Maglalabas lang po ng sama ng loob

Mga mii kasalan ko ba talagang walang work si lip kasi hindi ko daw kayang alagaan nung newborn yung baby ko turning 7months na ngayon si lo wala paren syang work ako lagi ang sinisisi nya kasi hadlang daw ako sa lahat, lahat na nang mga masasakit na salita nasabi na nya sakin ako palagi ang sinisisi nya kasi diko daw kayang alagaan anak ko nung newborn e 1st mom po ako at wala papong alam nung time na yun syempre kailangan ko ng katuwang wala naman po kaming kasamang parents, nung time na yun stress na stress po ako kasi palagi syang galit sakin palagi nyang sinusumbat kung ano yung ginagawa nya kay lo tamad daw ako, sakanya daw ako laging umaasa samantalagang yung sacrifice at ginagawa ko hindi nya nakikita pinapamukha nya sakin palagi na wala akong kwenta na ang malas malas nya may time na nga na nasasaktan ko sya sa mga pinagsasabi nya sakin at naaambahan na nya ako ang sakit lang kasi biglang nagiba trato nya sakin simula nung nagkababy kami halos wala na syang pke sa nararamdaman ko dati dati lang ayaw nya akong nakikitang umiiyak pero ngayon halos wala na syang pakielam sakin sorry mga mi wala kasi akong mapaglabasan ng sama ng loob:(( minsan nagoopen ako sakanya at naiintindihan nya naman pero pag lipas ng mga ilang araw ganon nanaman, kaya gusto kona rin magwork para wala na syang masabi sakin at mabili ko yung mga gusto kong bilhin kay lo ng hindi na kailangan magpaalam sakanya, pag tatattoo po kasi source of income nya at minsan lang naman may client kaya hindi paren po sapat sa mga needs ni baby buti na lang po at may allowance si lo sa mother nya yun ang pinangbibili nya ng gatas at the rest sa allowance kona lahat kinukuha needs ni lo, ayoko na sanang umasa sa mga parents namin kasi hiyang hiya napo ako, hanggang grade 11 lang po kasi natapos ko kaya hirap po ako makahanap ng work

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan