83 Các câu trả lời

Bunso ung asawa ko pero support pa din sya sa family nya lalo na sa tatay nya na may sakit 5 silang magkakapatid pero halos sya lang din. Basta maibibigay nya ung need ng baby kahit ako wag na kase nag oonline online naman ako at di naman din ako pala gastos. Sa bahay kmi ng parents ko nakatira may sarili kming bigas sa ulam pag namalengke nanay ko bigay ako 1k pang 1-2 weeks namin budget.

Nung may work kami ni lip ko isang wallet lang po gamit namin, at sa akin po niya pinapahawak yung wallet then bigay na lang ako ng baon/pamasahe niya pag papasok na. Pero kahit ngayon po na wala na akong work, binibigay pa din niya sakin lahat ng sahod niya. Give and take lang po kami dalawa, nagrereklamo lang ako kapag sobra na nagagastos niya tapos di naman po niya nagagamit. 🙂

sakin naman bigay lahat si hubby ako nalang magbibigay skniya ng pambudget niya,regards naman sa pagbibigay sa magulang,good thing may sariling trabaho ang MIL ko,kaya di ganun lagi na ubligado sya magbigay sa mother nya,kausapin mo po sa hubby,maliit pa kasi ang baby neo,for now nsknea tlaga ang priority,,lahat naman makukuha sa magandang usapan,bka maintindihan ni MIL mo un

Nakakahiya nga sis na nakatira pa kayo sa parents mo pero mukhang makapal mukha nya eh kasi hnd sya nagsisikap na makaalis kayo dyan. Budjing yang asawa mo. Bkt hnd ka kasama sa budget nya? Dpt hingian mo sya ng share sa foods nyo. Dpt mag-usap kayo ng maigi sa finances nyo. May sakit ba mama nya? Sya nalang ba inaasahan? Ok lang magbigay bsta unahin dpat needs nyo ni baby.

Hi mommy. Wala naman pong masama kahit magbigay sya sa parents nya. Sa case ko po, ako pa mismo nagsasabi na magbigay sya dahil di naman din po ako nakapagpaaral sa kanya. Tsaka may work kami pareho, may sarili akong pera. Tsaka basta ba nabibigay ni hubby mga pangangailangan nyo sa pang araw-araw, wala na problema dun. Para sakin lang.

Mahirap alisin sa anak ang suporta sa magulang lalo na kung nakasanayan. Pero pag nag asawa iba na dapat priorities nun. Yung 3k na binibihay nya pwedeng 1k nalang or 1.5k Tanungin mo nalang ano bang balak nya? Kung may gusto ba sya magtuloy yung bahay at lupa na pinag usapan nyo noon lalo na at may baby na kayo

ako di nya ako binibigyan ng pera. pero pag may kelangan ako o gustong bilin sinasabi ko at pinoprovide naman nya. wala ako work ngayon. diko din alam kung nagbibigay sya sa parents nya. pero kung ramdam ko na kinakapos kame at malalaman ko na nagbibigay pa sya sa parents nya mejo magiisip din ako..

Opo twice a month kada sahod nia xia nagbibigay xia.. rin sumusuporta sa parents ko kht nung mgbf/gf plang kame.. may trbaho nmn ako nun pero naliliitan xia sa sahod ko ,,pinahinto nia ko at suportahan nia nlng din daw nia ako... at kahit now na magAsawa na kami at magkakababy walang nagbago ..

Binibigay lahat sakin ni hubby, ako rin naman in charge sa pag-budget at kung may gusto syang bilhin basta kaya pinagbibigyan. Wfh kami pareho so hindi na sya nahingi ng allowance sakin. Better kung open mo sa partner mo what u think tapos come up with a solution na parehong okay sa inyo. :)

Sakin mommy kung may sarili ng family dapat priority ung ipon niyong dalawa, ako ung hubby ko nagbibigay din sa family nia pero d lagi lagi.. d ko siya pinagdadamutan sa family nia pero cnasabi ko sknya n kelangan may savings kaming dalawa para pagnangailangan andyan lng ung ipon..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan