmn xa pero kukunti
- 2023-02-11Nagtatake po ako ng pills last day ko ng period nung feb 3 tas ngaun feb 12 meron nman po