My little angel in heaven.

Hindi pinlano pero biglang dumating. Gusto ko ishare sa inyo yung nangyari sakin at sa baby ko. Wag kayong makampante if sa center lang kayo nagpapacheck up monthly, dahil sa center na pinagchecheck upan ko ang kinukuha lang nila monthly at weight, height, bp at tatanungin kalang if may gamot ka pa. June 3 nag paultrasound ako para malaman ko na yung gender ng baby ko nalaman ko nga kung ano gender nya pero ang sabe sakin kulang daw sa tubig at maliit yung bata. At nung sinabe ko midwife sa center saamin ang sinabe lang sakin ay uminom ng maraming tubig sinunod ko naman lahat nang pinagawa sa akin. Pero chineck nung doctor sa hospital na pinuntahan namin di naman naka indicate don na kulang sa tubig yung bata, okay naman daw lahat ng nakalagay don. Pagkatapos ko magpaultrasound non siguro mga isang linggo lang di ko na maramdaman yung baby ko na gumagalaw pero naninigas lang sya. Nag aalala na ako to the point na palagi na akong nagtatanong sa iba. Ang sinasabe lang nila normal lang daw yon at lumalaki na yung baby sumisikip daw sa loob ng tummy, pero di pa din ako kampante sa mga sinasabe nila nagtatanong ako din ako dito. Hinintay ko pa ulit magcenter non nagpunta ulit ako at tinanong ko kung normal lang yung hindi nararamdaman pero naninigas lang at ang sabe hindi daw normal at magpaultrasound daw ako. Sobrang kabado na ako non, kinabukasan nagpaultrasound na agad ako at sobrang sakit marinig na wala na daw yung baby ko. Nakadapa na daw sya at wala na daw heartbeat sobrang sakit ginawa ko lahat ng pinapagawa sakin agad, sinunod ko lahat bakit nangyari yon? Hindi ko lubos isipin na mawawala na lang sya bigla saakin. Nung araw na din na yon nagpunta na kami sa hospital, inadmit agad ako para mapalabas na yung baby. Tinurukan ako pangpahilab para daw mainormal ko kasi 7months palang kaya ko daw inormal yon kasi paliit palang. Sobrang sakit para saakin kasi manganganak ako pero yung ipapanganak ko wala ng buhay. Dati excited ako sa panganganak pero nung manganganak na ako nawala yung excitement kasi wala ng buhay yung ilalabas ko. Ang sakit sakit kasi nakaready na lahat ng mga gamit nya nalabhan ko na lahat ng damit nya naplantsa ko na din. At makukumpleto na yung mga gamit nya, kaso wala nang gagamit ng mga yon kasi iniwan nya na ako. Sobrang sakit. Mahal na mahal kita anak palakasin mo si nanay ha? Ikaw nagturo saakin magmahal ng totoo ikaw nagpapalakas saakin paano na ako neto? Mag iingat ka dyan mahal ko.

581 Các câu trả lời

I feel you momshie mtayan din ako baby pinanganak q cya suhi accident pngyari lyin ako pumunta pero pnorward ako ng hospitl pero wala na ptay bby ko ngyn 6 mnths preggy nko ingat tlaga ako ngyn sa obygyn na talaga ako check up sa doctor tlaga sa center kasi bp timbang lang monitor nila iba talaga doctor maintain check up wag kalang mawalan pg asa momshie babalik din bby satin ako nga grabe sakit mgyri akin pero after 4 yrs buntis ako ulit mging matatag kalang momshie

condolence po. ako din po nag start dn ako sa health center kagaya ng na experience niyo po ,bp height weight lang kinukuha saken ni vitamins nga po di ako mabigyan ..madami akong katanungan kasi 1st baby ko pero hnd ako makatanong kasi parang lageng nagmamadali ung midwife dun sa center..kaya nag decide ako na mag pa check sa lying inn na garantisado namang maganda ang serbisyo ..ayon nasagot lahat ng tanong ko ..and narinig ko na dn heartbeat ng baby ko ..

