byenan na pakialamera

Pa voice out mga momsh!, napakahirap malagay sa sitwasyon na lahat ng kilos pinapakialaman ng byenan, ultimo kung ano susuotin ng baby ko dapat ganito ganyan porke sya may bili mga gamit ng baby ko (wala kasi work asawa ko mula nung nabuntis ako e), ang hirap sumagot hnd ko kasi ugali makipagtalo sa mga walang kwentang kausap haha pero totoo palagi magaling byenan ko gusto nya sya lang palagi tama, minsan naisip ko kung lumayas kaya kami ng apo nya para matauhan naman sya, pakiramdam ko kasi wala ako karapatan sa anak ko pano pa kapag habang lumalaki anak ko baka ma spoiled nya lang. Ayoko mangyari yun. Pati sa pagpapakain sa baby ko sya nagdedecide 6months na baby ko pero marunong ako mag alaga ng baby dahil panganay ako sa 7 magkakapatid kami. Kapag sinasabi ko sa asawa ko magbukod na lang kami ayaw nya nagagalit lang sya sakin kasi nag iisa na lang dw magulang nya iiwan nya pa at nag iisang anak lang din kasi sya. Nasa huli talaga pagsisisi :( Enlighten me mga momsh hnd ko talaga alam gagawin ko :(

37 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

normal yan sya pla nagpapakain at nagproprovide ng lahat ng needs pati ng anak nyo..pag trabahuin mo yang asawa mo para magkaron kau nag boses

Unang apo intindihin mo na lng byanan mo. .makukuha mo din loob nya. .wag mapride alamin mo san kiliti nila. .sumang ayun ka na lng. .din. .

Kausapin mo sis ipaalam mo sa kanya yung nararamdaman mo bilang isang magulang na ikaw dapat ngdedecide pagdating sa bata 😊

Kaya po ganyan si byenan niyo kasi po dependent asawa mo sa kanya thats why

Oo sis pwede silang mag suggest pero Hindi sila pwede magdesisyon

Pls lang po. Mag solo po kayo ng bahay...

Ang dami pang pamahiin ay nku

5y trước

I mean sa mga manugang