70 Các câu trả lời
drink more water po.. wag pigilin ang ihi .. drink coconut also.. iwasan kumain ng mejo maalat, wag kakain ng noodles, chichirya, wag ka din muna mag coffee.. mag lagay ka ng cocumber or lemon sa tubig mu .. tapos ibantay mu sa tabi mu para inom ka every now n then.. isang lagok every minute. change ka panty every 2hrs.. wagka gumamit ng panty liner po.
Kaka 2nd urinalysis ko lang tingin ko ok na naman result ni resetahan din ako ob ko ng antibiotics tinake ko for 7 days and lagi ako umiinom ng buko juice umaga empty stomach and hapon din and ginagawa ko din kada gabi pag mag shower ako pinanghuhugas ko sa ganun ko small amount ng apple cider add water kc diba pron tayu sa uti just in case lang😊
sa first baby ko gnyan din ako. nag spotting pa nga ako ang bed rest plus the meda na iniinom at pinapasok sa pwerta. 100+ pus cell ko that time and nung nd effective ung oral meds tska nag sabi si ob na mag meds na ako na sa pwerta pinapasok. awa nawala. sabi ni ob kaya nd nawawala ung uti kasi baka ung infection nasa pwerta na mismo.
drink lot of water po, dapat may tumbler ka nakatabi lagi para lagi mo maiisip na uminom ng tubig. Yun po ginawa ko ng mataas UTI ko, umuiinom din po ako ng fresh buko juice and mga natural juice ng fruits, also wag na kumain ng mga instant noodles, chichirya and softdrinks. nung ng pa check up ulet ako nag 0-2 na yung pus ko
ako eversince may uti ako, hanggang early months. warm water every morning pagkagising and almost 4 liters ang naiinum ko na tubig everyday. Nawala UTI ko without taking any prescriptions and nagnormal pati yung sugar ko.. all laboratory normal.. More water lang po and warm water sa umaga napakalaking tulong.
.. try to ask vaginal suppository nalang po.. nung pina inum kasi ako nun ng antibiotic parang lumala po.. sabi ko kay doc. bka pweding suppository nalang po.kc na try ko na noon un. naalis naman. bumalik ulit sabi ko.. tas un binigyan ako suppository naalis naman po.. 7days ko sia ginamit. 3mos ako nun..
ako din mataas uti ko paulit ulit ung test ko naka dalawang set ako ng inom ng antibiotics. pero wala parin. pinag urine culture test ako ni OB para malaman daw kung anong antibiotic ang mag wowork sakin . waiting pa sa result ng test ko then saka nya ulit ako reresetahan ng antibiotic, btw 37weeks na ko .
ako Po mataas din uti ko, since neresitahan ako Ng ob ko ng antibiotic , sguro 1day and half lng ako nagtake Kasi natakot ako sa gamot, gnawa ko lng more on tubig . every minute , kahit wiwi Ng wiwi , at least water therapy lng , tubig Lng Ng tubig ka momshie para Gumaling uti mo ,
Hi tanong ko lang po paano po kumuha nang eksaktong midstream ng ihi? Kasi hindi ko matiyempohan ang totoong results ng ihi ng anak ko.paiba iba ang results ng pus niya.minsan bumababa,tumataas nag normal pero pinaulit kami to be sure.yun tumaas ulit.😔 Salamat po sa sasagot.
mommy naranasan ko din po noon Ang magkaroon ng UTI at binigyan ako ng antibiotic for 7days inumin. sabayan lang po ng disiplina sa pagkain at inom ng tubig. nawala po kaagad. More on water ka po at iwas sa maalat na pagkain para mawala na po Yong UTI nyo.
Mae Vergara