Sơ đồ trang Bé Yêu - Các bài viết của năm Tháng 12 2023
- วันหัวข้อ
- 2023-12-11Tanong lang po 4months na tiyan ko pero wala pa akong nararamdaman na pag galaw at hindi rin lumalaki tummy ko ganon din poba sa inyo 16weeks and 5days nako
- 2023-12-11May same po ba sa baby ko dito na pag may sakit at madaming iniinom na gamot nanginginig ang isang paa nya. Need hawakan para tumigil sa pagnginig after naman mahawakan nawawala pero hanggat hindi nawawala sakit nya kagaya ng ubo't sipon pero wla naman lagnat hindi nawawala yung pagnginig ng paa nya . Baka may same case po kami dito ano po kaya ibig sabhin nito .
- 2023-12-11#worriedakoparasababyko
- 2023-12-11Good Day po mga Mommies!
Ako lang po ba or kayo rin na nahihirapan mag-poop? Kasi po hindi kasi ako maka-poop though sumasakit po ang tiyan ko at gusto na po ilabas ang dumi kaso 'di naman po pwede kasi may force po na mangyayari. Ano po kaya ang pwede inumin para lumambot po ang dumi na pwede rin po sa buntis?
Thank you po!
- 2023-12-11First time mom po??
- 2023-12-11Pupunta po kasi kami ng bicol
- 2023-12-11Hello momshies, Im 32weeks pregrant po, and base sa ultrasound ko po, breech daw baby ko. Possible pa ba na iikot to cephalic position si baby? Thanks po sa makasagot?
- 2023-12-11Ano po gagawin ko kase may sipon si baby na kulay white lang po na watery ang texture. need na po ba ng check up?
#firstTime_momhere
- 2023-12-11Dear Dad: Please take more pictures.
Madalas, nanay ang kumukuha ng pics ng tatay at anak--capturing all memories that her child can one day look at. One problem is wala masyadong picture si Mommy :(
- 2023-12-11need ko pa po ba magsabi sa philhealth office na gagmitin ko sa panganganak? may need pa ba ako na ipasa sa office nila or sbhn sknla na manganganak nko and ggamitin ko philhealth ko?
- 2023-12-11Baby boy,02/03/2023
- 2023-12-11Common ang insomnia sa buntis pero ang kasanayan sa pagpupuyat ay may epekto sa baby. Here are 10 tips for healthy sleep during pregnancy: https://ph.theasianparent.com/bawal-ba-magpuyat-ang-buntis
- 2023-12-11Kabuwanan kona 37&6days 2cm
- 2023-12-11Mga momsh, normal lang po ba yung sobrang pag lungad ni baby sa gatas nya, bonna po 3mos si baby, after nya po kasi dumede nilalabas nya lng po lahat ng nadede nya, nag aalala na po ako, hindi po ba sya hiyang sa milk nya pag ganun? Any advice naman po anu gagawin, basahin ko po lahat ng advices and suggestion nyo po. first time mom here!
Thank you☺️
- 2023-12-11Nahihirapan KC aq dumumi tapos mabigat sa tyan akalaq mabigat na c bby constipated pala aq kindly help PO thanks
- 2023-12-11Kapag poba nag pt ka and nag positive sya pero malabo yung isang line and nag pt ka ulit next day pero negative na lumabas ano po ibig sabihin non?
- 2023-12-11Hello po ask ko lang po sana kung anong pwedeng pampautot sa cs mom na gaya ko puro tubig lang po kasi naiinom ko, kahapon pa po ako ni cs.
Pahelp po
- 2023-12-11Tanong lang po
- 2023-12-11Mga mi sino po dto nag tatake na ng primrose kmsta epekto sa inyo? Nag bukas ba agad cervix nyo? Btw im 38 weeks and 4 dys na
- 2023-12-11Faint line
- 2023-12-11Good sign daw ang pagkakaroon ng "dad bod"?
STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa
READ: https://ph.theasianparent.com/lalaking-may-dad-bod-mas-mabuting-tatay
- 2023-12-11❤️ Both are great decisions! Pero ano ang pipiliin mo?🤔
- 2023-12-11Any guesses?
#gender19weeks
- 2023-12-11"My baby was breastfed by someone else at hospital. After ko manganak, kinuha nila ulit yung baby ko from me sa kwarto namin sa ospital at ang sabi lang nila ay mag-ru-run lang ng tests o screening sa kanya. Hindi ko namalayan na hindi na nila agad na binalik sa akin si baby. Pinasuso siya sa ibang nanay bago siya ibinalik sa akin.
Naiinis ako! Naiiyak ako! Until now hindi pa din ako maka move on!
Tinawagan ko ang ospital and I demanded na malaman kung bakit hindi documented ang incident na ito. And until today, wala pa akong naririnig from them.
Nag-consult na din ako sa lawyers, hindi rin nila ako matulungan at para bang ayaw din akong tulungan.
Mga mommies and daddies, valid naman ang nararamdaman ko po 'di ba? Hindi ba dapat ipaalam muna nila sa atin bago gawin ang mga ganun bagay?"
Parents, anong ma-a-advice niyo sa kwento ni Mommy?
Read more: https://ph.theasianparent.com/breastfed-by-someone-else
- 2023-12-11Is this normal, poop ng 10months old na baby ko. Sabi ng byenan ko nagngingipin padaw kasi kaya ganyan. Im worried napo. Nagtatae napo sya and puro may ganyan #FistTimeMom
- 2023-12-11ano po gagawin kapag sobrang sakit ng balakang kaka cs ko lang po after 4months, normal pa po ba yung naiiyak na sa sobrang sakit 😓
- 2023-12-11Tapos madalas din po hindi ko nasusunod sa oras ang inom ng pills ko .
- 2023-12-11Hi mga mii ask lang po kung tuloy tuloy lang po ba ang pag inom ng prenatal vitamins po? I'm 32 weeks na po.
- 2023-12-11Mga mami bukod sa skin fighter calmoseptine at after bites ng tiny buds anu pa pampawala ng mga kagat ng lamok nagamitan ko na ng mga yab kaso di nya hiyang di maalis alis eh salamat po
- 2023-12-11baby poop #
- 2023-12-11wat if maghiwalay kmi ng lip ko, tas kukunin daw nya anak nmin, db ndi pde un?sa mother tlga sya mapupunta db?kaso pipilitin daw nya kunin, ano gagawin ko?😢
#babycustody
- 2023-12-11Pa help naman po masakit po at naiyak po sya ano pong pwedeng gawin 3 yrs old po anak ko nasubsub po kasi sya at naputol ang ngipin nya hindi naman po totally dumugo masakit lang po talaga ayaw po nya dumede at kumain
- 2023-12-11Going 6 months pa Lang baby ko pero 2 months pregnant na Naman ako .. ngayon palang nafefeel ko na pagkaawa ko sa naka ko 😢😢 ayaw ko sya itigil Ng breastfeeding sakin .. naawa ako sa kanya Lalo at di sya marunong sa feeding bottle di sya nakatikim Ng kahit anong formula pure Lang sya talaga sakin 😢
- 2023-12-11#firstimemom
- 2023-12-11mga mommies normal po ba sa baby na tae ng tae pag first time mag solid foods..?dumudumi po kasi pag nalalamnan tiyan..6months old po baby ko
- 2023-12-11Hello po, Good day! mga momshie im ftm po any tips po para mag open cervix na ako, im currently now 37 weeks and 3 days no sign pa din medyo worry na ako and at the same time gusto ko na din makaraos cause hirap na hirap na din ako... Any advice po para mapaopen cervix na ako and to start labor na po... #FTM
#37weeks #advicebuntis
- 2023-12-11👫Sabi nila ang iyong marriage o ang iyong relasyon sa asawa ay ang pundasyon ng iyong pamilya at kasama doon ang iyong anak. Kahit daw hiwalay ay importanteng nakikita ng mga bata ang maayos na pakikitungo ng kanilang magulang sa isa't isa dahil may epekto ito sa kanilang long-term character development.
AGREE ba kayo dito o DISGREE? Please share us your thoughts. ALL opinions are welcome and valued AND VALID 💗👍
- 2023-12-11Bakit kaya nasusuka si baby pag hinihiga na sa higaan ? Napaburp nman po sya.. lagi syang nasusuka pero wla nman nasusuka.. minsannfeelnko may naisuka sya kunti pero nilulon nia pabalik .. ok lng po ba yon? May mga ganyan din ba nangyari sa baby nyo? Tia#firsttimemom #pleasehelp #firstmom #FTM #advicepls
- 2023-12-11Ako lang ba yung nag kicrave ng kung ano ano tapos kapag nasa harap ko na yung food ,nasusuka or naduduwal . Or kahit sobrang gutom hindi padin makakain ng maayos kasi ilang subo palang naduduwal nanaman. Sobrang lala ng food aversion. Nag woworry ako kasi sobrang unti ng kinakain ko.
Nagiguilty ako kasi minsan nirerequest ko pa sa hobby ko yung ulam na gusto ko tas pag luto na. Biglang ayoko ng kumain. Tinanong niya pa ako " Dimo ba nagustohan ?" Awww 😔
Almost 10 weeks pregnant.
- 2023-12-11red/brown spotting
- 2023-12-11ask lang po 11 weeks ad 2 days preggy na ako tapos may nararamdaman akong pitik or parang pintig sa kanang puson ko normal lang po ba yun. thank you pa sa sasagot
- 2023-12-11Comment mo na yan. Malay mo....biglang may magpa-premyo!
- 2023-12-117weeks nakita sa ultrasound, dec.11 follow up namin ngayon kaya lang no clinic kasi nagpapa anak daw po yung OB ko cs. hindi pa namin napakita kay OB ano po dpat gagawin pag may ganyan? pls po ans. my question
#pregnant
- 2023-12-11#firsttimemom Im in my early pregnancy right now and Ibwould like to ask when is the best time to do ultrasound, to check if the baby have heartbeat
- 2023-12-11Sign of labor na po ba ang every 5 minutes na pagsakit ng tiyan at balakang pati ung discharge ko may dugo na kasama
- 2023-12-1137weeks and 3 days na today pero bat late po sa ultrasound ...
- 2023-12-112 weeks pp, Kailan po pweding magpagupit/hair treatment, manicure/pedicure, footspa, facial, shave after manganak?
Btw, Cs po ako
- 2023-12-11Mga mii 2 months na si baby ko nung december 8.
Sobra po niyang iyakin. Ano po pwede kong gawin para mabawasan pagiging iyakin niya.
Ultimo pag gising ng umaga 7 am iiyak. Pag papadedehin ko po lagi naman hinihila yung dede ko.breastfeed po ako.
Tapos pag dating po ng hapon hirap na niya patulugin puro iyak na lang siya. Pati ako umiiyak na dahil sa sobrang pagod. Tapos puyat pa. Lagi na lang sayaw tapos iyak.
Ano po pwedeng gawin mga mii.
- 2023-12-116 weeks and 2 days pregnant with decidualiazed gestational sac with yolk sac and fetal pole but no heart beat is it normal?
1st time ko po kasi and im worried na din..
thank u.
- 2023-12-11hi mga mommies , ano kaya magandang pills ang hnd masyado mag gagain ng weight ? im 22 weeks pregnant pa lng naman pero gusto ko maging ready baka kase lumobo nanaman ako ng sobra like my first pregnancy . Any suggestions please (please respect my post, alam ko po iba iba ang effect sa bawat isa)
- 2023-12-11comstipated
- 2023-12-11Nangangamba na po ako. After kung umihi lage nalang akong may spotting. Minsan naman wala. Sino po rito nakakaranas ng ganito?
Btw, check up ko po tomorrow 🥲
- 2023-12-11Hello po mga mommies, need po ba ng fasting pag magpapakuha ng cbc at urinalysis? Thank you po sa sasagot. Ilang oras po kaya?
- 2023-12-11Anong home remedy nyong gamot for preggy?
- 2023-12-11Mga mamiii im currently on 37weeks and 2days. Nakakaramdam din ba kayo ng sobrang pag sakit ng pwerta nyo na parang may something sa muscle ng singit nyo? Cause ng di kayo makalakad ng maayos at hirap sa pag tayo? 🫣🫣🫣🫣
- 2023-12-11Mineral water
- 2023-12-11Hi mga mommy ask ko lang po after ng delivery cs nyo Kelan kayo bumalik sa ob for check up sa tahi nyo?
- 2023-12-11Hi mga mommies,ilang mos lo nyo natuto gumapang?Salamat sa sasagot.☺
- 2023-12-11Hi mga mii ask lang po kung okay lang po ba pagsabaysabayin yung test na gagawin sa loob ng isang araw? Yung test po nagagawin is ogtt, bps, urine at blood test po.
Respect post.
- 2023-12-11Ano po kaya ito? Parehong arms ni baby meron. Neto lang sila naglabasan. Pinahiran ko ng hydrocortisone nawala kaso bumabalik. Pag morning super pula nila pero pag hapon na di mo na halos mahalata, kumakalma sila. Ano po kaya yan? Parang di naman sya makati kase di naman irate si baby.
- 2023-12-11May Alam po ba kaung nag normal naman ...manganak na may bukol po sa leeg
- 2023-12-11Normal lng ba to mga mii dry skin si lo pag labas niya. Mula ulo hanggang paa boung katawan niya.
- 2023-12-11hello po magtatanong dana ako sana po may sumagot dito🙂
- 2023-12-11Nadedetect na po ba ang gender at 20 weeks ty po
- 2023-12-11Ano pwedeng gawin pag masakit ung nipple o gamot or any cream na pede ilagay. May ngipen na baby ko kasi, may sugat na din ung isang nipple ko. Super sakit pag dumede sya. 🙏🥹
- 2023-12-11Hi momshies, I haven't had my 1st ultrasound yet. I had my 1st check up last 11/20 then nischedule ako ni OB ng ultrasound sa 12/18 pa. nakakapraning pala. so the only pregnancy symptoms I have during the check up are breast tenderness/sore breast and slight cramps. nawala agad si cramps the following week. ung breast ko super sakit for ilang weeks but since last week yata di na sya gaanong kasakit. now parang wala na. NORMAL PO BA UN? 😥
I took PT last 11/27 2 strong lines pa naman. iniisip ko tuloy magPT ulit this week. Mejo sensitive rin pala ako sa mga amoy pero di ko madistinguish kung sa preggy ba to or talagang mabaho lang minsan 😅 thanks for your insights
#firsttimemom
- 2023-12-111 week after giving birth nag-alis na ko ng napkin, nagstop/light spotting nalang po if mag wiwi.
Pero may lumalabas pa rin hanggang ngayon minsan naglalagyan yung panty ng konte, pero mas meron pag magwawipe ako after wiwi. Then wala man sa panty next visit ko sa cr.
Dark red minsan brown color po.
Normal lang po ba? Hanggang kailan po bleeding after giving birth? CS po ako.
Panty liner lang po gamit ko now since di naman heavy flow.
Additional info: formula fed po baby ko, pinapump ko lang milk ko then throw since di po ako pinayagan ipadede kay baby kase umiinom ako ng med for high blood, nagspike ako bp after giving birth.
- 2023-12-11Hi po ask ko lang po kung hm scoop sa s26 for 2oz or 2.5oz? 1 month na po LO ko. Thankyou po
- 2023-12-11When is the best time to take it po? Medyo lutang po kasi ako nung kausap ko OB ko kanina 😫😅 #nausecare #severevomit #severenausea
- 2023-12-11Ano po kaya reason bakit po ako madalas mahilo :( nag woworied na po ako kaso wala pa kase pampa check up :(
- 2023-12-11Hi mga mi. Ano po kaya reason kung bakit matubig po dumi ni baby?
- 2023-12-11Hello mga mi ask ko lang kung kailan pwede magkaroon ng mens. Pagtapos manganak?
- 2023-12-11Kanina po kasi nag tatae ako at dko na po alam gagawin ko at sakto po aalis po kame kaya po napagpasyahan ko pong uminom ng gamot na diatabs. So far sa mag tatatlong buwan ko po na pag bubuntis wala naman po akong ibang ininom na gamot ferrous lang po at etong isang diatabs. Nag woworry lang ako mi baka kase may effect kay baby. 1st time mom ko kasi #1sttime_momhere #1stbaby #3months
- 2023-12-11Kanina lang po itong umaga at feeling ko nagtatae si baby (10months) at nilalagnat den
Dadalhin ko ba sa pedia nya o dederetsyo na kmi sa ER wala kasi kming pera ngayon kaya di ko alam gagawin ko
- 2023-12-11hello pooo, 1week pa lang po baby ko ano pong gamot or pwedeng gawin bahing po kasi siya nang bahing. sana matulungan huhu
- 2023-12-11Mga mi, baka may need sa inyo ng Iberet Folic, meron pa kong 60pcs, im no longer taking na since nanganak na ko, dami din kasi binili ng mister ko.. im selling it only for 1200 take all po. Salamat
Cavite location
- 2023-12-11Nangyayari po ba talagang lumampas Ng due date bago lumabas si baby? Worried na po kasi ako. .
#firsttimemom
- 2023-12-11Gamot sa ubo para sa breastfeeding
- 2023-12-11Hi mommies ask lang po mababa napo ba tiyan ko?
- 2023-12-11# firstime mom
- 2023-12-12Hello mga mommies! Naiiyak ako, at sising sisi. Hindi ko mapigilan na hindi masigawan ang aking anak na 1 year old pa lamang. Sobrang mali ng aking ginagawa. Hindi ko ma-control. Lalo na kapag drained na talaga ako, pagod, at antok na antok na. 😭Napakawalang kwenta kong magulang. Iniisip ko ginagawa ko sa anak ko, bakit nagagawa ko yun? 😭
- 2023-12-1237weeks na kasi ako today and advice sakin ni OB pag wala pang labor pain or any sign ng labor ma CS na ko within this week. Kelangan ba tlga within 37weeks manganak na?
- 2023-12-12Hi mga mom ligate cs po ako so Kelan dapat pwde makipag do kay hubby
- 2023-12-12Hello mga momshie ano Po pwede igamot sa an an Yung baby ko Kasi nagkaroon Ng an an sa likod nya. Cno Po ba may case Ng baby na nagkaroon Po Ng ganun ano Po ginamot nyo ???
- 2023-12-12Kasi nong Nov. 27-29 neregla po ako pero de msyadong malakas slight lng po sya. tas nong dec. 1-2 nag spotting ako. At nong dec. 6 nag pt na ako at yan yung lumabas dalawang line pero malabo yung isa. Ano po sa tingin nyo? Pls comment, first time ko po ito. thanks☺️
- 2023-12-126 weeks and 2days here, dumami kasi yung bleeding po.. nawawalan na po ako ng pag asa na baka ma miscarriage po ako kasi sa ultrasound result ko po no heartbeat c baby pero may gestational sac with yolk sac and fetal pole... then meron pa pong subchorionic hemorrhage..any advise po..😢
- 2023-12-12Is it safe to use vicks for pregnant?
- 2023-12-12Ilang Araw Bago mo makita Ang sintumas
- 2023-12-12Di ka pa din tapos sa Christmas Shopping?? ETO NA ANG ARAW FOR YOU!
- 2023-12-12#FirstTime
- 2023-12-12Hi mga mi ask lang po kung anong klaseng test ang ft3,ft4, at tsh? At bakit po siya ni rerequired ng ob na gawin? kinakabahan po ako first time mom po. Sana may makasagot.
- 2023-12-12Normal lang po ba ganitong discharge after manganak? 2 days old po si baby. Tinurukan din po ako ng injectable pills and breastfeeding po ako.
- 2023-12-12Hello mga mommy sino na po nakaexperience na nakabalagbag ang baby sa tyan nio? Ano po ginawa nio para umayos ang position ni baby.
Salamat po sa sasagot
- 2023-12-12Busy na busy tayo lately mga Mommies, stressed pa mga minsan. Pero ito rin ang season na madaming kaganapan like reunions and gatherings. Hayyy paano nga ba manatiling fresh at glowing this Christmas? TIPS and ADVICE please! :) Thank you!
- 2023-12-12Lapag niyo naman recommendations ninyo sa baba. Yung affordable din sana, budget ko is between P500-1,500 para kay baby.
- 2023-12-12Baby ko po Bago palang Kumain cerelac na rice and soya flavor,, first kain niya ok nmn naubos ung cerelac bulimi kami ulit veggies flavor nmn ayaw na niya Kumain sinisirado n niya bibig niya bumili kami ulit Ng banana flavor Ganon pa din at binalik ko nmn ung rice and soya flavor ayaw na niya kumain non,,sino same case Ng anak ko ano ginawa nyo or tiknik,plz help
- 2023-12-12#pasagotposalamat
- 2023-12-12Hi mga mommy normal lang po bang iyakin ang isang buntis at overthinker kase po narinig ko po kase yung asawa ko at ang kanyang papa na pinaguusapan ako na ang arte ko daw sa pagkain na kesyo daw yung mama ng asawa ko noon is hindi naman ganun na kesyo napakaarte ko daw na buntis ...sabi naman ng asawa ko sa kanyang papa na magkaiba daw abg nararanasan ng buntis..pero pinapapilit parin ng papa niya na ang arte arte kodaw maglihi at wala na nasabi yung asawako ..nasa isang bubong kase kami at lately kase sumisikip yung budget namin kase hindi naman nakikishare yung tita niya at papa niya pero andami naman nilang pera...parang pinamumukha nila po sakin na pabigat ako sa anak nila nasasaktan po ako at dko mapigilang umiyak...nassstress na po ako gusto ko na pong umuwi samin please po bigyan niyo po ako ng advice kung anong dapat kong gawin #dkonapoalam anggagawin.
- 2023-12-12Milk formula
- 2023-12-12Normal lang po ba sa newborn baby matulog ng nakanganga? Most of the time nakanganga si baby pero may times na close naman ang bibig. Sinasara ko rin yung mouth niya if nakita kong nakanganga. 21 days old na po si LO.
Thank you sa sasagot! 🫶🏼
- 2023-12-12I'm now at 33 weeks pero sabi ng ultrasound 37 weeks na ang laki ni baby.. na maintain nyo ba yung diet? Pinapag diet kasi ako ng OB ko.. magpapasko at new yr pa nmn. Madaming pagkain at sweets 😥
- 2023-12-12I have this 2 sister in law, both single, may magandang career pero ubod ng taas ang tingin sa mga sarili. My husband is bunso so kayang kaya nila pagsalitaan at pagalitan hanggang ngayon na may sariling family na. Masyadong taklesa ang bibig, puro unsolicited advice at nagmamagaling kahit sa loob ng bahay namin tuwing bumibisita sila. Stay at home wife lang ako pero okay naman career ng asawa ko. But ito talagang older sisters nya, walang respeto sa akin, babae din sila gaya ko at dadating ang panahon ang magiging nanay din sila pero pinaparamdam nilang excess baggage ako ng kapatid nila since wala akong ambag. Sobrang easy sa kanila magmagaling in front of my face sa pagiging nanay ko kahit sa loob ng pamamahay naming mag asawa. They're all church-people but sila ang mostly judger.
Meron akong respeto kaya pinipili ko wag pumatol sa kanila though sila ang bastos. While si husband, punong puno ng respeto sa pinanggalingan nyang pamilya kaya ako ang nagbe-beg sa kanya na ipaglaban nya ako even once. Super draining kaya I gave him zero sex for months dahil pagod na ako. Super affected na mental health ko sa position na meron ako ngayon. I came from broken family then I married him na galing sa family oriented so talo na ako, baka ako pa makasira sa samahan nila. Mamahalin ko na lang yung sarili at yung baby ko.
#firsttimemom #bantusharing #advicepls
- 2023-12-12Mula sa poll votes, comments, post likes at comment likes---LAHAT ng activities niyo dito sa app ay COUNTED! Kaya may prize ang mga TOP 3 USERS on a bi-weekly basis!
📱CONNECT MORE & WIN NEXT TIME! 🏆
PRIZES from Mama's Choice:
1) Mama's Choice Soothing Protective Sheet Mask
Reduce excess oil, prevent acne-causing bacteria, and give your skin the pampering it deserves with Mama’s Choice Soothing Protective Sheet Mask. Made of biodegradable sheets, this new skincare must-have for mamas is a great way to practice self-care without harming the environment!
Infused with carefully selected & specially formulated natural ingredients:
♻️ Tea Tree: Cleanses pores and controls excess oil production on the face
♻️ Cucumber: Rich in vitamins and prevents acne triggered by stress
2) Mama's Choice Natural Mouthwash
Mama’s Choice Natural Mouthwash not only keeps your teeth and mouth healthy but also alleviates symptoms of nausea and morning sickness.
✅ Provides long-lasting fresh breath
✅ Infused with mint flavor to help relieve symptoms of nausea and morning sickness
✅ A combination of natural ingredients used to prevent plaque-causing bacteria and soothe inflamed gums
✅ Alcohol-free and fluoride-free mouthwash formulated with natural ingredients such as chlorophyll, allantoin, and mint extract
✅ Gentle formula suitable for sensitive teeth and pregnant and nursing mothers
✅ Available in a travel-size bottle perfect for working mothers who are always on the go
- 2023-12-12Nakapag last minute shopping ka na ba Mama? 😱🎄
We got you dito sa Mama's Choice Shopee Live! Score super big savings when you shop this 12.12 sale!
Get LIVE EXCLUSIVE VOUCHERS AND EXCITING FREEBIES when you shop on Shopee Live! See you there Mama 💖
- 2023-12-12Hi po, normal lang po ba nasakit ang puson, nawawala sya pero pag nasakit po kasi nakakabahala, hindi pa ko makapag ultrasound dahil no budget pa kaya mas lalong nakakakaba po. Ok lang po ba yung ganon? Normal po ba yun?
Thank youuu.
FTM :(
- 2023-12-12normal lang ba na maggukatin ang baby kahut gising? 2 months na si baby #advicepls #pleasehelp
- 2023-12-12Normal ba lageng masakit ulo 13 weeks pregnant
- 2023-12-12Good day mga mommies, baka pwede po pashare naman ng pinapakain nyo sa mga babie nyo na 9 months old. Pwede pahingi po recipe 😁😘
Or
Kahit crackers what kind of crakers po, food cereals and yogurts. Etc. Please po. Pa comment na lang po, babasahin ko lahat. Salamat po ☺️
#foodforbaby
- 2023-12-12Hello po, ask ko lang po if ano po dapat gawin if yung impression sa utz ko is “subchronic hemorrhage” super worried po ako. 6w3d po ako preggy
- 2023-12-12🎄 Anong unang naturo mo kay Baby about CHRISTMAS?🎄🎄
- 2023-12-1214 weeks preggy po first time mom. Ask ko lang po kung normal lang po ba ang pagsakit ng ulo, pagkahilo and pagsuka po (kahit konti palang po nakakain, sinusuka na agad). Bukas pa po kasi available ob ko po, worried ako today kasi parang ang lala ng suka ko and sakit ng ulo ko.#pleasehelp #firstmom #advicepls
- 2023-12-12Any guesses po sa gender😬
- 2023-12-12🎄Which of these traditional Pinoy Christmas foods bring magic to your Noche Buena?
- 2023-12-12pasintabi po
mga mamsh normal lang po ba ang ganyang kulay ng poops 6 months na si baby naka Nan HA na sya 6to 12 months tapos nag start narin syang mag solid food, bigla pong nag ganyan poops nya
- 2023-12-12drinking dutchmill
- 2023-12-12Mayroong constant debate as to whether dapat ba alam ninyong mag-asawa kung sino sino ang mga naging exes ng isa't isa. How about you?
- 2023-12-12Hi, I am a first time mom. I am just worried po na may watery vaginal discharge po ako. I was experiencing this nung 1st trimester pa pero worried lang ako na at 23 weeks meron pa rin. Is it normal lang po ba to have watery discharge all throughout the pregnancy? Thanks
- 2023-12-12mga miii any tips para mas mabilis na gumaling yung tahi sa pwerta?🥲
- 2023-12-12Hello po 25 weeks na po ako pero yung weight daw po ni baby 2 weeks smaller po. 460grams lang siya . maliit daw sabi ni doc.. sino po nakaexperience ng ganito sa inyo? nagnormal lang din po ba weight ni na baby?
- 2023-12-12Hello po , ano po ba remedy sa reflux ni baby? 1 month old plng po si LO at napapansin ko madalas syang nag hicupps at parang nasasamid lage during feeding
- 2023-12-12Alam mo ba na hindi kailangan maging payat para magsuot ng lingerie & sexy underwear? Merong brands like Lily of the Valley that offer these to ALL shapes and sizes! See comments to AVAIL :)
- 2023-12-12Ok po ba ang walker sa baby? Si mil po kasi binilhan si baby ng walker. Di ko po kase binilhan si baby para sa playpen lang siya at matuto ng mag isa, aalalayan ko nalang siya maglakad…
- 2023-12-12"Bakit yung kaibigan ko, dalawa ang parents. Bakit tayo, ikaw lang?" - Baby
Ano ang best way to explain this. Please comment and let's help our fellow single parents in theAsianparent community.
- 2023-12-12Hello mamsh, FTM here ask ko lang po normal lang po ba ang pag kulo kulo ng tyan ni baby? Ano po bat kayang dahilan?
- 2023-12-12Ilang months po pwede marinig yung heartbeat ni baby?
- 2023-12-12Grabe ang ubo ko mga sis ano kayang pwedeng igamot dito🥲
- 2023-12-1223 days na po si baby pero di pa rin tanggal pusod nya, ayan po itsura huhu ano po ba dapat gawin? Lagi ko naman po nilalagyan 70% alcohol. Nakakastress na 😢
- 2023-12-12Ano po bang folic acid brand ang magandang inumin?
