Natatakot ako magsabi sa lolo at lola

Hello im nami 19 yrs old opo murang edad palang buntis po ako.. Wag naman po sana mag judge pero alam ko pong kasalanan ko rin po ang nangyari.. Ako po ay single mom na sa dinadala ko ngayon almost 7 weeks and 2 days na po akong buntis.. Gusto ko po sana humingi sa inyo ng advice upang mapalakas amg loob kona magsabi na sa aking lolo at lola.. Naduduwag po kase ako magsabi sa kanila dahil nga po sa murang edad at nag aaral po ako ng second yr college expect Po nila na uunahin ko muna pag aaral ko bago ang lahat ..Pero baka magalit sila ng sobra sa nangyari kung aking sasabihin na dahil sobra po Sakripisyo nila sakin.. sa kanila po ako lumaki at magkahiwalay na Po ang mama at papa ko may Dalawa po akong. Kapatid na. Mas bata sakin na dapat ako ang magpapaaral pagtapos ko mag aral Ako po ay panganay.. pero nasira ko nagkamali ako kaya sana sa app na ito ay matulungan po ninyo kong lakasan yung loob ko kasi ang hirap po para sakin na may tinatago sa magulang? nahihirapan po ko magpaliwanag ?

29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

hi im currently 19 weeks pregnant now. Hey 19 yrs old din ako. Also second yr college sa magandang private school, scholar ng governor and mayor, nagiisang anak, nagkakand kuba mga magulang ko, ako lang inaasahan nila. dami kong iniisip dahil binenta nila lupa namin para makapag aral ako. at kailangan ko un bayaran at bawiin agdating ng araw. pero nung 2 mos ako naglakas akong sabihin akanila. Promise sa umpisa lang mahirap feel kita. maraming madidisappoint at masasayang, ngayon nagstop ako this sem.dahil maybako mangananak. pero ang mgandang feel don ung kapag nasabi mo na at tinaggap ka na ng magulang mo o kayabng mahal mo sa buhay, wapakels ka na sa sasabihin ng iba. Uy. magpakatatag langbtayo nagkamali tayo pero wag natin dagdagan ung oagkakamali matin ng isa pang pagkakamali. Stand tall. blessing padin yan. May pinsan din ako dati shinare nya sakin, 4th yr college sya non isang sem nalang graduate na syabero nabuntis din sobrang nagalit lahat sakanya, pero whwere she is now, andon na sa america. at sya din mismo nagdala sa pamilya nya sa america. wag ka mawalan ng pag asa andito ako trusting youm di pa tapos lahat. Asa lang kay Lord okay?

Đọc thêm
5y trước

ung pinsan ko na un sa sobrang takot din nya 7 mos. bago malaman ng momi nya dahil di na umuuwi sa bahay nila. Nagalit ung momi, dahil di agad sinabi. When I told my mom nung 2 mos palang, sabi nya buti sinabi mo agad saakin. Kasi buhay yang masa loob mo. Pag di yan nabigyan ng atensyon alaga, check up vitamins, pwedeng may mangyari sakanya. ayaw mo namn syempre na kulang kulang ang baby mo. Gusto mo din syemore na healthy sya. Tsaka sila lamg din susuporta sayo. sila mag gguidebsayo. Pinainom pa ako non ng ob ng pampakapit dahil sumsakit puson ko. Ano nalang gagawin ko kung di alam ng momi ko kalagayan ko. u can do it. Di lamg ikaw ang nakararanas nyan. Nagkamali man tayo babangon tayo ulit!

Be brave and tell them. 19 years old din ako at panganay na kapatid, ang pinagkaiba lang natin nabuntis ako nung malapit na ako grumaduate, pero hindi ibigsabihin nun ay may lakas akong magsabi dahil katulad mo wala parin akong napapatunayan nun. Takot din akong magsabi dahil sa laki ng extended family ko ay takot ako makarinig ng masasakit na salita sa kanila, at dahil dun ay imbis na sabihin ko ay kusa nalang nilang nalaman dahil unti unti ng lumaki tyan ko. Yun nga lang malapit na akong manganak ng malaman nila pero di sila nagalit dahil buntis ako pero dahil hindi ko sinabi agad sa kanila. Magkahalong galit at sakit ang naramdamanan nila pero ang tanong na diniin nila sakin ay "Bakit di mo sinabi agad?" at un ang bagay na wala akong masabi sa kanila na mas lalong hindi sila masasaktan. Tandaan mo 'to either way, malalaman at malalaman din nila 'yan kaya hanggat maaga pa ay ipaalam mo na para magabayan ka nila.

