diaper rash

Mga mommy ano po mabisang gamot last december pa kase to😭 Di paden naalis rashes ng baby ko🥺🥺🥺 Sana po may makasagot, wala din kase kami pang pa check up natanggal din kase asawa ko sa trabaho wala din kami mahingian tulong🥺worried na ako pati sa leeg may rashes na si baby ko huhu😭😭😭 #firstbaby #advicepls #1stimemom

diaper rash
161 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

norash po mi sa mercury nabibili 90 pesos mas malala pa dyan sa baby ko then nagpalit din ako brand ng diaper ni baby as of now ok nman na

calmoseptine ointment po ginagamit ko kay babypag nagkaka diaper rusher sya. palit ka na din po ng diaper mommy baka di hiyang sa kanya.

presko time muna. wag muna mag diaper pag day time. panty nalang muna para makahinga ang balat ni baby. wash with water din every weewee

Water with cetaphil mamshie, then mustela diaper cream barrier po, effective. Yan lang po inapply ko sa lo ko. Hope gumaling na rashes ni baby.

3y trước

Okay na po baby ko mommy hehe thankyou sa advices niyo

Thành viên VIP

malimgamgam na tubig at Yung sabon nya mommy every pop at ihihi sya nag ka GANYAN baby ko pero every day ko ginagawa Kay baby 🥰

mas okay kung di mo muna i-diaper sis.maglampin ka muna.para palit agad pag may laman at mahanginan.tapos maligamam na tubig panghugas mo

Try mo po magpalit ng diaper, tas kada palit po lagyan mo po fissan yon lang po ginagawa ng ate ko sa baby nya noon effective po

tinybuds in a rash, po mommy meron po niyan sa shopee. Apply nyu po every 20 or 30 mins. At better palit po ng brand ng diaper.

Thành viên VIP

momshie, wag mo muna xa idiaper.. wag ka din gagamit ng wipes para linisin ang pwet ni baby.. pahinga mo muna xa sa diaper..

Influencer của TAP

try mo mag change ng brand ng diaper mi, and also try in a rash ng tinybuds sobrang effective sa baby ko😊 location mo mi?