Tawag sa mother ni partner
Okay lang ba na tita pa rin tawag ko sa mama ng partner ko? 5 months na po baby namin ng partner ko and nung tinawag kong tita yung mother nya nung nasa center kami, sabi ng mga nandon dapat daw mama na tawag ko sa kanya. Tbh kasi parang di pa ko ready na tawagin syang mama kasi di pa kami kasal ng anak nya (oo alam ko di pa rin kami kasal nung nakabuo kami 🥹). Tsaka di ko rin alam kung pwede na sa kanya na tawagin ko syang mama. Ngayon tuloy pag may mga gathering dito sa bahay, di ko alam kung tatawagin ko syang mama o tita kaya nakikisuyo na lang ako sa kapatid ng partner ko