Nung buntis kayo, naiiyak din ba kayo at nalulungkot na walang dahilan?

1202 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

super yess .. nakakainiss nga ehh ,yung tipong tatanungin ka ng asawa mo kung bakit ka umiiyak tapos ang maisasagot mo hindi mo alam or ewan mo .. kaya swerte na lang kung may maintindihin kang partner

Thành viên VIP

Nung 8to9weeks plang ung bb k bilis ako magalit maqselos s asawa k paq my ibang k chat at umiiyak halos gabi gabi .. Iwan k ang bilis k umiyak nun .. At magalit s knya .. Peru ngaun dina masyado .. Cguro ones a week nlng

Recently naman yung anak ko nag lalaro then nakita ko pinag laruan yung lotion ko sa labas ng bahay. Di naman nya inopen basta lang andun lang grabe iyak koo inaway ko pa si hubby kasi pjnabayaan lang nya pag laruan haha

Nako Ou Mamsh, Ganyan Na Ganyan Ako.. Natural Lng Sa Buntis Yan..Ngbabago Kc Hormones Natin..Kaya Minsan Biglaan Dn Ung Moodswings Ntin...My Time Na Masaya Ka Taz Maya Maya Malulungkot Ka At Maiiyak Bigla..

Thành viên VIP

hahahaa oo sis, taposnung asawa ko nga inutusan ko lang un ah, saglit palang siya nakakaalis feeling ko sobrang tagal na, tas pagbalik niya umiiyak na ako kasi sobrang natagalan ako sa kaniya bumalik pauwi hahaha

i feel you. normal naman sa ating mga buntis ang roller coaster na emotions. yung mga hormones natin masyadong madami kaya ayan emotional. 😀 think of happy thoughts para happy din si baby.

Thành viên VIP

Yes, tapos yung asawa ko nagagalit sakin nag iinarte lang daw ako hanggang ngayon nga kahit nanganak na ako ganun pa din ako minsan siguro kasi nakakalungkot wala kasama sa bahay kami lang ng baby ko.

Thành viên VIP

Yes. Tinatawanan nga ako ng hubby ko minsan. Nanunood lang kasi ako ng mga documentary, tas bigla akong nagiging emotional. Like, wala naman nakakaiyak dun pero naiiyak talaga ako. 😅😆

Yes. Yung feeling na parang mag isa ka lang sa mundo. Yung feeling na parang walang tao sa paligid mo. Lungkot na lungkot ako kahit walang dahilan. I'm almost 6mos pregnant and ganito pdin ako😞

Yes. Madalas nga hindi lang pansinin ng LIP ko yung sinasabi ko umiiyak na agad ako or pag minsan may time na bigla na lng ako naiiyak ng hindi ko din naman alam kung bakit.