condolence PO mommy 😔 Kung kinuha man PO ni God Yung baby mo. I'm sure may plano PO sya sa inyo Ng hubby mo. fight Lang mommy. mas better PO talaga na sa obgyne nag papacheck up regular and monthly. para mamonitor Ang lagay ni baby. kahit ako PO Hindi makampante pag sa center Lang nag papacheck up Kaya kahit mahirap Ang buhay at maliit Lang Ang perang kinikita Ng asawa ko sa ngaun dahil lockdown nga nag pipilit akong mag pa check up regularly sa obgyne kahit Mahal. .

teary eyed ako, remembered what happened to me when i was on my 8th months of pregnancy, it was just a typical work day and suddenly felt that he was not moving inside my tummy, i rushed to my ob-gyne, i was alone and i was so crushed when the doctor gave said that he has no heartbeat, i was devastated and really cried out so much, 🙏🙏🙏 kapit lang sis, may angel na tayo in heaven which sees us from up above... 👼👼👼

condolence sis . ako kase laging dalawa minsan tatlo pa . sa center , sa public hospital (fabella) tapos my sariling ob . mahirap kase sis pagnakampate sa isa lalo nat my buhay kang inaalagaan . unang baby din namen ng asawa ko nawala 3months yun . kaya sobrang ingat namen dahil maselan ako mag buntis . pangalawa eto 1 yr and 7 months na boy . pangatlo na tong pinag bubuntis ko . 8 months na :) baby girl . next time sis ingat ka na .

😥 so sad naman po ang nangyari sa inyo. Sana wag mangyari sa akin . 6 months po now at active naman sa pangalaw pero open na kuwelyo mg matres ko kaya may iniinom akong pampakapit... Condolence po kahit siguro sa akin mangyari yan kahit pangatlong pregnancy ko na sobrang sakit din tanggapin, yung tipong excited kana na lumabas sya , I feel you po😔 be strong and may plano si lord at reason kung bakit maaga syang kinuha sa iyo.

First time mom here. mamsh nagpapacheck ako both sa barangay center and sa private. sa barangay center once every month lang yung check up kaya nag private din ako para masiguro ang kalagayan ni baby at ma monitor palagi. kahit furst time ko palang to ayoko ko pong mawalan agad. Napapraning na nga po ako minsan pero Pray lang po. May plan c God sa lahat. just keep on hoping na magiging ok ang sitwasyon 💖

Naiyak ako. Condolence sa yo 😔 Emotional ako sa mga ganyang kwento, nawalan din ako ng baby nung January. 2 months plng sya nung mawala. Sobrang sakit din ang naramdaman ko, what more pa ung malapit mo ng ipanganak tapos nawala pa.. i feel you momsh. Pray lng lagi pra mging strong ka. Now im 3 months pregnant and may konting takot. Pray lng at faith kay God ang need. 😊

VIP Member

condolence to your 👼😓😥 center din aq dati ngpapacheck kaso nagsunod sunod n wlang check up umabot n ng more than 2 months ,kaya magpadesisyonan nmon ng lip q n mag lying-in nlng pra laging nkamonitor c baby sa ob, dibaleng magastusan ng png pcheck up as long as healthy at nchecheck up c baby monthly.Ngayon sa ob n aq ngpapacheck-up at iba tlga ang pag aalaga pg ob.

sorry to hear your story momsh. sabi sa akin ni OB na dapat talaga gumagalaw ang baby. may sure na in a day maramdaman mo if gumagalaw sila. minsan maprapraning ako. buong araw hindi gumagalaw. as in paninigas lang. so sabi ko pa check up ako bukas, after na matulog ako gumagalaw sya. thank you Lord! at baka natutulog lang sya buong gabie. Stay strong sis and God bless you.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan