45 Các câu trả lời

Wag kayong malungkot mommy, blessing po yan. Ang mahalaga healthy po si baby at ikaw mommy. Yon kasi ang importante sa lahat. Ang sabi ng matatanda, sabi sabi lang naman ito nasa sa atin kung paniniwalaan o hindi. Kung ikaw ay laging natutulog sa kaliwa at ang asawa mo naman ay sa kanan baby boy. Pero kung ikaw naman mommy ay sa kanan at si mister mo ay sa kaliwa lagi natutulog baby girl. Mga sabi sabi lang naman ito ng matatanda nasa atin na yon kung maniniwala.

Ako po gusto ko din boy and asawa ko gusto din boy. Pero kung girl man sya kapag nakita na namin ang gender, okay lang din basta healthy si baby. Besides, blessing ang mga anak, ano mang gender nila. Normal lang po madisappoint pero wag po masyado dibdibin at naffeel ng baby ang emotions ng mommy. Un gender po ng baby depends sa chromosome ng sperm na napunta sa egg cell. Sperm cells carry X or Y chromosomes, un ang nagddetermine ng gender. :)

Wish ko din Boy . Pero baby Girl ang Binigay sken. one of my reason is same lang sau mii, nkkatakot magpalake ng babae lalo ngayong panahon na to . Delikado kht anung Ingat mo kung may masasamang tao e mag woworry ka tlga . Unlike pag Boy .Pala2kihin mo lang ng mabuting tao . pero sa Girl kc mdami ka iisipin . Ngayon plang nappraning nako kung panung alaga ggawen ko pra lang e sure ang safety ng one and only baby girl namen ni Hubby

true yan. dun tlga ako natatakot ung paglaki nya na. Di naman natin pwede pigilan kung sino makakasalamuha nya sa buong buhay nya. Di sguro kasi alintana ng iba ung nangyayari sa real world.

Salamat sa mga replies ninyo. Naisip ko lang dn kasi ang hirap magpalaki ng girl na anak. Nakakatakot to think na napaka unfair ng mundo. Unlike sguro kasi pag lalaki less away at ung selosan di ganun katindi. Isa pa eh ung mga lalaking manloloko at papaiyakin ung anak ko. Ayoko lang dn sguro mangyari sa mga anak kong babae ung nangyari sakin. Kaya winiwish kong lalaki nalang sana. 😞

Sabe nyo nmnpo mii ang panganay nyo is boy atleast yung baby girl nyo meron ng magtatanggol sa kanya palage turuan nyo nalang po silang maging matapang na ipagtanggol ang mga sarili nila although di talaga naten masasabe ang panahon ngayon parang wala ng ligtas na lugar pero hindi po kase naten masasabi kung ano yung ibibigay saten ng Diyos kaya maging happy nalang din po tayo na pinagkalooban nya tayo ng anak ang importante ay safe at healthy sila.

kaya madami umaway sayo ambabaw kasi ng rason mo para malungkot. parang kasalanan pa ng baby mo na babae sya. sa panahon ngayon turuan mo ang anak mo maging strong. with proper guidance yan ng magulang how not to be bullied. at syempre pray ka din lagi na wala masama mangyari sa anak mong babae. lahat tayo mommies dito at 'babae' kaya madami nasaktan sa comment mo na nalungkot ka dahil babae.

mahinang nilalang kasi tong nagpost kaya takot na takot mabully ang anak. sinisi pa ang baby girl nya lol. advance mag isip masyado ng ikinalulungkot nya hahahaha

alam mo sa totoo lang ke girl or boy nasta malusog. kung takot kayo magpalaki ng anak edi sana hnd na kayo nag anak. preho lang mahirap magpalaki ng anak wala sa gender yan. nasa pagpapalaki nyo yan kung magiging mabuting tao ba ang anak mo. panganay namin girl, Kaya ako I make sure na hindi sya mapunta sa wlang kenta lalaki. at I will make sure na makikita nya ang value nya as WOMAN.

Same, hindi sa ayoko ng baby girl. Pero kasi as a working mom, parang ang hirap iwanan ng baby girl mo sa ibang tao o kahit pa sa magulang mo. Ang hirap magtiwala sa tao. Iisipin mo lagi kamusta na kaya yung baby ko, kung maayos ba syang naaalagaan. Thankful ako kasi baby boy ang binigay sakin. Wag mo ng pansinin yung mga kontrabida dito. 😂 Naiintindihan kita, kasi ganyan din ang nararamdaman ko.

I feel l you moms haha noon pa bata bata pa ko, gusto ko na baby boy, kasi pakiramdam ko Doble pag aalala ko sa girl, kagaya nga ng sabe mo ayaw mo mangyare sa kanya nangyare sayo. which is super totoo, hindi sa ayaw mo ng girl pero need mo sya iprotect.. ngayon 4 mons pregnant na ko, bahala na si lord, if girl or boy. basta normal and healthy.

tanggapin nyo po mommy kung anu po ung binigay. masarap po magkaanak ng babae. kahit anung gender po nila tanggapin po natin kasi naffeel po yan ni baby sa tyan. kung gusto nyo sya or ayaw nyo. wag po kaung masyadong pakastress sa gender ni baby,pasalamatan nyo po yan dahil may dahilan si Lord kung bakit sya ung bingay sau.

VIP Member

Nalungkot ako sa isipin na nalungkot ka momsh na babae anak mo, but somehow naiitindihan kita kase kami din gusto ng boy pero 3 girls ang binigay samin. Sabi nga sa bible, do not worry about tomorrow. Lahat tayo may takot, but I believe na kayang kaya mong maprotektahan at mapalaki ng maayos ang baby mo. ❤️

100% sure na po bang girl? kasi possible pong nakatago pa pututuy nya. anyway po, regardless of gender sana po tanggapin natin si baby kasi blessing pa din po sya. wala pong way, position, or kahit anong formula para maging lalake ang anak. nasa sperm po un ng partner nyo :)

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan