totoo po ba?
Totoo po ba yung pag di daw nagsusuka pag buntis eh baby boy daw un?hahaha di ko kasi naranasan nduduwal lang ako sa amoy pero never ako nag suka. ??
Depende cguro sis..kc aq boy dinadala ko pero naranasan ko tlga magsuka and walang ganang kumain kc naisusuka ko dn ang kinakain ko.
Karamihan pero hindi lahat. Dami ko kasing naencounter na ganyan. Di sila nagkaro'n ng morning sickness, lalaki ang baby..
Not true po mamsh. Sobrang selan ko esp sa 1st trimester sinusuka ko lahat ng kinakain ko pero boy ang baby ko hehe.
Hindi po ako nagsusuka. At sana totoo po yan kasi gusto po namin baby boy ang unang anak namin ni partner
Not true. Wala yun sa symptoms or itsura ng buntis. Sa ultrasound mo lang talaga malalaman around 5mos.
Ako hindi ako nagsuka sa first at ngayon pregnancy ko baby boy panganay ko tapos ngayon baby boy ulit
Di ako nagsuka nung buntis ako, tapos lalaki ang baby ko. Pero tingin ko hindi naman totoo yun. Hehe
Hindi po,,, both pregnancy ko di ako nasusuka,,, girl yung first born ko ngayon namn boy... Hehehe
not true. depende po cguro kpg maselan. ako ksi suka ng suka nung 1-2nd trimester. boy po babyko
Salamat po sainyong mga opinyon na appreciate ko po 💞 god bless po satin mga mommies 😉