Mommies, Any suggestions po please
Mommies, Di ko po alam paano ko ito mapapaputi. Paano po kaya ito? Huhuhu Naglalagay din ako tawas or rexona. Medyo lay-low ako sa Tawas. Kasi ang hapdi na nya huhu Tapos ano po ba mas maganda mag bunot or magshave? Please help me. Yung tipid lang pero super effective sana.
Di ako masyado gumagamit ng mga deodorants, siguro daanin mo sa sunflower oil at deonat na parang tawas na buong bato kuskos mo lng sa kilikili mo 😂 , mabibili mo sa watsons yun. Wag gagamit ng rexona at matatapang na deo at nakakaitim talaga yun
di po nakakatulong magpa puti ang tawas momsh. pero try mo lemon mix sa baking soda. yung juice ng lemon momsh mix mo sila. effective. pero if mahapdi parin dahil sa lemon, try mo lng baking soda mix mo kunting water. tapos iapply mo
Nakakaitim ung pag-shave kasi may friction sa balat ung razor/pang ahit. Naiirritate ung skin. Mas ok magbunot kaso nakakachicken skin siya. Pagalingin mo na lang tapos tawas lagay mo, para natural and walang chemical.
Baka isang ngpaworse ung tawas kc sabi mo momsh mhapdi pag s tawas buti instop mo muna. Antayin mo nlng po mnganak k bgo ayusin. prang di rin mganda kalamansi kc mhapdi din un mgsusugat lalo. Hyaan mo muna momsh.
Apply lng Po baby oil aloe vera every night after magshower then ligo kaumagahan.Use towel to gently remove the oil and use moisturising soap like Dove or Johnson's or any soap Basta ndi matapang ..
buntis po ba kau? kc po pag buntis mhirap po paputiin yan, after nyo po manganak dun plang po maglalighten yan.. try nyo po gumamit ng sunflower oil after nyo po manganak, effective po cya 😊
If preggy po kayo or kakapanganak lang, hayaan nyo po muna sya. Huwag din po muna kayo maglagay ng deodorant na matatapang. Use Human Nature Products na sabon/deo or deonat na deodorant
dove dry serum-145 pesos ung pink. tapos abonne scrub -89 pesos once to twice a week. pumuti na kilikili ko tapos bunot lang muna,nakakaitim ang shave, pinapahaba ko muna bago bunutin
Pa - wax po kayo mommy.. or wax ang gamitin nyo.. wag po shave.. nakakaitim lalo then bunot naman is chicken skin.. tas lagyan nyo po lemon or kalamansi.. then wash after 15mins. 😊
Kahit acidic ako okay lang ba
nakakaitim po ang tawas pag acidic kayo. pati rexona nakakaitim ng kili kili. try nyo baby oil 30 mins before maligo tapos 2x a week mag scrub ka ng baking soda with calamansi