BABY PROBLEM

Hi mga mommies any tips para tumaba yung anak ko😌 mag 2 yrs.old na sya sya yung naka yakap sa pinsan nya magkasing edad lang po sila pero sobrang layo ng agwat ng katawan nila bottle feed yung pinsan nya anak ko breastfeed hanggang ngayon nag vavitamins naman sya at the same time malakas dn kumain ng solid foods! Naiinis na ako sa mga sinasabi ng mga kamag anak ko bat daw buto buto yung anak ko ako lang daw kumakain puro negative comments naririnig ko Any suggestions kung ano ang pampataba??? Ayaw nya mag dede sa bote kahit anong gawin namin.. TIA #pleasehelp #advicepls

BABY PROBLEM
22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

iba iba naman ang katawan ng bata. ang importante healthy and fit siya at hindi sakitin. di naman porket mataba e healthy na. mas healthy yung fit at tama lang sa age niya. hindi naman mukang buto buto anak mo mommy. mas healthy pa nga siya tignan.

Don't worry mommy, tataba din po yan, just keep feeding and monitor your baby's health.. Try out new sa mga foods new like fruits and veggies, ganyan din po yung anak ko dati at breastfeed ko po siya. Tumaba siya nung 4 years old na siya...

anak ko rin po, payat. nasa lahi po kasi namin saka ni hubs. mga pamangkin nya payat na matatangkad, dun din kumuha anak namin. pero super active nya at di sakitin. malakas siya kumain, mayat maya kumakain pero ayaw talaga tumaba 😅😅.

Thành viên VIP

momsh wag mo na lang pakinggan, di nmn porque mataba masasabi mong healthy agad. for me okay nmn po baby nyo normal lang nmn yung katawan na ganyan , isa pa ang pagiging mataba nasa genes din yan

iba iba po kc ang bata sis.kng dka nmn tabain and ung daddy gnun dn c baby.ang importante sis hndi sya kulang sa timbang ung tama lng timbang nya sa edad nya and d sya sakitin.kya ok lng yn sis

Thành viên VIP

Mamsh for me at sabi ng pedia ng baby ko hindi naman daw po need patabain ang mga batang may saktong mangangatawan or payat as long as healthy sila at hindi sakitin.

Thành viên VIP

Sadya po na di parepareho ang mga bata. May mga bata po talaga na tabain. Yung iba naman po e payat pero healthy sila. Yun naman. po ang mahalaga, ang healthy si baby.

3y trước

Saka po mataba po sya kasi naka formula, which is may mga formula milk na nakaka obese.

Thành viên VIP

masasabi ko lang mamsh don't compare magkakaiba kasi mga bata. minsan din soplahin mo nagsasabi ng ganun ng natatahimik sila

Super Mom

may mga bata pong hindi tabain, if healthy at tama naman po ang height and weight for age, no need to worry.

wag mo po ikumpara sa iba si baby mommy ang importante kahit hindi ganun kataba atleast healthy si baby.☺