False Labor...

Mommies, Good morning! Ako ulit ? kahapon po saktong 37 weeks kona and nung gabi nag ccontract napo yung tiyan ko nung una 8mins interval tapos lalambot ulit tiyan ko. Then, maya-maya 5mins na tapos kasing tigas na ng bato edi kumalma ako. Tapos naupo sa kama kinakausap ko si baby sabi ko "kung gusto mona lumabas give me a sign" tapos maya-maya po biglang dumausdos yung ihi ko pero yung pananakit ng likod ko tolerable pa naman atsaka walang mucus plug na lumabas. Pero sabi ko sa mama ko punta na tayo ng OB para macheck kung open cervix naba ako or hindi pa. Tapos nung nandun na kami ang sungit-sungit nung OB. Tapos sabi niya "Ano ang concern mo ihja?" Sabi ko "Doc, nag-ihi kasi ako ng diretso kanina tapos nag ccontract yung tiyan kopo. Pero wala pang mucus plug at hindi rin po ako sure kung open na cervix ko kasi dipa ako na I.E" Sabi ba naman, "Ako din hindi ko sure kung panubigan ba yan or ihi lang na dahil sa false labor". Tapos nainis ako kasi ang bobo ng sagot niya sakin. Tapos nag I.E po kami then close cervix pa daw po ako sabi niya. Then, nag referral siya ng ultrasound para macheck yung amniotic fluid kopo. Okay naman heart beat ni baby nung chineck. Kaso nag tataka lang po ako possible bang false labor lang yung may lalabas na ihi sayo? Pero I admit di siya nag dire-diretso mga momsh atsaka wala mucus plug nakakainis lang kasi mag papa I.E lang naman ako para malaman kung open naba kung anu-ano pinag sasasabi niya. P.S Public hospital po kasi ako manganak (I'm not generalizing na masusungit ang mga public doctors po aa.) Thank You!

False Labor...
1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Normal lang yan ganyan din ako noon. Halos 1 glass of water ata lumabas sakin pero wala pa di pa time para manganak. Siguro daw nagbabawas ng tubig.