Gusto maging close sa Biyanan

Hello momshie's. Hingi sana ako advice, 1 month palang kami ng BF ko (nakaboo agad kami😂) kilala na bf ko ng family ko kasi nag stay sya dito di alam ng parents niya for 2 months , pero hindi pa ako kilala ng family niya. Nung nalaman nila buntis ako mga 3 months tiyan ko. Shempre disappointed sia kaso kakagraduate lang ng BF ko, so ayun, pero once lang sila nag usap tapos wala na sila sinabi tungkol samin at pag bubuntis. ni hindi ako kinausap nila or kinumsta. Pero BF ko ngayun nag wowork na pero malayu kami. tiis nlang kase para kay baby. 28 weeks na baby ko ngayun. Gusto ko sana e message mommy niya sa FB pero di ko alam ko tama ba ako mag reach out sa kanila. wala nman sila sinabi na hindi sila buto saakin. hindi lang talaga sila nag uusap tungkol samin. Dapat ba ako mag reach out sa kanila or hintayin ko nalang na sila na mag hanap ng way na makausap ako? please . Ayaw ko rin kasi sabihin sa BF ko na gusto ko sila makausap. #advicepls

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

For me... mas okay na kausapin mo muna bf mo at sabihin mo sa kanya yung gusto mong mangyari. Dito kase samen sa probinsya normally pagganyan.. yung guy ang mag initiate ng effort para pagkitain yung gf nya at yung family nya. Lalo’t buntis ka.. dito kase samen diretso kasalan na yun. Pero kase syempre iba iba naman tayo ng nakaugalian. Mas okay sana if si bf mo gagawa ng way like if pwede punta parents nya dyan sa inyo o ikaw isama ka muna nya sa kanila para getting to know kayo ng family nya. Mas okay kase yung personal kesa message message lang. Yan ay opinyon ko lang naman.

Đọc thêm
4y trước

thank you momshie. Tama dapat si BF mag hanap ng paraan. Kaso malayu kasi sakanila tapos may work kaya hndi rin basta2 makapunta ddtu parents niya. Takot sa covid din kasi yung mommy niya head nurse so iwas sya sa covid haahha