- 2023-12-12Hi mommies! Ask ko lng po if ung frequent na pagsakit na nang vag*na ko could be a sign of going into labor napo? Btw turning 35 weeks napo 🙂 sana masagot hehe
- 2023-12-12MGa mi, normal po ba na May days na mahina like spotting lang, meron din days wala at meron din po tulad ngayon medyo malakas may lumalabas na brownish na blood na malapot parang sipon pero hindi naman po nakakapuno talaga ng napkin. 4 weeks na po ako since na CS. On off po talaga ang bleeding ko. Salamat po sa mga sasagot.
- 2023-12-12Hello po !! Normal lng ba Yung palaging tumitigas tyan ko tps si baby sa loob laging malikot I think oras² ko nararamdaman paggalaw at pag tigas Ng tyan ko prang di natutulog baby ko 20weeks nko,, first timer p lng po sana my sumagot #firstbaby
- 2023-12-12Parang dito pa ata ako sa mga pamahiin nila na-stress kesa sa labor at panganganak. Iskimo pag ligo, pag suyod at pag gupit ng kuko ay bawal. Nag gigitata na sa dumi pero need pa rin sundin ang pamahiin HAHAHAH parang sa pamahiin pa ata ng matatanda ako mapapasabi ng " last ko na muna siguro ito. " parang pasan ko ang buong mundo sa amoy at dumi ko. 😂 #firstmom #FTM
- 2023-12-12#3monthspreggy
- 2023-12-12Hello po. July po ang EDD ko. Anong months po dapat ako makapag bayad sa sss para makakuha po ako ng maternity benefits? Nalilito po kasi ako kung ano yung qualifying period is nasa July, Aug and Sept ang EDD. Sana po masagot. Thank you in advance po #Maternity_benifits
- 2023-12-12Pano po magstop magbreastfeed ng hindi naninigas ang breast at sumasakit ng sobra. . #firsttimemom tia
- 2023-12-12mga mi normal lg poba yung pananakit ng balakang 24weeks plg po ako,ano po pwede ihaplas sa balakang at tyan?
- 2023-12-12Hello mommies! May chance pa po kaya umikot si baby? Suhi/breech pa din sya, 36w/3d na.. January 6 edd.
Kinakabahan ako baka po kasi ma cs. 😔😔
- 2023-12-12Efficascent extreme po
- 2023-12-12#First_time_mom
- 2023-12-12hello mga mommies! sa mga nakaranas na. nanganak po ako nung june 2023. tapus nagkaroon na po ako ng mens nung december 06. tapus nagtalik po kami ng asawa ko kagabi, pero wala po akong gamit na contraceptive. may posibilidad po ba na mabuntis?
- 2023-12-12Natural lang ba may tumitibok tibok sa tiyan ng buntis
- 2023-12-12Pwede pa ba magpa TVS kahit 17 weeks na ang tiyan?
- 2023-12-12Normal po ba na parang may lalabas at tumutusok sa pwerta. Sa December 18 pa po Kasi Ang balik ko sa OB, and advice ni doc baka i IE na ko non. Sign na po ba na pwede lumabas si baby neto anytime?
- 2023-12-12Sorry guys first time mom po ako so far ang nararamdaman ko madalas fatigue, backpain and nagseswell ang paa ko
- 2023-12-12Tanong pang po
- 2023-12-12thankyouuupo
- 2023-12-12Slamat po sa makasagot ❤️
- 2023-12-12matigas po tyan ko 5months pano po kaya gagawin naka bed rest naman po ako tatayo kapag kakain at yung mga minimal moves po pahelp naman po kung ano gagawin nawawala wala naman po kaso napaka uncomfy po kase at kapag matigas tyan di ko maramdaman si baby
- 2023-12-12Ito po ang mga vitamins na nireseta ng OB sakin
Ferrous Sulfate
Folic Acid
Calcium
Aspirin 80 mg
Mom’s choice multivitamins
Question ko po, yung Calcium kasi bawal ko daw isabay sa kahit na anong vitamins so tinitake ko sya tanghali lang ng walang kasabay.
Sa umaga at gabi po tig tatatlo, nagwoworry ako kasi baka maka harm naman ata ito sakin? Hindi po ba? Three sa umaga at sa gabi din po three capsules.
- 2023-12-12ano po ang dapat gawin kapag may sugat na sa lalamunan kakasuka. ang sakit at ang hapdi po. may kasama na rin dugo sa suka ko😭
- 2023-12-12Hi po sainyo kaka 2nd trimester ko palang po then due date ko po is june 6 2024, Yung placenta ko daw po is nakaharang sa mismong labasan ng baby, may chance pa po kayang umikot at maging normal delivery? at hindi po cs?...thankyou po sa makakasagot.
- 2023-12-12Sino dito ang pinagbawalan sa pag gagansilyo or pananahi dahil buntis? Totoo ba na kapag nagtatahi ka eh matatahi ka din daw pagka panganak? Any thoughts po?
- 2023-12-12Hi mga mommies, I just want to let or release this feelings ang bigat bigat na kase. Wala ako makausap then all my socmed accnt ay dineactivate ko kase lately na consious ako sa ibang magaganda na nakikita ko sa socmed. Then galing den ako sa break-up relationship na for 5yrs consecutive through ups and down. Wala naman akong nagawa mali siguro subsob lang sa work kase for our future naman namen yun para maka settle down at makabukod na talaga kami sa mga family sides namen. Kaya lang last oct nahuli ko sya may ibang babae ang worst pa dun minotel nya. Ang kinasasama pa ng loob ko akala ko tulungan kami na we agreed na kung anong work ang mahanap ko is okay sa kanya, per delulu lang pala ko sa part na yun. Kase mga mami di naman ako galing sa broken family para paranas ko sa nag iisa nameng anak na babae Shes already 4yrs old na. Siguro kaya ngayon nakakaranas ako ng depresyon at anxiety palaging mainit ulo ko laging nakasigaw, gusto kolang then maka move forward sa buhay kasama ng anak ko. Pero paano ko tatalikuran yung 5yrs na madami ng pinagsamahn at nalampasan na problema hindi ako makausad sa buhay. Lalo na may anak kami :( #advicepls #notonegative #depresion
- 2023-12-12#nag alala lang
- 2023-12-12Tinake ko po kc un, okay lng po b un?
- 2023-12-12Totoo po ba na bawal kumain ng malalansa ang may sugat, CS po ako. Thank you.
- 2023-12-12mag kano po pa ultrasound ? first time mom here
- 2023-12-12safe ba ang home delivery? paano at ano ang kailangan?
- 2023-12-12ask ko lang po kung pano po yung pain na nararamdaman ng paglilabor?
- 2023-12-12Normal pa ba sa 3 years old ang pagbababy talk? Kaya niya naman sabihin yung mama, car, red pero yung iba word like black, monster, blue yellow orange nanay tatay tita etc bulol bulol hindi niya masabi ng buo. May times din kung kelan niya lang gusto turuan siya dun lang siya sumusunod lalo pag tinuturuan siya ng "My name is ...." Ano ba dapat ko gawin
#firsttimemom #advicepls #pleasehelp #speech #speechdelay
- 2023-12-12Baka po may tips kayo kung paano mag pump nagtry po kasi ako kakaunti po nalabas pero ansakit po ng dede ko, ayaw po kasi dedehin tong kabila kaya po sobrang sakit nitry ko po ipump kaso kakaunti po nalabas.
Baka po may alam kayong pampalakas ng pag pump.
Thankyou po
- 2023-12-12help po ask ko lng ilang months po bago mawala yung hormones ng pagbubuntis?
- 2023-12-12first time mom po.
*anong tamang oras sa umaga pwede po inumin ang folic acid??
*pwede po ba uninom ng folic acid ng walang kain , o dapat po my kain ano po mas maganda??
- 2023-12-12Help nyo Ako mamshie ano best medicine to take almost 3days na nagpopoop si LO. She is already 2yrs old baka sa pag ngingipin lang to
- 2023-12-12Mga mii maglalabas lng ng sama ng loob yong anak ko Kasi na kaka2 months old Ngayon pinainum ng 1oz na tubig na may asukal ng MIL ko. Sino po nakaranas ng may side effects ng pag papainum ng tubig na Wala pang 6 months. Nakakabwesit lng Kasi napakapaki alamera nila Hindi naman Sila Doctor.
Naaburido Ako sa effect nong tubig na pinainum saknya. Nagagalit Ako na Hindi ko mailabas. Hinge sana Ako advice nyo kung tama ba yon or Mali. 😞😞😞#advicepls
- 2023-12-12about vitamins for newborn
- 2023-12-12Di ko na kase namamalayan dahil nakakatulog din ako kasabay nya, pero pag day time naman more on gising sya.
- 2023-12-12Enfamama o Anmum?
- 2023-12-12Any suggestion po kung ano magandang ipahid sa tyan? Sobrang kati po kasi, 26 months na po ko and ftm. Thank you!
- 2023-12-12Normal po ba or may connect sa pag sakit ng puson ng buntis ang sobrang stress ang matagal na pag iyak? After ko umiyak ng gabi ay laging nananakit ang baba ng aking puson.
- 2023-12-13Hello po, any tips or advice sa mga helpful ways para gumaling agad? Or what to do po to recover agad? Thank you!
- 2023-12-13Hello FTM here po. 3 weeks old na po si baby and napansin ko lang kgabi may yellowish na dumi sa may right ear. Kala ko baka tuyong gatas lang pag naglulungad so mej nilinis ko. Meron uli this morning. Ano po kaya ito? Di ko mashado matignan sa loob kung meron kasi malikot si baby and mag isa lang ako so not sure kung sa labas lang pero sa right ear lng meron.
Add ko na rin po. Ano gamit nyo sabon for baby? Cetaphil ginamit ko kso mukang di hiyang kasi dami niya rashes sa muka.
- 2023-12-13Nasa 14th week of pregnancy na po ako,pwede na ba kong gumamit ng doppler?
- 2023-12-13Pwede po ba uminum ng fish oil at collagen capsule ang buntis?
- 2023-12-13Kung gusto niyo rin manalo ng P3,000 vouchers tulad niya, SUMALI VIA THE LINK BELOW!! Tatlong (3) Winners ang next na mananalo dito >>>
🤰🏻For Pregnant Moms, join here:
https://community.theasianparent.com/.../cozy-comfy.../2124
👨👩👧👦 For Parents, join here:
https://community.theasianparent.com/.../cozy.../2125...
- 2023-12-13Mga mi bakit kaya ganon si baby dati nagreresponse na sya sa name nya nung nag 4months sya tas ngayon 8months sya parang di na sya natingin pag tinatawag sa name nya 😞
- 2023-12-13👨👩👧👦Kung ikaw ang mananalo nitong P2000 Baby Gift Set, ano ang wish mong makuha ng iyong kids?👨👩👧👦
SUMALI SA LINK: https://community.theasianparent.com/.../bonding.../2113
- 2023-12-13🤰🏻 👨👩👧👦Kung ikaw ang winner ng P2000 Gift Set, ano ang wish mong makuha ng iyong coming baby?👨👩👧👦
SUMALI SA LINK: https://community.theasianparent.com/.../bonding.../2112
- 2023-12-13Hi mga moms, ask ko lang po paano po gagawin. Hindi po kasi nakapag submit ng maternity notification ang employer ko. Paano po ako makapag submit ng maternity benefits?
- 2023-12-13Hello mga mommies! :) 2 months palang ako nakapanganak C Section ask lang po kung pwede naba ako pumasok ulit sa work? 5pm to 4am kasi yung pasok ko.
- 2023-12-13Hello moms! Ask lang po kung pwede na kaya ako mag balik work as a call center after 2 months c section. 5pm to 4am kasi pasok ko 😅
- 2023-12-13Makipag Sex during 1st trimester
- 2023-12-1311 Tips for Flying with Children: https://ph.theasianparent.com/travelling-by-plane-with-your-child-2
- 2023-12-13Hello mga mii. Tanong ko lang paano ba padedehin si baby sa breast ko? Sobrang maga na at tigas meron nadin lumalabas na gatas tumutulo pa nga pero pag ipapadede ko na kay lo supsupin lang saglit tas aayaw na nagiiyak na agad. Naiiyak nako sa sakit ang hirap kumilos.
- 2023-12-13alin po mas maganda sa new born .. ung hindi rin masakit sa mata ni baby??
- 2023-12-13Paano niyo ito dine-deal kapag lagi niyong nakikita?
8 Ways To Deal With A Narcissist Family Member https://sg.theasianparent.com/how-to-spot-a-narcissist-in-the-family-and-8-ways-to-deal-with-them
- 2023-12-13Lumipat ako ng OB dahil 2 weeks na kong nag bleeding on/off hindi pa rin nawawala reseta niya sakin ( duphaston 3x a day ). Now sa new ob ko heragest reseta sakin. Nawala agad bleeding. Need more bed rest 😪 thankful dahil nawala na yung pangamba ko.
- 2023-12-13Hello mga mommies. Pwede po ba pagsabayin 'tong dalawa? Nutrilin drops at ceelin plus? Anong oras po ba dapat ang inom? Hindi pa kami nakapuntang pedia ni LO kasi medyo malayo, may sipon pa siya.
3 months and 10 days old po #vitaminsceelinplus #vitamins
- 2023-12-13anu po pwedeng toothpaste for 1yrs old baby , may 5 teeth ba po sya yung pwede po sana kainin . shaka toothbrush any recommended po .
- 2023-12-13Hello po mga mii any recommendations po na pwede ditong pamahid sa baby ko 🥺 4mos old po sya now una butlig lang then naging ganyan . Yung unilove ginamit ko pero parang wala naman talab 🥺 na sstress napo ako .
- 2023-12-13Any thoughts po sa Bonna? Planning to change milk po kase malambot ang poops nya sa Similac.
- 2023-12-13Hi po. I've been breastfeeding my lo since she was born. Mix naman po ako pero i badly need vitamins po na makakahelp maparami yung gatas ko. May maisasuggest po ba kayo?
- 2023-12-13Sana may makasagot. Pano po mag file ng maternity benefits claim pag unemployed? Posible po ba yun. Nag resign na po kasi ako sa work, yung boss ko kasi ang sarcastic ng mga sinasabi sakin prang pinapahiwatig nya na mag resign na ako hindi lang nya direct sinasabi. Dahil sa nabuntis ako, tapos pinag bed rest ako ng 2weeks ng doctor, parang ayaw na ako pabalikin sa work ng boss ko. Ang problema ko, pano ko makakapag file ng maternity benefits?
Please sana may makasagot
- 2023-12-13Hello po to all mommy naraspa na po Ako we lost the baby po nun Dec 10 Pag nag bleeding po ba kayo after raspa May kasama jelly po thank you sa answer
- 2023-12-13Ano po itong redline sa paa ni baby kahapon maliit na line ngayon lumaki na pleasee reply
- 2023-12-13Bakit po kaya napanot yung sa may bunbunan ng baby ko?😇nilalagyan ko po kasi ng manzanilla yung bunbunan nya pero konti lang naman po. Dahil po ba sa manzanilla kaya napanot si baby? Tutubuan pa po ba ito ng hair?😇sana po may sumagot salamat po mga mii❣️
- 2023-12-13Topic: Proteksyon ni Baby Laban sa Ubo't Sipon
Date: Thursday, December 14, 2023
Time: 1:00pm to 3:000pm
I am Dr. Jasmin Suleik, a General Practitioner of KonsultaMD narito matulungan kayong mga Mommies, Daddies, Parents to guide you in making sure baby is kept healthy and protected sa kumakalat na virus tulad ng pneumonia. At anong gagawin kapag siya ay nahawa o nagkaroon nito. Sasagutin ko ang mga katanungan ninyo ukol sa:
Symptoms and Signs of Pneumonia in Babies
Difference between Pneumonia and the Common Cold
Remedy for Common Cold
Remedy for Pneumonia
When to Bring Baby to the Doctor
When to Rush Baby to the Hospital
How to Prevent Baby from Getting Sick
ASK your questions and we will answer you here in the Q&A comment section below.
#AskTheExpert #AskTheExpertPH #theAsianparent
- 2023-12-13Ung baby ko kasi pag tulog na siya at nilapag mo mayamaya mamimilipit at uunat tapos magigising na. Halos wala siyang tulog na maayos dahil sa ganun. Minsan kahit antok na antok na siya once nilapag mo or nakatulog na siya maya maya mag iinat at mamaluktot tapos gigising na.
Normal lang ba yun o may problem na?
- 2023-12-13mga momsh anytips para lumipat na si lo sa bote ng pagdede, di ko na po talaga kaya sobrang sakit na lalo pa at nag ngingipin sya😭😭😭
- 2023-12-13Mommies mag ask sana ako about mat ben yung sa panganay ko kasi nafile ko yung mat benefit ko kaso yung 2nd pregnancy ko kasi di ko alam buntis ako then nakunan ako hindi ko na siya na file sa SSS kasi di nman na ako dinala sa hospital na niraspa nagpaultrasound lang ako so wala akong proof na nabuntis ako tapos ngayon third baby ko nagfile ako magkakaroon kaya ng problem sa pag claim kasi pang third pregnancy nakalagay sa birth cert ng baby ko pero pangalawang pag claim ko pa lang TIA
- 2023-12-13Nanganak po ako lying in peeo hnd ksma ang new born screening pati hearing test, ngayon po hnd ko napagawa since wla po ako katulong mg alaga kay baby , now lang po ako ulit nakaka kilos ng normal. ano po kaya next step na pwede gawin? Salamat po
- 2023-12-13Mga mi, One month na si LO ko sa Dec 15. Pero hanggang ngayon di pa din nalalaglag yung sa pusod nya. Lagi ko nilalagyan naman ng alcohol at linis tapos may antibacterial ointment from pedia. Wala din foul smell or discharge. Kaso nakaka worry pa din kasi ang tagal tagal na dry naman na po sa ibabaw. Ano po kaya pwede gawin para mapabilis sya maalis? Pls help po thank you
- 2023-12-13Tanong ko lang mucus plus na ba to? 37 weeks and 4days na ko. Panay tigas pero tolerable yung sakit hanggang balakang at thigh tapos natatae ako lagi.
- 2023-12-13Mga mii, anong pwedeng nickname ng ACZEL JIERO? Kinuha sya sa names namin ng asawa ko. #advicepls #35weeks6days
- 2023-12-13Hi mommies! 3cm na ako. Matigas pa daw cervix ko kahit nag primrose na. Any tips para maglabor na? #firstmom #FTM #advicepls
- 2023-12-13Mga miii kanina nagpa check up ako 1cm pa lang tapos nitong hapon may lumabas sakin. Manganganak na ba ako nito?
- 2023-12-13Nakagat Kasi ako Ng centipede Ngayon lng ,sobrang iyak na ni baby Kasi gusto na dumede ,kinabahan din ako mgpa breastfed baka Hindi safe sa kanya.
Sana po may maksagot
- 2023-12-13Hello po, pwede po ba tumalon ang buntis? 6 months preggy kasi diba po nagpapatagtag na po kapag malapit na manganak? kelan po kaya pwede?
- 2023-12-13Mga mima, kailan kayo nagstart magtake ng malunggay capsule or supplement? At anong marerecommend niong Supplement for preparation ng breastmilk? Brand recommendation?
- 2023-12-13Makipot po kase mga na try ko na mga diaper kaya bilis tumagos s gilid ang poops ni lo ko
- 2023-12-13Hello po first time mom here. Sobrang worried po ako kasi maaga nag mature placenta ko. Meron po ba dito ng kagaya ko na grade 3 agad ung placenta before 33 weeks? 😭 kmusta naman po si baby nyo at kayo? And ung delivery nyo? Pasama po sa prayers mga momsh. 🙏🥺
- 2023-12-13Hi mga mi ano Kaya pwede Inumin ? Or home remedy for this runny nose , masakit na ulo 2 days na , my nakaexperience po ba dto na almost lagnatin nadin ano po ininom nyo to feel better ? Salamat mga mi … rely naman kayo
- 2023-12-13Mga Momshiee ask lng po normal lang po ba yan grade 3 placenta, 34 weeks and 4 days napo ako, wla po kce cnabi ung nag ultrasound sakin.. diko alam my grade pla ang placenta😅 #FTM
- 2023-12-13My baby is 1 year old na and still he's 68 cm is tgis normal po or should I go na sa pedia?
- 2023-12-13Premature po ang baby ko going 4mos na po siya. Sa umaga kapag gigising siya sa kada 2hrs na gising niya matutulog na siya uli. Ang tulog niya nasa 1 1/2-2hrs po. Then gising uli ng 2hrs tapos tulog uli. Normal po ba ito?
- 2023-12-13mga mommy nag kakarga na po ba kayo sa baby nyo ng patayo parang pag ppa burp? and carrier.. 2 months pa lng si baby.. mas gusto nya kasi ganung karga..
- 2023-12-13Hello po mga mommies! Patulong naman po ako magbasa ng urinalysis report ko po. Possible rin po kaya na walang symptoms ang UTI?
- 2023-12-13May UTI po ba ko? I just got my result today. Ito po yung 2nd test
- 2023-12-13Tanong lng po kita na po kaya si baby sa pelvic ultrasound 16weeks preggy po ako
- 2023-12-13Nabibili po ba ung prim rose oil kahit d naresitahan ni ob? 39 weeks na po ako
- 2023-12-13Goods lang ba magpatuloy sa work kahit may placenta previa, 27 weeks pregnant po🤍
- 2023-12-13Normal Po bha
- 2023-12-135x nakapopo si baby normal ba sa purebreastfeeding baby yun or nagattae na sya 1st time mom. 4month old na si baby.
- 2023-12-13safe ba ang pills sa breastfeed
- 2023-12-13hello po mga mamsh ano po pwd i switch sa bonna ung affordable po sana any suggestions po thanks 😊 # #
- 2023-12-13Hi mga mi. Almost 2weeks na ko nagttake ng daphne pills and simula nung nagtake ako nun almost everyday nako dinudugo. Minsan spotting lang, minsan medyo madami na napupuno yung isang panty liner.
Before po ako magtake ng pills ay galing po ako sa inject for more than a year and hindi ako nagkakaron nung mga panahon na yon. Now nalang ulit ako dinugo after taking the pills.
Normal po ba? First time ko lang po kasi magpills #advicepls #firsttimemom
- 2023-12-13Ano po yung mga signs kung lalaki/girl yung baby po?
- 2023-12-13- everytime na umiiyak ang baby ko walang boses ilang minuto muna bago magkaboses pero mapapansin mo na nagingitim ang bibig nya . Pero this time mas matindi nangitim na buong mukha nya hindi paden sya nagkakaboses kaya sa taranta ng mama ko tinapik nya yung likod at dun nagkaboses . sino po dito same case ng kagaya sa baby ko ? plss. po pa advice kung ano ang dapat at tamang gawen kapag may nangyare ganun .. ganyan na po sya newborn palang tinanung ko na po sa nurse normal lang daw sa bata , normal din ang new born screening nya
#FTM
- 2023-12-13Kahit may sarili na akong pamilya. May responsibilidad pa rin ako na tulungan ang aking mga magulang lalo na ako ang panganay. Maaga akong nag asawa kaya halos hindi ko pa nasusuklian lahat nang sakripisyo sa akin nang aking mga magulang. Ang hirap lang kasi ang asawa ko napakasensitive.Konting atensyon na ibigay ko sa magulang ko magseselos agad, nagiisip agad nang masama na binaback stab sya nang pamilya ko. Kahit walang ganun talagang nangyayari. Ano bang dapat kung gawin ? #advicepls
- 2023-12-13placenta: anterior (low lying, inferior edge lies 1.3 cm from the internal os) with grade 1 changes
27 weeks
Goods lang ba na magpatuloy ako magwork?
- 2023-12-13hi mga mii, nag start ako mag formula kay baby kahapon, ok naman po yung pag poop nya mga nakaraang araw pero ngayon di sya nag poop boung maghapon, dahil po kaya yun sa formula?, nestogen po yung pinatry ko kay baby.
- 2023-12-13last day december 10 lumabas na kami ng ospital kase 13% (normal range 12) na lang yung biliruben ni baby pero up until now, medyo yellow pa din yung eyes nya, consistent pa din yung paaraw namen sa kanya ano po dapat gawin para maging normal color na yung eyes nya? may follow up check pa naman kami sa friday. Thank You po.
- 2023-12-13Pashare naman po ng experience niyo sa mga diaper na ginagamit niyo po. Recently kasi may mga diaper brands na ngayon ko lang nalaman like unilove, rascals, etc. Pampers kasi gamit ko sa first child ko and now Im having my 2nd child pinag iisipan ko pa kung ano ang bibilhin ko. Thanksss
- 2023-12-13Mga mii pahelp naman ano pwede ko gawin. 1 month na si baby sa Dec 15 pero hanggang ngayon di pa nalalaglag ung sa pusod nya. 3x a day ang linis namin using cotton or buds with isoprophyl alcohol 70% at may ointment na antibacteria from pedia. Wala naman amoy pusod nya pero nakakabahala na kasi ang tagal-tagal na po andyan pa din. Any tips po mga mii pls para mas mapadali po sana. At sa tingin nyo po malapit na po ba talaga yan maalis? Salamat po. 1st time mom here.
- 2023-12-13please answer huhu, kapag po ba first day niyo mag mens or kapag kunwari mahina ang regla niyo di niyo ba nararamdaman na nalabas yung dugo sa pwerta niyo like makikita niyo na lang may dugo na sa napkin? is it normal? 😭
- 2023-12-13Hello po. Di sinasadyang nauntog Po Yung anak ko and Ang natamaan Po Yung parteng itaas Po Ng ilong niya nagkabukol Po sya noon after 6 months Po may napansin Po akong linya sa ilong nya at medyo matigas Po epekto Po kaya Nung pagkauntog nya noon? Kailangan ko na Po ba syang ipacheck up sa Pedia or may mga complications Po ba pag ganito. Sana nasagot Po
- 2023-12-13Okay lang ba manood ng horror movies or like jigsaw movies? Parang trip ko lang manood ng ganon sabi ng Tito ko bawal daw manood ng ganon pag buntis. Respect po thankyou!
- 2023-12-13Sino po sa inyo MGA mii hirap din matulog sa left side🥺
- 2023-12-13Buntis ba ako
- 2023-12-13Ano po magandang remedy sa toothache po ?
- 2023-12-13Toothbrush
- 2023-12-13Need ko na po ba magpanic? Nahilab yung tyan ko pero, nawawala rin naman. Den ayan na lumabas skin. Ano ba ibig sabihin pag ganyan lumalabas?
#teamdecember2023
- 2023-12-13Hi po mga momsh, ask kolang po if effective poba tlga itong EPO, last week po ininum ko sya like 3times aday in 1week. Then medyo wala naman po nangyare 😅 Now po 38weeks and 2days na ako galing ako kay doc knina pinapalagay naman nya sa pwerta ko, then 4times aday in every 6hours sa loob ng 1week. I am 1cm na kanina, tingin nyopoba mag eeffect po sya? And possible poba manganak na ako this week? I have little brown discharge nadin po. #ThankYouForResponse po :)
- 2023-12-13What is the best anti-fungal cream for pregnant po?
Thank you
- 2023-12-13Nakakastress and pressure, lahat na lang ng plano nyong magasawa kinontra at ang daming negative na sinasabe. Parang kulang na lang kontrolin kayong magasawa. Jusmiyo
- 2023-12-13Ng do kasi kami ni hubby .pero hindi ko na tinatake ung brown pills.thanks po sa sasagot 😁☺️
- 2023-12-13Thank you sa sasagot
- 2023-12-133months ago na po ito, di pa po ako nakakabalik sa endo ko, ngayon po di ako masyadong okay dahil lagi na po ako nakakaramdam ng pagod, kontimg kilos hapong hapo, masakit po likod at balakang
- 2023-12-13Wala ka na bang makausap? Let’s talk about what you feel towards those issues you have in mind 😊
- 2023-12-13Helllo Im 8 months pregnant, no pamamanas. Normal lang po ba?
#firstmom
- 2023-12-13Ng baby 27 weeks ultrasound
- 2023-12-13Pwede po bnag pagsabayin ang gamot sa ubo at gamot sa sipon? 2yrs old po ang lo ko, thanks in advance
- 2023-12-13Last week 2cm na ko, kahapon pag balik ko sa OB ko 3cm palang.. tapos niresetahan na nya ko ng Primrose.. worried na ko 😣 kasi sa panganay at pangalawa ko di naman ako naging ganito.. Anyways, baby boy na kasi kaya siguro mejo iba ang pagbubuntis ko..
- 2023-12-13nababahala napo ako sa 1yr and 7 months ko na baby, tumatae kasi sya ng matubig tapos di sya magana kumaen, hindi naman po sya nagkakalagnat at masigla naman po sya kaso nababahala padin ako, almost 1 week na syang ganito. ano kaya possible reason? please help.
- 2023-12-13nababahala napo ako sa 1yr and 7 months ko na baby, tumatae kasi sya ng matubig tapos di sya magana kumaen, hindi naman po sya nagkakalagnat at masigla naman po sya kaso nababahala padin ako, almost 1 week na syang ganito. ano kaya possible reason? please help.
- 2023-12-14Good morning mga mii. Ask ko lang sana ilang beses pwede gamitin ang sleepy time sa isang araw?
- 2023-12-14Ano po maganda ipainom sa baby ko na lging umiiyak at nagwawala pag gabi. Wala kabag at sakit. Iyakin lng tlga pag gabi. Pls help.
- 2023-12-14currently 10 weeks & 5 days na po si baby sa tummy ko ..
pa ilang weeks po kaya bago mawala ang pag susuka ? 😭😭
di na po kasi ako nakaka kain ng maayos , usually 1 to 2 rice meals na lng nakakain ko per day tas tinapay / biscuits na the rest ..okay lng po kaya un ? sobra din binaba ng timbang ko from 98 down to 93 😭🥲
- 2023-12-14Hi mga mi!! Ilang buwan or taon po ba ang aabutin para makapag pabunot ng ngipin pag bagong panganak?? O pwede din po agad??
- 2023-12-14Mga mii any suggestions po na affordable na milk 6-12months plan Ku po Sana palitan milk ni baby sa Lactum or Bonnamil? Thanks po#advicepls #firsttimemom #bantusharing #shareyourexperience
- 2023-12-14Pag ganito ba Ang spotting Ay bed rest ka lang lang ba talaga bawal mag lakad lakad?
Kakabihis ko lang Po niyan. Tuz ilang minuto lang napasin kung basa ung akin.. pero di ko Muna pinansin Hanggang Nung umihi Ako , Yan na Nakita ko sa panty ko.
Plan ko nlang bili Ng duphaston na Lage nereresita Ng ob at isoxilan tablet.
Pasintabi sa larawan .
- 2023-12-14normal lang po ba ito? #firs1stimemom #firstbaby #10week2day
- 2023-12-14Normal lang po ba ‘to kay baby? Sa katawan po parang mga maliliit na pimples tas sa muka ayan sa picture. Magaspang hawakan. Ano kaya pede gamitin? Parang ayoko lagyan baby oil lalo if sa muka and kung normal lang naman and mawawala ng kanya. Three weeks na po si baby.
- 2023-12-14private kase ko nung una tas public ako ngayun nag pa scedule. didaw sila nag bibikini kaya hihiwaan ako ng bago. posible bayun?
- 2023-12-14Ang sakit ng ipin ko 4 days na. Nagpunta ko dentist kahapon pero wala din naman sila magawa kundi cleaning lang, di kasi di ako ma-xray. Sinabi ko sa OB ko in pain ako pinag paracetamol ako every 4hrs. Pero pag gising ko today namamaga na yung muka ko. May nakaexperience ba ng ganto? Di ko na alam gagawin ko 😭
- 2023-12-14Mga mii. Ano po sa tingin nyo? Same PT lang po yan. Yung first pic po ay noong morning, then yung second pic naman ay taken nung gabi na. Chineck ko kasi sya uli napansin ko na nagkaroon sya nung line. Enlighten me po. 1 week delayed po.
#respectpost
#thankyou
- 2023-12-14DELIVERY DATE IS W/IN 6 MONTHS FROM DATE OF SEPARATION FROM LAST EMPLOYER. PLEASE SUBMIT CERTIFICATE OF SEPARATION W/ NON-ADVANCE OF BENEFIT OR AFFIDAVIT OF UNDERTAKING FORM DULY ADMINISTERED BY AUTHORIZED SSS PERSONNEL
Sino po dito nakaexperience ng ganito nung nagpasa po ng mat 2 nila? Pano pa kaya need dito? Thanks po sa sasagot
- 2023-12-14Mga mii, tanong ko lang po every month po ba pumupunta ng Center para mag pa vaccine ang baby? Until mag 9 months sya? 4 month pa po ang baby ko naka pag vaccine sya nong September, October at November. Pero hindi na po pinabalik ngayong December. May same din ba saakin?
- 2023-12-14Ilang weeks si LO nong nilipat nyo na siya from baru-baruan to onesie? 4kg na kasi si baby and mag 2 weeks pa lang siya. 😅 Thank you in advance po 🥰 #pleasehelp #firstmom #FTM
- 2023-12-14#9weeks1day
- 2023-12-14Sobra po ang pamamanas ko sa paa? Normal lang po ba ang pamamanas?
- 2023-12-14Normal lang po ba na suhi po ako ngayon sa nakita ng oby ko po, may possible naman po ba sya na mag iba pa po ng pwesto? Salamat po
- 2023-12-14#9weeks1day
- 2023-12-14Ano po pwede gamitan dito para mawala po😅😅😩. May rashes din po sya sa leeg at sa likod sa bandang leeg.
- 2023-12-14Ano po ang brand ng Multivitamins with Iron ang tinitake nyo, aside from Hemarate FA?
- 2023-12-14Hello mga mamsh sino po dito edd dec 25 gang katapusan anu na po nararamdaman nyo? Sana makaraos na po tayo.. thanks po sa sasagot
- 2023-12-14Mga mommy mag ask sana ako si baby ko kasi pag hinihiga ko ng naka flat iritable sya bigla siyang iiyak tapos may time din na yung gatas niya lumalabas sa ilong pag naglulungad siya normal lang ba yun?
worried kasi ako about dun sa sinasabi nila na napupunta sa baga yung gatas although after feeding mga 10 minutes pinapaburp ko siya or kahit di siya mag burp basta 10 minutes na nakadapasya sa may bandang balikat ko
- 2023-12-14Rohana cursaw
- 2023-12-14Which milk is better for newborn? S26 Gold or Pink??
- 2023-12-14Question dear parents, kelan nyu po sinimulan itransition si baby sa table food? yung kung ano kinakain ng adult un na din kinakain nya? #
- 2023-12-14Hello mommies! ☺️ ano po kaya gender ni baby?
- 2023-12-14Scabies kaya to mga mamsh? Based sa mga nakita ko sobrang kati raw scabies. Pero sakanya di naman ganon kakati. Nagkakamot pero hindi super duper and mahimbing naman tulog. nakita ko sa tiktok yung scabies thing. Overthink malala ang anteh nyo 😂 tinanong ko sa lolo ko sabi lamig lang raw yan or allergy something
- 2023-12-14Anong po kayang milk pwede ipalit sa enfagrow? Going 1 month na po user. Maliban po sa bonakid. Hoping for advise and recommendations po. Reason po is laging constipated si baby sobrang hirap siya mag poop
- 2023-12-14May katulad ko ba dto? Okay kami ni mil, pero di lang kami close like super close ung nag uusap talaga, kwentuhan or biruan man lang, hindi po kami ganon. Siguro dahil mahiyain po ako. Okay lang po kaya yun? Nag uusap lang kami pag importante at kung may itatanong siya.
- 2023-12-14Pwede ba Ang bearbrand na milk sa buntis? # #milk
- 2023-12-14Hello mga mi, possible ba na makita na gender niya kahit 17weeks pa lang po?
- 2023-12-142cm plang po kase ako pahelp
- 2023-12-14Makakapagapply pa kaya ako ng maturity then anong month kaya ang pwede kung hulugan. Edd ko po e july thank you po sa sasagot. #pleaserespectmypost
- 2023-12-14Safe ba Ang Nestle fresh milk sa buntis?
- 2023-12-14𝙼𝚐𝚊 𝚖𝚘𝚖𝚜𝚑𝚒𝚎 𝚖𝚊𝚐𝚔𝚊𝚗𝚘 𝚙𝚘 𝚙𝚊𝟹𝙳 𝚞𝚕𝚝𝚛𝚊𝚜𝚘𝚞𝚗𝚍?
- 2023-12-14Sinasabi ng mga concerned moms na ang pagbenta ng breastmilk ay may huge risks dahil pwede itong gawing 'negosyo' at macompromise ang quality. Anong say ninyo??
- 2023-12-14mahina kumaen si lo or minsan hndi tlaga sya nakaen, ebf po ako. ano kaya maganda vitamins nya. at pano po mag painom ng vitamins araw-araw ba dapat?
#vitaminss #1yroldboy
- 2023-12-14Ako lang ba laging init na init, lately?? 😅
Paano kayo nagpapalamig? (bukod sa pagbukas ng aircon haha)
- 2023-12-144 months preggy.. masagot po sana agad.. salamat po
- 2023-12-14Mga mi. One wk n dddumi baby q n 8 months. Ano b pwd gawin. Npkain q n sya lagi ng papaya pro wla p rn.
- 2023-12-14About pumping kasi hindi malaki ang utong ko pero malakas ang gatas ko, nahihirapan si baby mag direct dumede sakin kaya ang ginagawa ko ay nag papump ako at ilagay sa freezer. Minsan natataon nakakapag pump ako ng 3-4am pero posible pa mailagay sa ref ng 6-7am dahil makiki ref lang sa inlaw. Pwede kaya iyon o hayaan ko na lang itapon? Need ko ipump dahil basang basa ang damit ko/sobrang tigas ng dede ko na parang bato.
At kung fresh pump, ano po ba talaga 1-2 hours or 3-4 hours sa room temp. (Wala po kami ref pero blessed po ako sa lakas ng milk ko) 🙏
- 2023-12-14Hello ask ko lg po if normal ito ? 6weeks preggy
- 2023-12-14I'm 38weeks and 5days today but still no sign of labor :(
- 2023-12-14Mas makatuwiran ba na parehong nag ta trabaho ang nanay at tatay para sa pamilya nila or mas mabuting isa sa kanila ay naiiwan sa mga bata dahil iba pa rin ang alaga ng magulang? #asianparent_ph #MommiesChoice
- 2023-12-145days old pa lng si baby at 3days na syang hindi nakakatae normal lang po ba o need kona magpa check up sa pedia...Thankyou
- 2023-12-14May naka expirience ba sa inyo bumili ng electric breast pump sa mamas choice pero hindi working?
- 2023-12-14Ftm. Dipo ako familiar sa mucus plug. Eto napo bayun. Parang sipon siya yung malapot. Kabuwanan kona din po kasi ngayong december. Sana masagot po
- 2023-12-14Ask ko lang, after miscarriage ano pong best vitamins can i take? If planning to get pregnant again soon? Thank you #advise
- 2023-12-14Nahilab na yung sa puson na area pero tolerable pa kaya ko pa yung sakit pero pawala wala na kasi yung sakit. sign na ba to na maglabor naku? 38weeks and 5days today......
- 2023-12-14Good day mga mi, 6 days palng kmi ni lo. Ask ko lang po sana kung ilang days ba mawawala yung pain during latch ni baby? Sobrang sakit kasi e prang gusto ko na gumiveup :( lalo na't ngsusugat yung nipple. Please enlighten me. Nsasayangan din kasi ako e. Thanks in advance.
- 2023-12-14Enough, kulang o sobra ba ang P500 na budget?
- 2023-12-14It's actually common than you think. We hope the stigma goes away. Hindi yan madumi. Hindi yan kadiri. It's just skin discoloration, which is very common sa mga Filipino women AND men.
- 2023-12-14FTM here, 21 weeks pregnant normal lang po ba yung active kicks ni baby sa lower part ng puson as in every hours kahit nag sasalita ako or nakaupo nararamdaman ko.
- 2023-12-14Hello after raspa po Ilan days o weeks bago maglalabas o mag Punta mall
- 2023-12-14Hello po ano pong pwedeng gamot na inomin laban sa ubo at lagnat. 8 weeks pregnant po ako at nahawa lang sa kapatid. #advicepls
- 2023-12-14CURRENTLY ON MY 1ST TRIMESTER PO (11 WEEKS PREGNANT) SIMULA PO KAHAPON SUMASAKIT SAKIT NA PO YUNG TAGILIRAN KO (LEFT SIDE) THEN MAYA'T MAYA AKONG KINAKABAG AT SINABAYAN PA NG DIARRHEA. THEN NGAYON NAMAN PO SIMULA PA KANINANG UMAGA SUMASAKIT SAKIT NA PO YUNG BALAKANG KO PATI TAGILIRAN (RIGHT SIDE NAMAN) PATI PUSON KO PO DI KO NA PO MAINTINDIHAN BASTA BUONG PALIBOT NG BEWANG KO SUMASAKIT SAKIT, PERO WALA NAMAN PONG SPOTTING. NAG WOWORRY LANG PO AKO AT BALAK KO NGA PO SANANG MAG PA CHECK SA MALAPIT NA CENTER DITO SA AMIN KASO WALA SILANG SCHED NGAYON NG CHECK UP NG BUNTIS. HOPEFULLY OKAY LANG SI BABY AT BUKAS PA PO KASI AKO MAKAKAPAG PA TINGIN. TINGIN NYO PO BA NAKAKASAMA PO BA SA BUNTIS USUALLY SA 1ST TRIMESTER NA KARGAHIN SI 1 YEAR OLD BABY? KAPAG PO KASI NAGPAPAGALA SYA HINDI PO SYA MASYADONG NAGPAPABABA. HAYSS
- 2023-12-14Kamusta? Lahat ba may sore throat at sipon na? Huhu. 7 weeks preggy pa naman ako at kabilin bilinan ni doc mag ingat :( Kaso dun ko ata nakuha sa waiting area nya huhu. Anywayyyy any suggestions ng pwede gawin? Currently, for my sipon, Salinase Spray (as reco by my OB) di ko natanong sa sore throat huhu pero ginagawa ko rin ngayon, warm water + salt gargle, tapos 3x a day pei pa qua candy kaso feeling ko mas malala na sya :’( kanino ba tayo magpapa check up? Kay OB or sa pulmo tapos disclaimer nalang na preggy tayo? Thank you! #sickseason #december
- 2023-12-14any tips on para dumede sa bote si baby 3 months old po need ki na po kasing mag bote kasi need magwork.
- 2023-12-14Hello momies! Ask lang po kung kelan ko kaya dalhin sa pedia si baby 2 months old palang po sya angd 2 days ng may ubo at sipon. Kusa ba itong mawawala?
- 2023-12-14End ng regla ko ay march 24,2023 ,. Ilang weeks na kaya ako ngayon?
- 2023-12-14Simula po Kase Nung lumaki Tiyan ko matigas na talaga siya
- 2023-12-14Normal lang po kumirot tahi? Parang sa loob ung kirot. Paminsan minsan lang naman.
- 2023-12-14Okay lang po bang painumin ng tubig even if hindi pa 6 months? Thank you po!
- 2023-12-14Implantation bleeding ba to ?
- 2023-12-14Breastmilk
- 2023-12-14Hello mommies! Ano po kaya gender ni baby? ☺️
- 2023-12-14Normal lang po ba sa 8 months ung Hilab ng tyan pero hindi po sinisikmura?
- 2023-12-14Hello! Ano po kaya ang magandang formula milk for baby? 5 months na po ang baby ko. Unfortunately, feeling ko po humihina na po ang breast milk supply ko dahil back to work na po ako kaya madalang na po ang pag chest feed ko po.
Asking lang din po para po may alalay or support kay baby while malayo sa kanya. Nagtry na din po kami itransition sya and Similac Tummicare HW 1 po ang una po naming ni try. Pero tumitigas po poop nya or tinitibi po si baby don. Balak po namin sya ilipat sa Nanpro na milk. Suggested as per pedia po yung dalawang yon.
Kayo po? Saan pong formulated milk hiyang ang babies nyo? Thank you.
- 2023-12-14Mga mi need help worried po kasi ako dahil first time mom, napansin ko kasi si baby ko simula ng natuto sya magthumb suck, lagi sya natutulog na nakabend ang kamay hanggang dibdib habang nakasara ang both fist nya, lagi din sya naka postura na parang nagboboxing..Normal lang po ba un? 3mos old na po LO ko
- 2023-12-14Hello po! Sana po may same experience sakin. Yung baby ko po kasi may high fever at nag last po ito ng 3 days. Normal lang po ba na may rashes na lalabas after ng fever?
#advicepls #RespectMyPost
- 2023-12-14Currently at 37 weeks now. Pineapple juice po ba iinumin or yung fruit po talaga kakainin?
- 2023-12-14Tanong ko lang po kung okay lang po ba na hintayin muna matapos ang bleeding after makunan bago magpa check up? And need pa po ba iraspa pag lumabas na po lahat pati si baby at yung inunan. 9 weeks old po.
- 2023-12-14Kailangan ko pa bang ituloy ang pag-inom ng birth control pills kahit hindi na kami active?
- 2023-12-14Mommies pano po pag nagpahid ka ng katinko sa tyan ano pong mangyayari?
- 2023-12-14Hello!
I am a FTM, 3 mos PPT. Pabalik na ako sa work and di pa tlga ako magsstart magpump, pure breastfeeding kami tlga.
I am in need of your help mga momshies. Am I late na ba to start pumping? If not, can you please give tips sa pagppum. The what's, how's, do's and don'ts. I am planning to buy pump na and I don't know which one is good.
Thank you and God bless!
- 2023-12-14Nagsugat ang utong ko po dahil may first ngipin narin si baby simula pag labas nya po is breastfeeding napo sya kaya nahihirapan po talaga ko na ilipat sya sa bottle dahil ayaw nya po kinakagat nya lang yung chupon at nagwawala gusto nya po yung dede ko ano pong magandang gawin ko? para naman po sa utong ko feeling ko po kasi may nana ito dahil parang singaw na bilog po sya. eto po ang pic pasensya napo sa litrato di ko napo kasi alam gagawin. sana matulungan nyo po ako. salamat # #
- 2023-12-14Meron po bang gamot sa sakit ng tiyan at kabag sa baby?
- 2023-12-14May babies po ba dto na exactly every 2 hrs nagising for feeding?
- 2023-12-14Simula po lumabas si baby breastfeeding napo sya, ngayon po kasi may tumubo na ngipin napo sa kanya kaya po nagsusugat ang dede ko po feeling ko po ay may nana ito at sobrang sakit po pag nagpapadede ano pong magandang gamot dito sobrang stress napo kasi ako kasi gusto napo namin sya ilipat sa bottle dahil nga po nagsusugat na dede ko pero ayaw po nya kinakagat nya lang po ang chupon at nagwawala, kahit ano pong salpak ko ng bottle ayaw nya po iyak lang ng iyak gusto po ang dede ko please po sana matulungan nyo po ako salamat po. eto po ang pic ng utong ko po pasensya napo kung sensitibo para po syang singaw na bilog
- 2023-12-14Ano po puwedeng milk sa baby namin 1 month old,bonna po milk nya nakaka reflux sa,nag change kame ng milk Similac tummycare nag watery poop nya,nag try kame ng s26 pink same sa bonna nag kaka reflux xa.change ulit ng milk nan sensetive watery ulit poop nya.recommend po ng pedia dr ung mga milk na pinalitan namen.
Yung s26 pink ngayun milk nya pero 3 oz lang every 2 - 3 hours,pag tulog xa di nagigising ng 2 hours hinahayaan lang namin wait lang namin xang magising bago mag milk.pero bumalik ung palagi xa iyak,after mag milk tulog lang ng mga 30mins iyak nanaman.di na xa nakaka tulog ng maayos..same po yan sa bonna,similac at nan di naman pero watery ung poops nya..
Sana po matulungan nyo kame mag asawa kung ano pa puwedeng gawin or advice for the best milk for our baby..salamat po in advance.
- 2023-12-14Normal lang po ba makaramdam ng sakit ng tyan pag 36 weeks?
- 2023-12-14Simula po lumabas si baby breastfeeding napo sya, ngayon po kasi may tumubo na ngipin napo sa kanya kaya po nagsusugat ang dede ko po feeling ko po ay may nana ito at sobrang sakit po pag nagpapadede ano pong magandang gamot dito sobrang stress napo kasi ako kasi gusto napo namin sya ilipat sa bottle dahil nga po nagsusugat na dede ko pero ayaw po nya kinakagat nya lang po ang chupon at nagwawala, kahit ano pong salpak ko ng bottle ayaw nya po iyak lang ng iyak gusto po ang dede ko please po sana matulungan nyo po ako salamat po. eto po ang pic ng utong ko po pasensya napo kung sensitibo para po syang singaw na bilog #stress #help #breasfeeding
- 2023-12-14hello mga mommies, normal po ba or may case po ba dito na nilagnat pa rin ang baby nyo while taking antibiotics? kakagaling lang po ni baby sa ospital at may pneumonia. after ilang days po pagkalabas sa osp bigla po ulit syang nilagnat.
- 2023-12-14Anong oras matulog sa gabi at anong oras nagigising si lo sa umaga? Ang 3y.o ko na anak kasi matutulog ng pasado 11pm tapos madalas magising ng quarter to 10am
- 2023-12-14Nagpt ako Nung Isang araw and positive. Di pa Po ako nakakapacheck up Kasi balak namin Ng partner ko paguwi na lang namin sa province sa Dec 20. Wala Po talaga akong kahit na anong idea Kasi Wala pa kami pinagsasabihan na iba. Medyo nahihirapan ako kasi Ang hapdi Ng tyan ko na parang lagi akong gutom pero di ko namn alam gusto Kong kainin. And nagkapalitan kami Ng partner ko Ng routine Ng pagtulog Kasi sya na laging tulog 😅 hirap ako makatulog sa gabi Kasi Umaga ako nakakatulog, any advice Po para medyo gumaan pakiramdam ko? Thank you Po.
- 2023-12-14Para po siyang ppumipikit Isang Mata na parang nag gigigil ,nag ngingipin na din po Siya Ngayon sana po amsagot ,nag worry lang po Ako
- 2023-12-14Safe po ba na makipag sex basta naka implant po? Bali july po ako nag palagay
Hindi po ba mabubuntis pag naka implant kapo?
- 2023-12-14Maliit at Lubog na mata ng 2month old baby
- 2023-12-14Mga momshie, normal lng po bang mejo mahapdi sa may balat sa tiyan, yung sa baba ng boobs, mahapdi po sya feeling ko nababanat yung balat ng tyan ko. Is it normal po ba? 24 weeks pregnant po. Thank you!
- 2023-12-14Saan po i uupload yung birth cert ni baby sa sss portal mga mi?
- 2023-12-14Malapit na po kaya sya lumabas ?
- 2023-12-14Ilang buwan po kaya ako iinom ng Folic Acid? at ilang buwan po ako iinom ng pampakapit? 7weeks and 1 day na po ehehehe sana po may sumagot. ❤️ #1stPregnancy
- 2023-12-14Hello po ano po kaya pamputi ng kili kili? Sobrang umitim po kasi kili kili ko simula nung nabuntis po ako, currently 8months preggy po ako. Thank you po#advicepls #pleasehelp #firsttimemom
- 2023-12-14Hi mga mii! Ask ko lng if sino pa dito ang nka experience na si LO nyo nagising ng madaling araw or anytime, tapos bglang parang iiyak sabay parang nabilaokan? Tpos panay ang pa bubbles nya ng kanyang laway? Normal ba ito? Salamat po!
- 2023-12-14Hi po good day everyone, 35 weeks pregnant po ako first time mom, pag-ihi ko po ngayon may nakita po akong parang buo na slimy sa ihi ko, dark color po sya di ko ma-determine kung brown or red po ang color nya kasi kakagising ko lng po malabo po mata ko, basta dark po ang color nung slimy thing na yun na nasa ihi ko, ano pong ibig sabihin nun? Malapit na po ba ako manganak? Naexperience nyo din po ito? #pleasehelp #firsttimemom #discharge
- 2023-12-1437weeks 1day
Mga mi, pwede ba yon? Na parang napaglilihihan ko yung alaga naming pusa? Laging mainit ang ulo ko sakanya. Although alam ko naman pusa sya at hindi talaga makakaintindi kapag pinagsabihan. Kaya lang kasi talagang laging mainit ang ulo ko sakanya. Naiyak nalang ako sa awa sakanya kapag napapalo ko sya. 🥺🥺
- 2023-12-14Mga mii ano po kaya pwedeng ipahid sa ganitong butlig ni baby nakailang take na sya ng antibiotic pero di pa rin nawawala hys. nag rered sya sa una na akala mo kagat ng lamok pero pag nakailang oras nagbubutlig butlig na sya.
- 2023-12-14Nakukiba si baby
- 2023-12-14Sana Po may sumagot 🙏
- 2023-12-14Hello po! 39weeks na po ako.. Nagpa-IE ako and 1cm na ako & nung afternoon nakakaramdam ako ng pain na panay-panay. Naglalast ng 1min yung pain and every 5 to 10 mins. ang interval. Friday na ngayon at 2 days nadin akong hindi napagkakatulog kasi ineendure ko yung pain and ngayon yung pain ay nagraradiate na hanggang sa lower back & balakang ko. Nagle-labor na ba talaga ako?
- 2023-12-14Nagtest ako nung Dec.8 got faint line sa unang test, the next day nagtest naman ako negative na siya 😔 mabilis nagkaroon ng faint line hindi siya evaporation line pagkatapos kk magdrop ng wiwi nagfaintline agad siya sa T line bago sa C line mas malinaw yung sa C line.
Bakit po ganun? Sa 28 pa ang sched ng aking check up sa OB punuan na po kasi.
- 2023-12-14wala din ang sakit. CS ako sa 1st Baby ko, may possibility kaya na Normal ako ngayon 3 years gap nila!
- 2023-12-14Bakit ang tagal ng progress tumaas ng cm ginawa kona lahat para tumaas yung cm primrose pineapple hike squat nakipag sx ky partner pero ganon padin. Edd dec 23 natatakot na ako. Pangatlo kona to pero bat ang tagal 😢 yung dlawa kong anak puro lalaki tapos ito pang tatlo babae ang hirap pataasin ng cm😢
- 2023-12-15May pain na po akong nararamdaman pero pahinto hinto pero wala pong lumalabas sakin ano po kaya mabisa para maglabor na ako 38 weeks na po kami ni baby
- 2023-12-15Hi mga momshie ask ko lang ano dapat gawin para mag labor na? Mag due date na ako sa 18 pero hindi padin ako nakakaramdam ng pag lalabor :(
#firstbaby
- 2023-12-15pabilog po siya na may masasa yellowish pag natuyo. kasing laki po siya ng 25 cents
- 2023-12-15And yung doppler velocimetry ultrasound?
- 2023-12-15Hi mga mii magtanong sana ako ,meron po ba dito gumagamit ng enfamama. Ilang beses po ba dapat maginom ng enfamama sa isang araw? Firsttime kopo kasi gumamit ng enfamama and 7mos preggy here. TY🥰
- 2023-12-15Hello mga mommy, normal lang ba na tumitibok ung bumbunan ni baby? TYIA!
- 2023-12-15Bumaba yung hcg level ko from 1200 naging 1050 nalang may posibilidad ba na nakunan ako or hindi na buo yung bata?
- 2023-12-15When do babies start talking clearly? Guide For Parents HERE: https://community.theasianparent.com/q/everyone-another-ask-expert-session-with-remote-classroom-once-again/4831150
- 2023-12-15Kaya pala ang init-init lately, noh? May El Niño pala.
- 2023-12-15#9weeks2days
- 2023-12-15Sign ba ito na sinisinok si baby SA tiyan?
- 2023-12-15When Can You Find Out a Baby's Gender? Read THIS>> https://ph.theasianparent.com/when-can-you-find-out-a-babys-gender
- 2023-12-15Pwede pa po ba mag pa inject kahit 10 days na nakalipas 5 po sana inject ko akLa kopo kase 15 pwede papo kaya
- 2023-12-15Is sex during pregnancy safe or not? Yup, you are still a sexual woman even if you are pregnant >> https://ph.theasianparent.com/sex-pregnancy-baby-respond
- 2023-12-15Hello po ask ko lang po sana if ok lang po ba na hindi mo pa nararamdaman sumisipa si baby 20weeks na po kse ako pero nararamdaman ko po sya sa loob pero kagabe chka ngayon hindi ko po sya maramdaman nag ooverthink na po kse ako baka po ano na nangyari kay baby kse nasanay po ako na nararamdaman ko sya sa loob.
- 2023-12-15#20weeks1day
- 2023-12-15Is it positive po ba?
- 2023-12-15Hello, normal lang po ba mag spotting? minsan red kadalasan brown na may halong red? ano kaya meron don?
- 2023-12-15Ask ko lang po, baby ko kasi pag na ingit ang ginagawa lagi hinahampas ulo sa sahig, nung sang araw nakaupo tas biglang naipukpok ulo niya sa sahig hindi po nagkabukol pero nangitim, delikado po ba yun
- 2023-12-1521 weeks preggy here, sino same sa akin may lumalabas na na gatas sa breast pero parang brown greyish white sya. #firsttimemom
- 2023-12-1529 weeks palang po ako and kaninang morning nagcr ako then syempre nasa third tri na ako so mas nagfofocus ako palagi sa kung ano mang lalabas sakin alert ba ganon. then nagopen lang ako ng phone as in inunlock ko lang then pagbalik ko ng tingin may mahabang sipon na lumabas sakin mahaba talaga idk kung light green siya pero parang ganon kase yung kulay and sipon type siya na jelly, gets niyo ba? first time ko lang kase to kaya hindi ko alam. let me know kung kelan kayo nagkaron ng discharge na ganon nagwoworry kase ako since 7 months palang po ako and minsan ko na din nakapa yung cervix ko na malambot siya hindi na firm hindi gaya nung first and second trimester.
- 2023-12-15Hello po baka po may makasagot kung bakit nagpapaihit ang baby ko 5 days old palang po sya pero kung magpaihit bale po pangingitim medyo kinakabahan po ako. Kagaya po kanina lilinisan ko sya magpapapihit po agad sana po may makatulong kung bakit sya nagpapaihit and ano pong pwedeng gawin.
Nagpapanic po kasi agad kami pag mag papaihit sya ☹️
- 2023-12-157 weeks preggy po ako nung nkunan mej malabo po ung requirements ng sss para sa case ko. Wla po akong ultrasound since early stage of pregnancy and di ren po ako naraspa. Naultrasound mn ako wala na po ung baby ko.
Ano po kaya need ko isubmit talaga.
May med cert po ako proof na nagkunan ako (Dx : Complete Abortion) then may lab test po ako na may PT na possitive pregnant ako.
Pahelp naman mga mammi. Thank you.
Ano pa po need ko ipasa?
- 2023-12-15hi mga mhie! first time mom here and medyo nalilito ako sa pipiliin ko brand para sa unborn baby ko. Malapit na kase ako manganak and mag iipon na ko ng gamit nya. Any recommendations para sa best baby products brand na affordable and at the same time maganda quality
- 2023-12-15Bukod sa, usually, may genuine personality at may inner joy, importante din ang pagkakaroon healthier teeth and gums para sa isang maaliwalas na ngiti 😁🦷🪥
- 2023-12-15Ano po ba ibig sabihin kapag 3days na nagspotting.?;tapos kulay Brown
- 2023-12-15Dadalhin ng hubby ko yung anak namin sa office nila. The thing is ayaw ko sana ipahawak sa katrabaho nya na friend ng kinalantari nya noon. Natrigger nanaman ako dahil anong trauma inabot ko nun. Gusto ko sana syang pigilan pero anak nya rin naman to. Hindi ko alam mga mii di na talaga ako matahimik. Di ko alam kung OA lang ako.
#advicepls #pleasehelp
- 2023-12-1525 weeks pregnant na ako now.
Mostly 9am to 10am ako naliligo. Pero bawal sa paningin ng byenan ko. Kasi hindi daw pwede sa buntis maligo ng ganitong oras hanggang hapon. Dapat daw maligo ng mas maaga pa sa 9am. Pero, nakasanayan ko na kasi.
Ang hirap kapag ganito byenan mo, sa iba mo pa talaga malalaman yung mga sinasabi nya. Hindi man lang deretso na kausapin ako. Ang hirap makipagsabayan 😅 Feel ko mali lahat kinikilos ko.
First time mom here. 👋
- 2023-12-15Hello mommies! Need ko po words of encouragement. Respeto lang po. Wala kasi ako makausap. Nahihiya ako mag open up sa mga kaibigan ko dahil magaling sila sa pagiging nanay. 9 months na si baby pero kapag binibisita ko sya sa kabilang kwarto, parang dibiya ako kilala kahit kami naman magkasama matulog every night. Di sya excited sakin. :( After 1 month kasi need ko magtrabaho para makatulong kay mister magbayad ng mga utang nung nanganak ako. So kay yaya sya sa umaga, then buong gabi lang sya sakin. Tapos nung 4 months na si baby, nabuntis ulit ako. Tapos mabilis ako mapagod sa 2nd pregnancy ko. Mas need ko tulong ni yaya. Di pa din ako pwede tumigil sa pagtrabaho kasi may bahay pa kami na binabayaran, binili namin this year nung nalaman namin may baby kami. Need ko tumulong sa pang araw2x na gastusin. Gusto na kasi din namin bumukod kasi nakaka-stress na family ni mister. Pala desisyon masyado. Gusto ko lang malaman na kilala pa din ako ni baby. :( Need ko po ba tumigil sa trabaho para hands on na ako sa dalawang anak ko? Hirap kasi tumigil sa trabaho, hindi ako magiging kampante na si mister lang sa lahat ng gastusin kasi what if mawalan sya trabaho? Sino tutulong financially? Naiiyak ako kung ayaw ako pansinin ni baby. Mas masaya sya sa yaya niya. Tapos ako kapag nagbabantay sa kanya buong gabi, mabilis ako mapagod, mabigt na din kasi tiyan ko. 😔 Wala lang akong mapagsabihan kasi pag nag open up ako, iiyak lang ako ng iiyak. Respeto lang sa comments haaa. 🙏🏼
- 2023-12-15Mamsh okey lng ba 28days old baby lagi pa din nag popoop??
- 2023-12-15Hi mga momshie. Ano po ma recomend nyo na milk for 1yr old. Bali mixed po baby ko,sa nestogen classic formula milk at bf sakin(pero konti nlng kc milk ko).. pa help nman po, yun medyo mura lang sana.
Ps. May lactose intolerance po baby ko,kya d sya nhiyang dti sa nestogen 2,
- 2023-12-15BREASTFEEDING PO AKO 2MONTHS OLD PALANG PO BABY KO TUMATAE PO SYA NG GREEN AT SUNOD SUNOD PO SINCE KAHAPON 5TIMES PO SYANG TUMAE NG GREEN UNTIL NOW PO. NORMAL LANG PO BA TO?#FTM
- 2023-12-15Hello po mga mi sino dito same case ko nag tatake ng pampakapit tapos nilalabasan po ako ng milky white discharge pero amoy gamot minsan walang amoy .
- 2023-12-15Ask kolang po sino relate sa ganito? Si lO kase uneven skin nya. Nung pinangak ko sya maputi pero since ang tagal mawala ng paninilaw nya madalas namin paarawan kasu nung nag 2 weeks na grabe sobrang itim na sabi kase ng Pedia nya 30 minutes daw paarawan 6 am to 7. Habang nag go grow sya till now 6 months na sya ganyan na hindi pantay kulay.. lalo na legs parang kulay ng tuhod or siko tapus parang may chicken skin sya.. nag pa check up n kame sabi ng Pedia skin asthma daw. Pero since birth Cetaphil na soap and lotion nya . Wala effect talaga.. any recommendations naman po na puwedeng gamitin to lessen my baby's condition he is very dry skin, uneven and has chicken skin. He is only 6 months old thank you and please respect po. As a mother super concerned po ako sa baby ko lalo na both sides ng family may mapang lait at mapag kumpara 😭 #PleaseRespect
- 2023-12-15Last day po ng regla ko is October 29 2023 at hindi na po ako dinadatnan ng month of november until now december 15 possible po bang pregnant po ako?
- 2023-12-15Mga momsey positive poba itong preg Test ko if ganiyan Kulay ang isa??? Sinong nakaranas niyan?
Thank you Po
- 2023-12-15Hi mga ka momshie, may I ask if galing sa freezer then nag thaw ka using hot water. How many hours yung life span nung B.M?? and mag start po ba ng bilang if pag kalabas mo ng milk from freezer or yung ibibigay muna kay baby? Thank you in advance. FTM
- 2023-12-15Hi mga ka mom's. If mag-papa inom ka kay baby ng BM na galing sa ref how many hours po pwede itong itake? Thank you
- 2023-12-15hello po. normal po ba na may times na super likot ni baby then may times na minsanan lang siya gumalaw then next day super likot ulit? 30 weeks preggy
- 2023-12-15Asking lang Po Anong pong puwedeng gamot sa ubo 5 months pregnant Po first time mom here Po bigla na lang Po akong inubo di namn Po sya Malala okay lang Po Yun masama Po ba Yun ?
- 2023-12-15Hingi lang po advice 5days old na po baby ko ang lakas ng gatas ko pero ayaw niya po dumedede sa breast ko bottlefeed po siya nagppump lang ako and alternate formula
#firsttimemom #FTM #advicepls
- 2023-12-15Hi po. Mag ask sana ko if anyone po nakaranas ng Subchorionic Hematoma during their early pregnancy? Dec 7 po kasi nagkatigdas ako then Dec 8 nagspotting then agad po akong nagpaultrasound to see kung ano nangyayari sa loob then first ultrasound ko Dec8 5weeks and 3days LMP gestational sac lang po ang nakita (4weeks and 6days) then Dec 13 pinag ultrasound ako ulit ng ob ko if may pagbabago may nakita nang yolk sac no embryo seen yet bale 6weeks and 1 day lmp po un. Ngayon po umiinom po ako ng mozvit, folic at duphaston with complete bedrest po for 2-3weeks. Then Jan. 2 nalang daw po ako balik sa OB for next utz.. is there anything po na I need to worry dahil wala pa rin po nakikitang embryo? Salamat po
- 2023-12-15Hello po, ftm here baka may idea po kayo kung magkano po kaya nagrrange ngayon ang Congenital Anomaly Scan? 😅 ty po..
- 2023-12-15Mga mie ano po ba magandang gawin? Ang pangit po talaga ng skin ko lalo na sa mukha. Ang daming blackheads, tigyawat taz nangingitim. Ano po ginagawa nyo para hindi naman masyadong haggard habang buntis? #FacialSkinCare #6monthapreggy
- 2023-12-15Welch Wine
- 2023-12-15First snow experienced ng anak ko 😍❄️❤️
- 2023-12-15Hello po Ask, kulang po nanganak po kasi ako via Cs, 5 days na since manganak ako, normal lang poba na may lumabas na dugo or parang nana sa sugat? Salamat po sa sasagot
- 2023-12-15Meron po ba dito katulad ko walang tiwala kung nabubusog si baby sa milk supply? Pero magnda po diaper output nya. Every other day sya nagpopoop then sa wiwi, okay nman po kc d ko na po inaantay na mapuno. Every 6hours po ako nagpapalit sa knya ng diaper. Sa gabi unlilatch sya kaya minsan d na abot ng 6hrs palit na ako diaper kay baby.
- 2023-12-15Mga miii.. pwede ba ang Unilove Vegan Cream sa Newborn? Or when kaya pwedeng gamitin?
1 week old palang si LO and dry yung skin nya. Bibilhan ko sana nang cream kaso baka di pa pwede sa kanya. Thank you sa makakasagot♥️♥️♥️
- 2023-12-15Mataas po Kc bp ko 160/110 Baka ics po ako Kamusta po ang baby nyo? Pag lalabas ok naman po ba ?
- 2023-12-15Bebe #PoopProblem
- 2023-12-15Meron po ba dito naka experience na while nag dede si baby may lumabas na milk sa kanyang ilong?
#firsttimemom
- 2023-12-15Tanong ko lang po. EDD ko po JUNE 2024.
Anong months po babayaraan ko para maavail yung benefits?nalilito po kasi ako
- 2023-12-15Nan optipro po gatas ng baby ko tapos nung nagipit kami nilipat namen sya sa lactum tibe po dumi nya halos hindi sya makatae kala ko sa umpisa lang kasi sabe ng mga tao dito samen nakadalwang box sya ng 700grams binalik kona sya sa nan kaso hanggang ngayon di parin maalis pag titibe nya 8 months old napo sya tapos tinutubuan sya ng ngipin sa taas baka kasi sa pag ngingipin lang sana masagot po salamat po
- 2023-12-15Kaka ultrasound ko lang po result is may cord coil si baby ano po ba dapat iwasan ko kapag ganitong sitwasyon?
- 2023-12-15Red spot #
- 2023-12-15Hello po ask ko lng, pede po ba hilutin pag masakit ung talampakan at binti? If pede po panong hilot po pataas po ba o pababa? 20weeks preggy here. Tnx po.
- 2023-12-15Delay 8days
- 2023-12-15baliktad pa din routine ni baby.. 2 months sya today.. sa exp nyo mga mommy pano nyo napagpalit gabi at araw? or kusa na lang ba yan? mas mahimbing kasi tulog nya ng Umaga til hapon.. pag gabi hangng madaling araw naman yung ung mga nap time lang 😵💫😂
kapag tntry ko naman pigilan syang makatulog umiiyak naman ☹️
#pleasehelp #advicepls
- 2023-12-15Hello. Im a first time mom and im on my 36th wk na. Ano ba maganda gawin, buy muna ng manual pump or electric na ka agad? Ang mamahal ksi ng e-pump nag woworry ako baka di naman ako maka produce. Please advise. Thank you ü#FTM #firsttimemom #advicepls
- 2023-12-15Hello po ask ko lang po kung Bawal ba makipag D O KY JUSAWA KAPAG IINJECAN NA MAG PAPAINJEC NAPO KASE AKO SA JANUARY 3 eh ask lang
- 2023-12-15Ang expected mens ko po is dec 10 pero hindi po dumating kasi last nov 3 nagsex po kami ng jowa ko at pagkaumaga po uminom po ako ng emergency contraceptive pills ang expected mens ko po sana last month is November 20 kaya lang po uminom ako ng pills at napaaga ang pagmens ko noong nov 12. Ngayon pong December ay nagkamens po ako na Dec 13 kasi uminom po ako ng ferrous sulfate noong dec 12 kasi kala ko po kulang lang po ako sa dugo. Hindi ko po alam kung buntis na po ba ako or what pero yung picture na po yan is noong dec 13 lang . Nakunan po ba ako or spotting lang po yan?kasi po hanggang ngayon na December 15 ay malakas pa rin po yung mens ko bali 3 days na po ako nireregla
#buntisbaako
- 2023-12-153 days post partum, no breast milk 🥲 nilalatch ko si baby, more fluids intake, nag malunggay capsule na din ako. More sabaw na ulam with gulay and malunggay.. pinupump ko din wala parin.. pero ngayon medyo masakit na breasts ko. Mag kaka milk pa po kaya ako? 😭#pleasehelp
- 2023-12-15Hi po ask lang currently kasi ako na admit for labor nauubusan kasi si baby ng panubigan and lying in po.
Also nag c contract narin po kasi tiyan ko na stock na ako sa 6cm and possible daw na ma cs.
Question lang po: pwede po bang mag palipat sa public hospital or mas okay po sa private? Sa ngayun kasi kukang yung budget namin for private hospital.
- 2023-12-15#toothachedrop
- 2023-12-15Guys magandang umaga ako po ay nag hihingi ng tulong po kasi yung kapatid ko na operahan po meron po siyang appendix malaki na aming bill at hindi po namin kayang bayaran.
Kahit piso piso lang po malaking tulong na po yan saamin MERRY CRISTMAS PO
GCASH NUMBER: 09568527536
- 2023-12-15Hello po, First time mom of baby girl po ako, both boys kasi yung anak kong dalawa.
May rashes yung pwet ni baby, ngayon napansin ko meron na rin sa labi ng pempem nya. Tapos may lumalabas na nana sa kanya. Nung pinanganak ko sya, color white un dati, ngayon green na. 17 days old lang si baby today.
And pano linisan yung pempem ni baby? Di ko kasi nililinis yung labi eh, may mga white sya pero takot akong linisan.
Nililinisan ba un? Para kasi syang nasasaktan.
Thank you
- 2023-12-15May eczema po si baby, ano magandang sabon niya mga mii? Naka aveeno po kami ngayon. Salamat po.
- 2023-12-15Dapat ko pa bang inumin Yung pills kahit hindi PA ubos? 10 tablet palang naiinom ko niregla na ako
- 2023-12-15Mga momshie, please enlighten me , safe po ba ung ostia/ ostya/altar bread for pregnancy? Thanks sa mga convern momshies
- 2023-12-16Pag ire habang nadumi harmful ba ke baby? Pag nahilab po tyan ko saka ko sinasabayan ng mild na ire, kasi me times na matigas tlaga dumi ko kahit madami ng water. Hope po me makasagot. Salamat po in advance.
- 2023-12-16Hello mga mii ..Bonna User po ako. nung nag 6months na c baby nag change kami ng milk Bonamil.. Pero hindi hiyang c baby 5times sya mag poop sa isang araw halos 3 days din yun..Same din sa lactum. kaya nag balik kami sa bonna.. okey lang ba 7months na sya ngayon bonna parin milk niya..Dito lng kasi sya na hiyang.
- 2023-12-16Hii mga Mii!! Normal lng ba always Kasi ako nilalabasan Ng white may amoy din po..21 weeks and 6days preggy po ako
- 2023-12-16What skin care products do you use while pregnant?
- 2023-12-16hi mga mii! Kahapon may lumabas na mucus plug sakin, tapos kaninang umaga ganto naman. Pero nabasa undies and shorts ko. Is this amniotic fluid? Ftm here, sorry sa picture!
- 2023-12-16Good Day po may i ask lang 8weeks and 4days preggy na ako, ngayon may lagnat at masakit ang ulo pwede po kaya ako uninom ng gamot tulad ng paracetamol tynol? maraming salamat po sa sasagot😌
- 2023-12-16Hello po tanong ko lang po kung normal lng po sa 3 months old baby na palagi ngumunguya na parang may kinakain..tas naglalaway din sya..isip ko po nung una baka nagngingipin na pero parang masyado pang maaga,thank you po sa sasagot..
- 2023-12-16Hello mga mommies. Kwento lang ako para masagot nyo din po yung itatanong ko sana.
Nag pipills po kasi ako, tapos po nag stop ako. Then nag kamens po ako, nag taka po ako kasi yung 1st to 3rd day malakas yung 3rd day mismo may buo po na dugo pero maliit lang naman po. Tapos po sa 4th day medyo mahina na. 5th day nawala na po. Ngayon po meron ako mens ulit, kahapon po may maliit ulit na buo lumabas. Kaya nag try po ako ngayon mag PT.Then positive po lumabas pero may dugo po ako. Pang 1 week ko na po sa mens ko ngayon, dati po pag nag kakaron ako 4 days lang tapos na po ako.
- 2023-12-16Tanong ko lang kung normal lang ba pagka ganito lumabas pagkatapos e IE? Di ko na tanong agad kasi after 3 hrs pa at naka uwi nako nang bahay eto nalabas, 38 weeks na ako, pangalawang IE ko na this month.
Masakit lang balakang ko tsaka pag nag cocontractions dun na mas sasakit lalo.
- 2023-12-16DELAY MENSTRUATION #
- 2023-12-16Hello mga momies ask ko lang madalas kasi akong dumumi masama po ba sa 7 months pregnant??
- 2023-12-16No sign of labor pa din ano po ba effective gawen para makapag labor na?
- 2023-12-16Team december
- 2023-12-16Ask ko Po if ano pong pweding gamot sa nagsusugat or nagbabalat na ulo ni baby mag 1month Palang Po sya
#firstTime_momhere
- 2023-12-16Hello po..ask ko lang if oral ba itong itatake niresitahan kasi ako ganito ni ob kasi babyahe ako ng malayo low lying kc placenta ko . May nabasa kasi ako dto na pinapasok sa pwerta meron din iniinom kya d ako sure nkalimutan ko rin itanong kay ob kung iinumin ba ito. Pls enlighten me thank you.
- 2023-12-169 months si LO di sya nakaka poops araw araw ano pde mo gawin mga mhie.? Pls help
- 2023-12-16ask ko lang kung normal paba to may itchiness ren sa vaginal part ko im 30week &2days
- 2023-12-16mga mommy , sino po Ang may Jaundice na baby?
tanong ko lng po kung ilang Araw po Bago nawala Ang paninilaw Ng baby nyo.?
#
- 2023-12-16Mi ask lang ano kaya ito insect bite or rashes ngayon lng ngkaroon si baby nito
- 2023-12-16Transv result
- 2023-12-16Mga mommies, bakit po kaya kapag sa gabi kapag kaka start palang ni LO ko sa pagtulog inuobu po sya. Samid lang po kaya dahil sa milk? Ilang nights na po kase syang ganto. Pero wala naman po syang ubot sipon.
Salamat po sa sasagot
- 2023-12-16Nag ngingipin po kac si lo then after ng lagnat nya biglang lumitaw yan sa face, tummy tsaka likod nya. Thanks po, sana masagot..
- 2023-12-16Sino po dito naka ranas inuubo 3 months preggy? Ano po kaya pinaka mabisang herbal o gamot na pwede i-take? Thanks po
- 2023-12-16ask kolang po. ano poba yung panubigan na sinasabi. first time mom po dikopa po kasi masyado alam about sa buntis😂
- 2023-12-16At ano pong mga gamot ?
- 2023-12-16Hi mommies. Alarmed po ako sa color ng poop ni baby. Turning 7 months old food ,breastfeed+solid food. Normal lang po ba to, dark color ang super smelly. Sa monday pa po kasi makapagcheck up since close po bukas.
- 2023-12-16Hello monmies out there, palabas lang ng sama ng loob. Alam ko hindi lang ako ang nakakaranas ng ganito, marahil kayo rin.. Since I became a mother, I always doubting my self if I am good enough taking care of my child. Alam mo yun, yung feeling na paramh laging may mali sa ginagawa ko, naka bukod naman kmi ng asawa ko pero lahat pinupuna nila, mula sa damit na pinpasuot ko, kasi dapat daw puti lng bgo mag isng taon, mula sa pagpapaligo, nung 4months pinilit nila ko na dapat daw pakainin na at painumin narin ng tubig, ultimo sa shampoo at sabon na gamit, pati pag gamit ng aceite sa baby ko, ang baby ko kasi may g6pd, so may mga specific foods and drugs na bawal sa kanya, at the same time anemic ang anak ko kahit baby palang, lagi ng kinompare sa iba, ang gaan nya daw at kinkumpara sa apo niyang 3yrs old ung anak kong kaka 1y old palang, sa dami ng beses na nagpacheck up kmi ni baby, never naman sinabi ng dr na under weight ang anak ko or what, sila lang tong puna ng puna.. lahat ng ayokong gawin sa anak ko ginawa nila, pinakain ng chocolate nung 4months palang, sinusunid ko kasi ung strictly "no sugar no salt for first 1yr" kay baby pero sila bigay ng biscuit na may asukal, as in mga matatamis.. nung nakita na tinutooth burshan ko ung baby ko kasi may 8teeth na, bat ko daw tinututbrasan at wala naman daw kinakain... sobramg insulto nun sakin, lagi daw cerelac pinapakain ko kahit d naman.. mas madalas nga na kanin ang kinakain ng baby ko at bihira ko icerelac at magastos rin. Para silang nadedelusion na sasabihin nila na ginagawa ko kahit di namn.. lagi nilang pinaparinig na "kawawa naman si nene, kapayat. Ay kawawa nman, gutom na ata iyan" e kakakain lang naman. And fyi madami ako magpakain sa baby ko na pinuna din nila sakin.. one time nakita ko di naman nila tyinatyaga pakainin din baby ko kapag kinukuha nila sakin, at pag nagpapakain sila para silang nagpapakain ng 6months old na baby.. parang pang limang subo lang at kung minsan kahit bawal pinapakain nila, like sabaw ng lucky me, na mataas sa sodium content. Yes! They disregarded me as a mother, nilalawayan nila anak ko ng di man nila ako tinatanong kung napayag ba ako, tas pag nagkasipon at ubo at sisisihin! Kung kani kaninong tao palalawayan.. imagine? Laway un? Ipapahid mo sa bata? Sorry pero di talaga ako naniniwala sa powers ng laway kung ano man, sakit ang naging dala nya sa anak ko mula pa man noon, since hindi kami palalabas ng bahay at wala naman naninigarilyo sa bahay pero nagka pneumonia nag anak ko. Panay pahid kasi sila kahit may ubot sipon sige lang, pero sakin ang sisi. Nakakalungkot lang, sa totoo lang marami pa talagang nangyare nito kamakailan lang... nakaka stress kase d ko sila mapatulan kasi ayoko rin naman, parang wala akong karapatan as a mother na. Yun nga nanay lang kasi ako.#FTM #firsttimemom
- 2023-12-16Nag karoon na po ako last month after ko manganak nung sept 22
pero di pa rin po ako dinadatnan ngayon pwede po ba mairregular ang mens?
- 2023-12-16Hi mga mhie, mag ask lang sana ako sa inyo anung best way ang paggamit ng evening primerose oil? Advise kasi sakin ng ob ko morning and evening eh. Sa inyo ba mga mhie, pwede bang every evening lang? Salamat sa sasagot
- 2023-12-16Pwede po ba pineapple juice sa buntis?
- 2023-12-162nd Baby, Grabe ang sakit papuntang pwerta napapapikit ako sa sakit😫
- 2023-12-16Hi mga momshies paano po ba ipatake itong pedialye para kay lo na nag tatae 11mos old 6.9kl po sya. Salamat po sa makakasagot tia.
- 2023-12-16Sana po may sumagot Trying to conceive kami 6 yrs live in 🙏😞
- 2023-12-16Mga mi sino dto same case ko? 26weeks pregnant after ng CAS ko kahapon nakita Anterior placenta grade 2 dw ako. kaya pala sobrang bihira kolang maramdaman c baby gumalaw🥹 nakakapag alala normal ba talaga yun😓
- 2023-12-16Totoo po ba na bawal mag ninong at ninang sa iisang bata ang mag partner lalo kung di pa ksal kesyo parang inuunahan daw na di para sa isa’t isa o di maikasal na parang hanggang dun lang daw sa pagiging ninong ninang? Kinukuha kasi kami ng LIP ko ninong ninang sa binyag ng anak ng kapatid ni LIP, di rin naman kai pwedeng tumanggi diba po?
- 2023-12-16Sino dito kagaya ko gusto kuna po makaraos
- 2023-12-16Hello mga mimasour, 25 weeks palang si baby sa tummy dapat nasa 660g. lang sya pero upon checkup kanina 816g. na sya wala naman din sinabi si OB na mag diet ako. Any same case po? nag woworry kasi ako na baka ma cs ako kahit alam ko na di naman accurate si ultrasound and too early pa po. #teammarch #firsttimemom
- 2023-12-16good day, 4 days nang tapos yong regla ko, then ganito yong lumabas sa akin this past 3 days, mukhang discharge kasi maramj eh, ano kaya to? di naman sya mabaho at no sign of std's. don't want to overthink, pleasw can someone give me an answer?
- 2023-12-16Natural lang ba tong nangyayari kase kinakabahan nako kase po mga mi 1 week na mahigit yung pag re regla ko
November 20 nag pa lagay ako ng implant tas nag ka regla namn ako ng December 7 tapos hanggang ngayon ni reregla parin ako kinakabahan nako
- 2023-12-168 𝚖𝚘𝚗𝚝𝚑 𝚙𝚛𝚎𝚐𝚗𝚊𝚗𝚝 𝚗𝚊 𝚙𝚘 𝚊𝚔𝚘 𝚗𝙶𝚊𝚢𝚘𝚗, 𝚊𝚝 𝚑𝚊𝚗𝚐𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚐𝚊𝚢𝚘𝚗 𝚎𝚑 𝚋𝚛𝚎𝚊𝚝𝚏𝚎𝚎𝚍 𝚙𝚊 𝚍𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 1𝚜𝚝 𝚋𝚘𝚛𝚗 𝚔𝚘 𝚗𝚊𝚐 𝚖𝚊𝚐 2 𝚙𝚊𝙻𝙰𝚗𝚐 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚓𝚊𝚗𝚞𝚊𝚛𝚢, 𝚊𝚗𝚘 𝚔𝚊𝚢𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚎𝚙𝚎𝚔𝚝𝚘 𝚗𝚒𝚝𝚘 𝚜𝚊 𝚋𝚊𝚋𝚢 𝚔𝚘 ?? 𝚃𝚑𝚊𝚗𝚔𝚜 𝚙𝚘 𝚜𝚊 𝚜𝚊𝚜𝚊𝚐𝚘𝚝 ☺️
- 2023-12-16Sumasakit ang tiyan ko pero nawawala din agad, maya't-maya sasakit tas mawawala rin, may mga lumalabas rin po sa'kin na parang sipon tuwing tumatayo ako pag nakahiga or after ko maihi, nagpaCheckup na po ako nasa 3cm pa lng daw, antayin ko raw na mahaluan ng dugo ung lumalabas sa'kin or pag nakaramdam daw Ako ng pananakit ng tiyan at sa may bandang likod saka na daw ako bumalik 🥺 dapat ko po ba silang sundin?
- 2023-12-16good day, 4 days nang tapos yong regla ko, then ganito yong lumabas sa akin this past 3 days, mukhang discharge kasi maramj eh, ano kaya to? di naman sya mabaho at no sign of std's. don't want to overthink, pleasw can someone give me an answer?
- 2023-12-16kaninong doctor dapat magpacheck up pag may sugat ang suso dahil sa pagpapabreastfeed or nakagat ni baby ang nipple?
- 2023-12-16Hello, ask lang po. Not yet delayed pa naman po, last mens ko po nov 25-28. Based po sa period tracker ko dec 6-14 ay fertile days ko po (dec 12 ovulation day). Then, dec 5, 13 and 14, my boyfriend and i made love pero lahat po yun is withdrawal. Ask lang if high chances po ba mabuntis if nag sex after ovulation and when po ang best time to take pt? Dec 25 po expected period ko. Thank you po sa sasagot.
- 2023-12-16hello everyone, any thoughts?
- 2023-12-16Nakakapagod. Ako lang ba dito ang may asawa pero parang wala? Hindi naman kami hiwalay at in good terms kami ng hubby ko. Pero simula ng magka first baby kami halos ako ang gumagastos. Ngayon na mag ffirst birthday na ang anak ko, ako pa din ang shoulder sa lahat ng bayarin. Both of us are working po, mas malaki nga lang po ang sahod ko kaysa sakanya dahil nag wowork po ako as government employee. Normal naman po na mafeel ko n mapagod lalo na kung wala sumusuporta. At dapat bilang tatay sana nagpprovide din naman siya kahit para sa anak na lang. Inuna pa po niya ang ibang tao kaysa sa sarili niyang pamilya.
- 2023-12-16Sino po rito may ubo’t-sipon na? Ano pong home remedy nyo? 18weeks preggy po. Salamat
- 2023-12-16Pregnancy
- 2023-12-16Pregnancy fist timer
- 2023-12-16Not related po sa topic here pero gusto ko lang magrant about sa tita ng asawa ko. Nakakainis lang kasi unang beses pa lang namin magkita nasabihan na agad ako na makapal daw mukha ko kasi nakikitira na nga lang daw kami hindi pa ko marunong makisama samantalang kakakilala lang namin hindi ko ma-take ugali ni ante siguro ganon talaga pag dating nalulong sa pinagbabawal na gamot nagkakaron ng diperensya ang utak. Gusto ko na talaga bumukod mga mamsh asawa ko lang ang may ayaw any tips po?😭
- 2023-12-16Mga mi tanong ko lang sa pag i-store po ba ng breast milk, anong time yung ilalagay or inonote don? Yubg time na nagstart ka mag pump or yung time na natapos ka mag pump? Thanks in advance po.#pleasehelp
- 2023-12-16hello po, gaano katagal po nag tatagal ang discharge after having cs? thank you po!! #firsttimemom #ceacesarian
- 2023-12-16Mga mommy ask ko lang due date ko bukas pero di pa din ako nakakaramdam ng labor. Due date ko 18 pero yung unang ultrasound ko dec 27 ang due date ko ano po ba dapat sundan? Nag woworry lang po ako
#firstbaby
- 2023-12-16Hello po, is it true na hindi pwedeng mabasa o mag basa kase mabibinat? Ano pa po ang mga bawal for cs mommies?
- 2023-12-16Bawal po ba umangkas sa motor ang 38weeks and 2days pregnant nasa 2cm na po ako?
- 2023-12-16Is it true na bawal din po muna ang malalamig? Thank you sm! #firsttimemom #pleasehelp