83 Các câu trả lời

May work po ba si MIL mo or parents niya? For me, okay na sakin yung ganyang set up except sa hihingin mo pa yung para kay baby. Though ganyan din Mister ko pero dahil lagi siyang occupied, nireremind ko siya na need namin ni baby nang ganito, ganyan tas magbibigay siya. Minsan, nagtatanong siya kung kelan kami mag ggrocery, kelan check up tapos magpapadala siya. Ang importante, nagbbigay siya para kay baby. May ibang daddy na hindi nagbbigay para sa baby nila.

Both kami working,pero as long as nagbibigay sya for my pregnancy,ok lang na magbigay sa parents, panganay kasi sya..ako naman need din ng support ng family ko..kaya both kami nagbibigay sa side namin pero pagdating sa baby hati na kami... Ako yung walang nabibigay sakanya, sya naman yung nag grocery na,nagbigay sa parents,allowance nia at sa check up at vits. Ko..di naman sya nagtatampo pag wala akong nabibigay sakanya pero sa parents ko nagbibigay ako..

Pareho po kami may work pero as of now 1yr akong maternity leave with pay po kaya ok lang kahit hindi nya ibigay yung pera nya sakin kc si hubby din ngbubudget sa bahay (xa lahat ngbabayad ng kuryente tubig gas food credit card, etc.) to think ever since nagsama at kinasal kami hindi ko hiningi saknya sahod nya pero pag may needs ako madali syang kausap. Basta lagi kayong nagsusuportahan sa isa’t isa ala cguro prob kung kanya kanya yung pera nyo.😊

VIP Member

Kami naman po ni hubby since na nagsama kami diretso po niya binibigay sahod sa akin then humihingi na lang po siya then pag may sideline po siya hindi ko na hinihingi po pero minsan hinahati po niya. Now nag wowork siya abroad pinapadala po niya ung sahod niya binabawasan lang po niya ng kaunti para may panggastos po siya. Lahat ng gastos sinasabi ko po sa kanya. Maswerte ako kasi lahat napag uusapan namin ng asawa ko at napagkakasunduan po.

Actually dapat sa umpisa pa lang hindi ka na pumayag sa ganyan. Ikaw ang asawa kaya kahit sabihin pang pareho naman kayo may work at sari-sariling pera you should be the one na maghawak at magbudget sa inyo kasi karapatan mo 'yon bilang babae. Ang lumalabas kasi sa situation niyo ( sa opinyon ko lang naman) parang nagbibigay lang sustento ang asawa mo para sa baby mo and then wala na for other things para sa'yo at sa pamilyang binubuo niyo.

VIP Member

Buti na lang hubby ko nde ganyan.. Kame magbf/gf pa lang ako na my hawak ng atm nia hanggang sa makasal kame, dati nagbbgay sya sa nanay nia ng pera tuwing sahod pero ngayon na preggy na ako natigil at cnabhan nia din mama nia na nde na makakapag abot kc nga kelan na mag ipon para kay baby.. Ok naman kame sa usaping pera lalo na wala ako work at kahit kelan nde nia ako hinanapan ng pera kc alam naman ni hubby ang mga gastusin ngayon..

Nasa akin ang atm ng asawa ko. Binibigyan ko lang sya allowance sa work. Kusa naman niya binigay. Parehas din kami may work. Wala na kabahagi nanay niya sa kita niya. Binibigyan lang namin pag may okasyon. Si MIL na rin naman nagsabi sa asawa ko pag kasal na kami. Sa akin na lahat ng kita niya. Wala naman masasabi ang asawa ko. Maayos ang budget ko at everytime may gusto siya, binibigay ko. Pwede niyo pag usapan ng maayos mommy.

Baliktad yung sakin 😅 same mai work kmi ng hubby ko, but dahil nag loan kmi para sa bahay nmn kunti nalang nasasahod namin. 5k nlang kay hubby 10k nmn yung sakin. Kai hubby ko binibigay yung sahod ko kc d ako marunong mag budget 😅😅😅 kapos kmi lagi kc yung 15k nmin na money inuuna namin mga gamit ni baby 😅😅 swertehan lang ata yan sa partner mo kung nakakapag isip tlaga ng mabuti para sa family ninyo. Yun lang 🤗

Never ako binibigyan ng pera ng partner ko pwera nlng kung nanghihingi ako . Pero kung mag bibigay man sakto lang talaga sa paggagamitan ko ni wala manlang pasobra kahit konti, taz halos araw araw nagbibigay sya ng pera sa mama nya. Tz nagtataka pa bkit daw wala kaming ipon ee ayaw nya akong mag work so san ako kukuha ng pera? Kaloka diba? Plus my baby pa kami na month palang mahirap din minsan manghingi dahil dedma lang .

Ganyan din po ang asawa ko. Nasa Nanay niya po ang atm niya. Umaasa lang ako kung kelan niya ako bibigyan ng pera. Kahit gamit ni baby, nanay niya pa rin ang nasusunod. Thankful na lang ako kung may maibigay siya. At pinangako ko sa sarili ko na hindi ako aasa sa kanya. Kahit anong usap namin walang nangyayari, kasi kapag nalaman ng nanay niya , mas nangingibabaw ang nanay niya. Kasal kami pero parang baliwala ako.

Câu hỏi phổ biến