First time mom ??

Hello po ? First time ko po magpost dito baka po kasi mareject ako sa tanong ko po. Im 22 years old and Duedate ko is Feb 29, 2020 and Tago po itong Pagbubuntis ko sa family ko kasi ayoko na po dumagdag sa problema nila, Ginawa ko po ay Nag ibang bahay po ako simula 6mos hanggang sa itong manganganak na ako pero still working po ako to support finacial need nila at konting tabi tabi narin para kay baby (Wala po kasi yung nakabuntis saakin ayaw nya pa po kasi magkaanak ?? kaya di nya inaako tong baby nato kasi daw baog daw sya) ask ko lang po mga First time mom at mga February due date may possible po bang 1 week or 2 week before due date ay pwede kana manganak? According sa Ob ko nagpacheck up ako Bukas na daw po yung labasan ng baby ko and then may discharge po ako na magcacause daw ng Labor ko kaya po niresetahan po ako ng Gamot pantanggal hilab kasi sabi ko sumasakit po pempem ko everytime na maglalakad, uupo or kahit galing ka sa upo na di naman katagalan is sumasakit na sya kahit yung tiyan ko sumasakit sa sobrang kabado ko tinanong ko sya kung nakaposition na ba sya sa paglabas, sabi nya oo kaya pwede daw manganak na ako this week or nextweek kaya binigyan nya ako gamot para daw makumpleto ko yung 37 weeks ko. Baby boy po sya, salamat sa sagot at advice nyo! Godbless po at sana walang halong panghuhusga kasi according dun sa situation ko kaya diko sinasabi na buntis ako, Sobrang gulo na po kasi ng pamilya nyo na everytime na mag aaway silang lahat tanging magagawa mo lang is lumabas at bitbit ung pamangkin mo para walang makitang sakitan.. Salamat po

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời