Curious lang po. Possible ba talaga na husband natin ang maglihi?

Like siya po yung sinisikmura at nagsusuka? Or nagc-crave din sa food na gusto natin. Tapos nagiging antukin at matamlay. Possible and true ba yon mga momsh? May mga nakaexperience na po ba dito ng ganon? Survey lang hehe Nagtataka kasi kami bakit si hubby ko yung parang nakakaexperience ng paglilihi at hindi ako 🤭 #firstbaby #FTM

36 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

yes po. totoo po yan. c ermat ko noong naglilihi sya palagi masama pakiramdam ni tatay. palagi may sakit. 😅 pati ako man sa first bb ko, si jowa din ang laging matamlay. nagkakasakit din sya.. buti nga po ngayong buntis ako sa 2nd bb namin di na sya ngkakasaki

2y trước

Pag daw ganyan momsh, sila napapaglihian natin hahaha pag sila ang tumamlay 🤭 ang weird pero ang cute nitong kakaibang experience natin na ‘to

Yes it happened to my husband when i was pregnant with our first baby. Sbi ng biyenan ko nahakbangan ko daw. Kya xa nglilihi.. Pero para mawala is paliguan k daw c hubby.. Kaya ayon nawala din parang magic hehe.. Ako na ulit ang ngcrave ng fud at nglihi..

diko sure kung totoo talaga yan sis. pero base sa experience ko parang nga😅 lagi ko kase nahahakbangan si hubby kase yung pwesto ko nasa wall ng kwarto namin. siya naman nasa pinto banda, pag iihi ako papuntang cr lagi ko talaga syang nahahakbangan😅

2y trước

Hahaha same sis!!

Lagi ko nahahakbangan asawa ko. Pero ako pa din ang naglilihi😂 lagi din sya nakaalalay sakin tuwing nagsusuka ako, pero never syang nahawa o naiinggit. Never din syang inantok after niya kainin mga tira tira kong food. 😂

true daw po sabe,sabe din pag ganon mas mahal ka daw nung asawa mo HAHAHA,siguro yung aken ganon nung una kaya diko ramdam na jontit na pala ko nun kase sya ung mas nakakaramdam ng ganon tas ang sensitive pa HAHAHAHA

Influencer của TAP

opo feeling ko possible kse asawa ko po grabe magkakain talaga jusko hindi naman sya ganito 🤦🏽‍♀️ grabe po ngayon gusto maya't maya kumakain at gusto jollibee pa hahahahahahah

Couvade syndrome po tawag or sympathetic pregnancy "is a proposed condition in which an expectant father experiences some of the same symptoms and behavior as his pregnant partner"

Same po, ganyan din po ang husband ko nung 1st trimester ko.🤣 Lagi masakit ulo, nagsusuka at masakit ang sikmura. Tapos may mga gusto rin siya na food..

husband ko ganyan sa 2nd baby namin.. i dont know kung nasasabay lang nya emotionally na dinadamayan ako o ewan pero oo siguro? 😅

2y trước

Bigla na lang kasi momsh sinikmura hubby ko tapos nagsuka siya after kumain nung food na kinecrave ko 😂 ako naman po walang hilo hilo o pagsusuka na naeexperience mula nung nalaman ko na preggy ako. Chill lang ako pero siya po itong antok na antok every time katabi ako

sa tingin ko psychological yan sya sa lalaki. stressed sila, excited at the same time. kaya kain sila ng kain at mukang lagi sila pagod, pagod kakaisip 😂

2y trước

Thanks momsh! Akala nga namin nabati siya e pero di talaga nawawala yung hilo niya at pagsusuka. Usually pag nababati siya, di naman nagtatagal ng kinabukasan. Kawawa naman e, parang siya pa ang pregnant samin 🤭