Masakit na balakang at puson 2 months pregnant.
Good day po. 9 weeks pregnant po Nung nakaraan po sumasakit Yung puson at balakang ko pero Hindi Naman severe. Tapos kagabe sumakit nanaman puson at balakang ko pero sobrang sakit na halos Di Ako nakatulog at naiiyak na lang Ako, Yung pwerta ko masakit din na parang may gustong lumabas na Di makalabas na gustong bumuka ng pwerta ko. kahit Nung pag gising ko sa Umaga masakit padin Hanggang ngayon. Lalo kapag naglalakad Ako Ang sakit sakit. Pakiramdam ko makukunan Ako pero walang dugong lumalabas. Ano kaya to dipa Ako nakakabalik sa ob ko. Nung 6 weeks palang Ako walang heart beat Ang baby pinababalik Ako after one week pero Dina Ako nakabalik Hanggang ngayon. Nakakapag alala tuloy.