Đọc thêm

Ako po 20 years old nagbuntis. Pero working ako that time and nagpprepare na para sa wedding kase last august 2019 namanhikan na family ng boyfriend ko. Last november 30 nalaman ko buntis ako kase since june 2019 live in na kami ng boyfriend ko. Nung nalaman ng papa ko medyo nadisappoint din sya kase ang alam nya wala pa kaming balak mag anak. Pero natanggap nya din hanggang sa siya na yung nagsasabi ng mga bawal sakin para maging healthy pagbubuntis ko. Siguro be maging honest ka lang sa family mo lalo na sa sarili mo. Di ibibigay ni God sayo yung baby if di mo kakayanin. Blessing yan. Sasamahan ka ni Lord sa journey mo. Just keep the faith at wag kang gagawa ng makakasama sa baby mo. Wag masyado magpala stress. Yes mahalaga ang pag aaral pero for now mas mahalaga ang buhay na dinadala mo .😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

Just pray sis.. and don’t be afraid to tell them kasi for sure maiintindihan ka nila.. given siguro sa una magagalit sila, madidisappoint sila pero at the end of the day, believe me, they will accept you and love you still as well as your baby wholeheartedly.. :) mas maganda kasi na alam nila kesa dala dala mo sya and isipin mo syang mag isa.. have the courage to tell them, understand na mabibigla sila or magagalit sila sa una pero you have to accept na sobrang mahal ka lang nila and they always wanted whats best for you.. Just keep on praying and ask for God’s guidance and ask for the courage to tell your grandparents the truth.. Walang magulang even grandparents na makakatiis sa anak or apo.. :) Kaya mo yan! :)

Đọc thêm

Ganon naman talaga sa una matatakot ka lalo nat doon ka nakatira sa mga lola mo. Believe me ate matatanggap ka nila! 😊 kasi lahat ng bagay may rason malay mo balang araw yang pagkakamali mo yan pa mismo yung way ni god para maging matatag ka at maging responsableng ina wag mo sisihin kung nabuntis ka ng maaga dahil hindi mo na matutupad ang mga pangarap mo! Isipin mo ma dedelayed lang tayo sa pagpatupad pero darating yung araw na matutupad natin yun at lahat ng bagay worth it na nangyare kaya keep fighting at maging matapang ka! 😗😗

Đọc thêm

Sa una talaga mahirap lalo na nagaaral kapa pero kung ako sayo sabihin muna matatanggap din nila yan naging magulang din sila wag mong intindihin yung galit nila huhupa din yan ang importante masabe mo patunayan mo sakanila na kahet buntis ka itutuloy mo pagaaral mo patunayan mo na dmo pababayaan pagaaral mo mabigat masyado yan sa loob iisipin at iisipin mo lang yan baka makaapekto pa kay baby mo pag nasabe muna yan sobrang luwag sa loob. Kaya mo yan mamsh magtiwala ka lang sa plano ni god sayo❤️

Đọc thêm

Mas ok to tell them early and ready to accept the consequence, then what ever man ung reaction nila sa pag amin muh be brave na buhayin at alagaan c baby then after that pag labas ni baby find ways na matupad muh dreams and goals muh gamitin mung inspiration c baby.ur just 19 and ika nga habang me buhay at habang me bukas kapang nasisilayan me pag asa because c God indi magbibigay ng challenges kong alam nyang d muh kakayanin. Go go soon to be mommy.. God bless you and your baby.

Đọc thêm

ako din 28 na turning 29 nahirapan din pero nang malaman nila syempre may mga nasabi din kasi di pa kami kasal ng bf ko gusto kasi nila makasal muna pero wala na eto na thru text ko lang nasabi pero parang iniiwasan pa ng daddy ko na pag-usapan then days pass by ayun parang tanggap na din kasi di naman maayos period ko kaya for me and for everyone miracle baby ito. Sabihin mo na din sis, nakakakaba pero kapag nasabi na gaan sa pakiramdam i swear. ❤️😘 kaya mo yan 🙏

Đọc thêm

buntis rn po ako ngaun 19 po ako.. nung una di ko snabi sa pamilya ko balak ko pa mgpalaglag.. pilit ko tinago pero nhalata rn nila nung march kya ngayon july ako mnganganak at tinanggap ko na at ng buong pamilya ko na meron na si baby(: worth it po. alam ko d magiging madali pero d ako nagsisisi dahil ramdam ko nmn na mahal din nla ung dinadala ko. sabihin mo sknila ang totoo, magsorry ka lng at tanggapin mo consequences ng nagawa mo. hehe pakatatag ka po:)

Đọc thêm

Sabihin mo na po habang maaga... Kung magagalit man sila you have to accept it pero unti unti naman siguro matatanggap nila si baby think possitive lang di naman ibig sabihin na nabuntis ka ay hindi kna makakapagtapos ng pag aaral di ba matuto ka na nga lang sa pagkakamali mo at gawin mong inspirasyon si baby mo para lalo pang magsikap mag aral pagkapanganak mo then saka ka bumawi sa lolo lola mo at mga kapatid... Again Think possitive sis❤🙏🙏🙏

Đọc thêm