Mommies, okay lang ba na damihan ko ang tubig pag mix ko ng formula? Ang mahal kasi ng gatas tapos ang takaw ng anak ko. Tapos kailangan 1 scoop is to 1 ml. Baka naman puwedeng 1 scoop is to 2 ml.
Hindi po pwedeng damihan iyong tubig mommy, masama po sa baby ang madaming tubig.Sundin po ang instruction para safe si baby.
Wag nui po baguhin ang instruction sa formula mommy pwd nmn po kau mag adjust sa brand ng milk ni baby kung namamahalan kau.
Bakit mo kailangang tipirin? Tipirin mo na sarili mo, wag lang ang anak mo. Sundin mo yung instruction sa gatas ng anak mo.
Follow nyo PO instructions Lalo na Kung below 6months c baby..bka mag diarrhea pa c baby Kung hndi Tama pagka templa mo.
Bawal sis . kung ano yung nasa karton yun ang tama . Bawal bawasan o dagdagan kawawa naman si baby . ano ba milk nya ?
Pwedeng ma constipate or magka diarrhea ang baby mamsh. Palitan mo na lang ng mas murang formula if nag ba-budget ka.
Dapat po yung formulation na given by the pedia or yung nasa instruction ng gatas ang masunod for proper nutrients.
Please follow instruction po sa pagtimpla ng formula milk. Para na din po complete nutrients na makuha niya.
Palit ka po nga brand ng milk f hndi kaya ng budget. Kasi mag kukulang ung nutrients ni baby pag ganyan.
Mas maganda po ifollow ung tamang dosage ng tubig per scoop. Wag po tipidin si baby kasi need nya yan.