Mother in law

Hi mga mhie. Share lng po sana ko ng sama ng loob, kwento ko lng MIL ko. Since nag buntis ako kay baby minamandohan na nya ko na dapat si baby ko laging nasa kanya, isang buwan dalawang buwan ganon. Tas nung nanganak na ko di ko pa nahahawakan baby ko sinabihan nya na agad asawa ko na kukunin nya si baby para sila ng FIL ko ang mag aalaga since wala naman na silang ginagawa, mga retired na. Dumalaw sila sa bahay nung 1 week old na si baby at pinag sisigawan nya sa bahay namin sa harap ng parents ko na kukunin nya si baby kapag nag 5 months na kesho apo nya naman daw yon. Ang sama lng ng loob ko kase i feel so disrespected, para nya lng ako tinratong baby maker kase gusto nyang may kasama sya sa bahay dahil nga daw wala na silang ginagawa sa buhay ng asawa nya without even asking me kung gusto ko bang paalagaan sa kanila si baby. My baby is currently with me and my mom and dad's the one helping me to take care of her. Di ko sure kng tama bang magalit ako sa inaasal ng MIL ko, medyo naguguilty kase sila nag susupport ng pang milk ni baby kahit di ko naman hinihiling sa knila. Okay lng naman sana ipagpaalam nya na hiramin lng si baby pero ang gusto nya kase is KUKUNIN at kami nalang ang dadalaw kay baby, Manila to Dasma. Hay, nakaka dagdag ng stress and anxiety ko post partum, di ko masabi kay hubby kase baka pag awayan lng namin#firsttimemom

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời