Sơ đồ trang Bé Yêu - Các bài viết của năm Tháng 3 2021
- วันหัวข้อ
- 2021-03-13pwede pobang pag sabayin Ang pedzinc at Ang tikitiki drops
- 2021-03-13Hellow po good am po pwede po ba magtanong?
Ganto po ba yung nararamdaman ng isang buntis? Antukin po tapos parang pagod parang nilalagnat tapos ihi po ihi nahihilo nasusuka po pero di maisuka parang puno po yung tsan utot po ng utot tapos po parang pagod tamad kumilos sa anong weeks po ito mararamdaman?😣 sana po masagot ty po💖
- 2021-03-13Hello mommies ask ko lang po if pwede ba ako gumamit ng lubricant to insert the vaginal progesterone? Medyo mahirap po kasi tlga iinsert lalo na pag minsan dry ang vagina.
TIA
- 2021-03-13Question po , uminom ako ng pills last sunday (During my first period) until today (6days taking pills)pero hindi consistent 8pm , since 8pm ko sya ininom nung first day may araw na 9pm ko na sya naiinom pero di ko sya nakakalimutan inumin araw araw, and now, nag unprotected sex kmi ni husband ko. My chance po ba na mabuntis ako?
- 2021-03-13Specifically, 2 mos old and 3 y/o boys
- 2021-03-1336 weeks today bawal pa daw ako manganak 1 week pa 😭 pero 2cm nako pano po kaya dapat kong gawin para umabot pa ako hanggang sabado? hindi na po ako niresetahan ng pampakapit kasi 1 week na lang naman daw po 😔
- 2021-03-13Hi parents, napapalo ko ng malakas minsan (super minsan lang talaga) ang anak ko sa sobrang kulit at hindi pag sunod. Alam kong mali at may pangit na epekto, pero meron ba dito mng parents ng mga biggers kids na napapalo rin ang anak noong toddler sila pero okay naman lumaki, hindi violent o ano?
Natatakot kasi ako sa pagpalo ko minsan baka maging violent pag laki...
Any tips and advice paano ko mako-control ang temper ko?
- 2021-03-13Meet my 3day Old baby gurl Elaedjah Hope. Ano po kayang magandang n.name for her? Bukod sa Ehli 😅 Thanks mga mamsh❤
Share ko lng din ang paghihirap pero worth ig delivery.MEDYO MAHABA.
EDD: March 17
DOB:March 10 via ECS 3KG
March08 2-4am Naghilab.inanty mag7am pumunta ng rotary lying in.4cm daw
Uwi muna lakad2 squats.waley.
March09 1am to 4am sunod2 na.kaya punta ulet lying in
6cm daw. Inadmit na kami.
Buong araw na labor.nawawala wala ang hilab. 12nn 7cm. Mayang hapon daw lalabas maganda na daw.nakakapa na nia ung panubigan.Hanggang inabot ng 9pm. 8cm lang.mataas pa daw c baby.😅
pag ei daw mga 10pm.transfer na kami sa osmun.kasi need na mamonitor si baby. hindi nga bumaba...punta na kming osmun. Walang hilab. Parang wla lang sakin😅 11pm.arrival.
March10.5am bago nakapasok kasi covid protocol.tapos wala aqng swab test😅 kung meron sana dertso na kami kasi inaanty na kami ni Dra..Pag akyat kabit ng hb monitori kay baby ok naman..pero nasa "dirty" labor room .ako kasi walang akong swab lahat ng walang swab at waiting na result don daw. tatry namin kung baba daw. Until 12nn wala di bumaba. Sched for ECS na.1pm.kasi baka mastress na si baby.. 2.12 pm baby's out sabi ni Dra. Dumaan lang mabilis sa harap ko si baby.puro poops na nga siya . Onte nlang daw makakain na. Buti nalang biniyak na. Thank you Lord. You are indeed protect us. Your time is perfect.🙏
Sa recovery room.tanong na ko ng tanong kung makikita ko na si baby. Later daw pag kaya ko na. True baman kasi. Nanginginig pa upper body ko lower manhid pa dahil sa anesthesia .Around 9-10pm dinala na sakin si baby.un na pala un.. ibreast feed daw. Aun. Hanggang today. Ako nagaalaga magisa..
Feeiling super woman ako after this moment of my life.All by my self ba naman😅🤣 Napapaikyak na ko kasi di ako makakilos na maayos.sakit ng tahi. tapos iyak ng iyak si baby kc di makadede na maayos💔 Di makapasok ang mabuti kong asawa kasi wala pang swab result... haist.
Until today.March13. Wala pang result. Kasi nireswab lang namin today ni baby. My nakasama daw kasi kami sa OR na positive.💔 sana bukas my result na. 2days palang pala ako dito. Pero feeling ko 1week na.🥲
Miss ko na asawa kong mabait😘 at need ko na ltga katulong kay baby 🤣
Realization:
🌸Dapat pala umire ako ng umire?hehe di kasi ko naire. Inaanty kong mag9cm man lang.Kakapanood ko ng breathing exercise during labor sa youtube naperfectko.pati kegel exercise🤣
🌸Sa susunod di ko antayin labor.pasched biyakcna agad.🤣
🌸Magpaswab test tlga. Kahit sabihin ni dra wag na muna kasi 1week lang validity nun.mas ok padin ang advance😅
Salamat sa mga concerns. Please pray makauwi na kami🙏 Negative Result Lord. In Jesus Name.
HAVE A SAFE DELIVERY MGA MAMSH Lalo sa mga team March 😊
#1stimemom #firstbaby #pregnancy #teamMarch
- 2021-03-13Ano po kya dpt ko gawin? yung biyanan ko gusto nya ako pa mag alaga sa dlwa nyang apo na 8 years old na pamangkin ng asawa ko gusto nya ako pa mag papaligo at mag bibihis lht gusto nya ako gagawa dhl iniwan nya dito at ang nanay nsa ibang bansa. May ank dn po ako 2 isang "5yrs old at isang 7 months" s knila pa lng wla na ako time sa srili ko nadagdagan pa ng dlwa. 😔😔😔
#advicepls #advicepls #pleasehelp #dalamanggagawin #pagodna #nagmukhangmatanda #feelingkatulong ##advicepls #advicepls #advicepls #advicepls #advicepls #advicepls #advicepls #advicepls #advicepls
- 2021-03-13Hi Momies! 1st time mommy: need help ako kung anu mga important needs ng mommy and baby pa mangangank na. Thank you po. No parents to guide na po kasi ako. #1stimemom #firstbaby #pregnancy #pleasehelp
- 2021-03-13Sinu po dito nakaranas ng matinding pangngati sa katawan? Anu po ginawa nyu?#pleasehelp #1stimemom
- 2021-03-13Ano po ba ang CAS? Thank you po sa pagsagot🤗
- 2021-03-13mga sis. pa help naman po sa mga gising pa ditu .. di po talaga ako makatulog kaninang hapon lang po sininat si lo. tas hanggang ngaun na pataas ng pataas lagnat nya lahat na po na remedies pampababa ng lagnat ginawa na namin
- towel na malamig
- sibuyas sa paa
- suka na ipampunas
- nainom na tempra 0.6 for 5months old
diko po kasi alam kung nag ngingipin na sya kasi lately nga panay sya nag laway,ngatngat, tas medjo maga din gums nya .. tas siguro 2 to 3 days pag ka dede nya tulog lang saglit mag poops na sya pero di liquid ang poops nya medjo mustard yellow tas huli nag green na bubbles na ..
diko na po alam gagawin ko ang hirap i takbo kagad sya sa hosp. ng my lagnat pa sya at mataas kaya panay lang kami agap sa punas ng bimpo na may suka .. kaso temp.nya panay 38 to 39 saglit lang nababa sa 37.8
#advicepls
- 2021-03-13What to take when having toothache? I can't sleep at night
- 2021-03-13hello po mga ka mamsh na delay po yung bakuna ni baby pang 1 year old. dapat nung december yun e kaso bigla kasi kami nun ng lockdown. pwede pa po kaya mahabol 1yearand3months n po si baby
- 2021-03-13mga mamsh, pano mawawala ang hairfall? :( grabe hairfall ko halos kalbo na part ng scalp ko 😭 4 months postpartum.#1stimemom
- 2021-03-13Disclaimer: No judgemental po and long post ahead...
Simula nang naloko ako sa relasyon, hindi na ko naniniwala sa relasyon at commitment. Pero masasabi ko pa rin isa akong hopeless romantic. Hoping na dumating ang isang lalaki na para sa akin.
Nasanay akong mag-isa yung tipong na, kaya ko na ako lang. Malapit naman ako sa pamilya ko. Pero nasanay lang talaga ako na mag-isa. Siguro dahil naloko ako sa unang relasyon ko kaya tinatagan ko na.
Natakot na rin ako sa commitment.
dahil sa no-commitment may mga naka-fling ako. Hindi naman sabay sabay sila everytime na may tao ako nakikilala minsan yun lang habol nila sex lang. Everytime naman may makafling ako, iniisip ko sana sya na yung tao para sakin ganun talaga pero no expectations.
