Re: SLEEP TRAIN
Natutulog ang baby ko ng 8 or 9 PM every night at nagigising ng 9 or 10 AM every morning. How I sleep train him? I trained him as early as possible. Maeffort at firts dahil gumawa ako ng sariling schedule na komportable ako at komportable sya. Under observation for 3 days and trained him for 1 week. Now, nearly 4 months na sya at di ako napupuyat. Mapupuyat man ako dahil sa pagsocial media ? ROUTINE for 1 week after nya malabas ng NICU (2 weeks sya sa nicu simula pagkaanak because premie and may Sepsis) (depende sa inyo kung ganon nyo gustong katagal, but eto yung inestablish ko sa kanya at nagwork naman). Nagaalarm ako... 6:00 AM - gising man sya buong madaling araw/ puyat o tulog, kelangan gising sya ng oras na yan. 6:00 - 6:15/ 6:30 AM- Playtime 6:30 - 7:30 AM nasa garage kami para magpa-araw 7:30 - 8:30 AM nasa loob na dapat kami at nagaalmusal ako habang nakalapag sya. Bahala sya kung matutulog sya basta yan yung time ko. 8:30 AM Prepare ko sya para maligo at syempre paliliguan ko na. 9:00 AM - 1:00 PM bahala na sya kung matutulog sya, maglalaro or anything basta maglalunch ako at random nalang yung gagawin namin. Madalas naglilinis din ako sa time na to. 1:00 PM natulog man sya before 1, kelangan matulog sya ng 1 AM no matter what. Mahirap to dahil nageestablish ka palang at di pa sya nagaadjust. 4:00 / 5:30 PM ginigising ko sya. 6:30 PM nililinisan ko uli sya. 6:30 - 9:00 random uli bahala na kung anong gagawin namin basta di sya matutulog 9:00 PM Sleep time namin. At pag sleep lights off at binibigay ko yung blanket nya na during sleep time ko lang binibigay. Papadedehin na din sya at change uli ng diaper. Sa madaling araw naman nung umpisa gumigising ako ng 2:00 AM lagi para magpadede. Pero ngayon hindi na kasi alam nya na matulog ng 9PM hanggang 9 or 10 AM. The only key is to establish schedule. Kasi ang bata sumusunod yan sa routine mo. Alamin mo kung san sya komportable para mapatulog at gawin mo lagi yun everytime na matutulog sya para alam nya yung wake up time at sleep time. After that week medyo adjus padin sya pero strict ako sa routine na yan kaya kusa na syang nagigising at natutulog sa mga time na inestablish ko noon for about a month. Hopefully makatulong sa mga mommies ♥️♥️