Dahil dun nasanay na akong hindi mag-invest na emotions.
Nagkaron ako ng fubu/friends with benefits, year 2019 October, saulado ko pa..
Nag-umpisa sa unang kita, game agad, hanggan pangalawa hanggan may mga sumunod pa. Sa akin nung una okay lang, di ako nagtanong about sa background nya. About lang sa work nya ang tinanong ko. Isa daw syang VIP security di ko alam if politiko ba o hindi. Di na sinabi confidential daw.
Hindi ako nagtanong about sa family kasi naisip ko nun ayaw ko nang malalalim na pagkakilala sa kanya, dahil ayaw ko mahulog nang tuluyan sa kanya. Weakness ko kasi ang family, feeling ko pag nakilala ko na ang tao pati family nya malalim na ang pinagsasamahan namin.
Ngunit nagkamali ako, kahit na ganun lang ang setup namin, nagka gusto pa rin ako sa kanya.
Minsan sinabi ko sa kanya, tigilan na natin to, ayaw ko na ng ganitong setup. Ang sagot naman nya ay bakit meron ka na bang iba. Ang totoo ay wala naman, wala akong iba.
Dahil marupok ako tinuloy lang namin, nagtanong ako sa kanya noon kung ano ba talaga kame sabi nya friends daw kame friends with benefits. Noon okay lang dahil dala pa rin ng takot na baka maloko ulit ako.
Dumating ang year 2020, nagkita kame hanggan February bago mag-pandemic ganun pa rin, as fwb lang talaga. Pero iba ang feeling pag magkasama kame, jibe kame, totoo lang ako sa kanya. Kaya siguro kahit ganun ang set up namin nahulog ako sa kanya. Hanggan dumating ang pandemic hindi pwede lumabas at dahil strict din talaga sa kanila naka locked-in sya sa work. Bawal daw silang lumabas.
Dumating ang December, mejo ease na ang community quarantine sa bansa natin. Locked-in pa rin sila pero pwede nang lumabas pag kelangan.
Dahil mejo pasaway, bumisita sya sa akin, syempre alam nyu na di mawawala yun, may nangyare sa amin. Nung mga time na yun di ako naka pills, dati kasi nagpipills ako.
Dumating ang January 2021, hindi na ko mapalagay dahil hindi pa ako nagkakaroon. Kaya nagPT at nag pacheck up ako. Positive.
Buntis ako. Halo halo naisip ko nun di ko alam if pano ko sasabihin sa kanya.
Bumisita sya ng January, wala pa syang alam na buntis ako. Expected nya na nagkaron ako nun at nagpipills ako ulit. Wala pa talaga syang alam na buntis ako dahil ayaw kong sabihin sa chat o message, natatakot ako na baka hindi na sya magparamdam.
At nang bumisita sya, syempre ayun nagchurva.
Pagkatapos nun sinabi ko sa kanya, alam ko nagulat ko, umiiyak ako nun sa knya kasi hindi ko masabi, kaya binigay ko lang ang papel ng ultrasound.
Buntis ako, 9weeks na.
Sabi nya mag-usap pa rin kame, pero sinisisi nya ko na sabi ko daw safe ako, akala ko talaga safe ako nun khit di ako nakapills kasi kakatapos lang ng period ko. Pero andito na to, mas lalo akong naiyak na malaman may anak na pala sya.
May pamilya na sya. 😭😢
Hindi ko alam yun, wala akong idea na may pamilya na sya. Aamin ko nagkakausap lang kame pag pupunta sya, hindi ganun kalalim ang usapan namin pag may kachat kame.
Hindi ko na alam, kasalanan ko ba na hindi ko sya kinilala ng lubusan.
Ngaun, hindi na sya nagpaparamdam.
Sinabi ko sa kanya hindi ako maghahabol sa kanya pero para sa bata lang.
Gusto ko mabigyan ang apelyido ang anak ko.
Sinabi ko sa kanya, bigyan nya ng apelyido kasi anak nya rin to at pumayag naman sya.
Masama ba yun? , ngayon ay ma 4 months pregnant ako ngaun.
Hindi naman ako masamang tao, di ko gusto makasira ng pamilya dahil alam ko ang pakiramdam ng broken family.
Kaya iniisip ko hindi na humingi ng sustento pag ka panganak ko at hinding hindi na nya makikita anak nya. Ang alam ng mama ko, wala na ang tatay ng anak ko, yun ang sinabi ko. Ang hirap, kasi kahit sa ibang friends ko di ko rin masabi ang totoo .
Ngayon pinipilit ko maging strong para kay baby.
#pregnancy #advicepls
- 2021-03-13Mga moms magaalala ba ako pag may murmur sound daw heart ni baby? Thank you po sa sasagot.
#1stimemom #firstbaby #pleasehelp
- 2021-03-13Mga momsh bakit po white poops baby ko first time niya po, sana mapnsin niyo po😢
- 2021-03-13#1stimemom #firstbaby
- 2021-03-13Ako lang ba? sinusuka yung kinain before or after uminom ng vitamins? #1stimemom #firstbaby #pregnancy
- 2021-03-13Hi mga momshies. Normal lang ba na nangangati halos buong katawan. 26weeks preggy ako ngayon. Thanks
- 2021-03-13#1stimemom #firstbaby #pregnancy #advicepls #pleasehelp
- 2021-03-13Ano po ba ito? Para po syang itlog na puti
- 2021-03-13Pwede ba ang buntis sa covid vaccine?
- 2021-03-13Hello team first time mommies. Ano po ang gender ng inyong first born? Mine is baby girl, if ever po ilan percent po possible na magkamali ang ultrasound? Thank you
#1stimemom #firstbaby #pregnancy
- 2021-03-13#pleasehelp
- 2021-03-13Mga momsh safe lang ba makipagsex kay mr. Kahit 32 weeks preggy diba delikado...#1stimemom #firstbaby #pregnancy #advicepls
- 2021-03-13Any recommendations mamshies ano pa pong magandang formula milk para sa 4 month old baby, ung nakakataba po? Hindi po kasi hiyang si LO sa S26.
- 2021-03-13Hi mga momshies. Candidate ako for cerclage today. Please pray for us ni Baby. Malakas naman si Baby pero sana kayanin ng Cervix ko ang procedure. 🙏🏻 26 weeks here! Anyone here who experienced the same po? Need your advice mommies. How's your pregnancy po? Nakaabot po ba ng full term?
- 2021-03-13#1stimemom #MommyNiAstrid
- 2021-03-13Thank you
- 2021-03-13Unlike sa nestogen napapadighay ko naman sya kaso nga lang di nya gusto lasa kasi niluluwa nya. Ano po kaya ang gagawin ko?
- 2021-03-13Hi mga mommy, Pa suggest po name ng baby boy ko start with letter K and 2nd name start with letter C. thanks! 😊 😘 23 weeks and 4 days preggy!
- 2021-03-13Can't wait to meet the new member of our family💖😍 .
#ITSAGIRLLLLL
- 2021-03-13hi mga mommies! ask ko lang po if its normal? thanks po.
im 27 weeks pregnant for our 2nd baby.
around 5am po today bigla sumakit upper portion ng tyan ko tas nawawala tapos sasakit nanaman po. and then from 5am to 6am po thrice na ko dumumi ng tubig. wala naman po any discharge.
- 2021-03-13good am mga mamshie.. ask lang po if mababa na ang tummy ko? medyo nakakaramdam na ako ng pananakit ng puson at palagi ihi ng ihi,second baby ko po ito..☺️☺️#pregnancy
- 2021-03-13Ask ko lang ba kung ako lang ang sumasakit ang likod (particularly sa gulugod) minsan yung tahi ang kumikirot.
Lalo na malamig ngayon, nagising kasi ako ng 3am kanina para magtimpla ng gatas ni baby... At hindi ako makabangon at kilos agad dahil hindi ko magalaw ang likod ko, makirot at masakit sya.
Sabi ng isang mommy sakin, mag binder ako para mawala or malessen yung sakit. Kagabi ko lang naramdaman yung ganung kirot #pleasehelp #1stimemom
- 2021-03-13Ilang taon ba dapat i pursue si baby na mgbasa at magsulat ?
- 2021-03-13San kau manganganak mga momsh..ilang days ba bgo ma expired ung swabtest..pde ba dto na kpag nasa ospital na dun nlng magpa swab o need tlga may swabtest ??
Sino mga tga mandaluyong po dto na manganganak sa mandaluyong ospital ??
#advicepls #pleasehelp
- 2021-03-13Ano po kaya dapat ko gawin? 4mos c baby open cup na kami. Ngayon po 9 mos na sya nilalaro nya na po ang tubig. Ginagawa nya pong bubbles. Halos di na umiinom ng tubig 😥 #notobashplease#1stimemom #firstbaby #advicepls
- 2021-03-13Normal po ba na 2 days na di nag popoop 2months old baby. Mixed fed sya 9oz na formula milk a day then the rest breastfeed na. Thank you
- 2021-03-13#pregnancy