malnourish
hi this is my baby 1 month and a half napo siya at ang timbang nya is 3.8kg po, purebreastfeed po sya . kaya lang sinabihan ng iba na ang payat nya .malnourish daw. lagi pinupuna yung supply ng milk ko, keso wala daw ako mapadede sa anak ko, walang gatas na nalabas.. keso kulang ..pero meron naman. mag iiyak sya ng iiyak pag wala tlga akong nailalabas na gatas diba? naeestress narin kasi ako araw araw ako sinasabihan ng ganun:(
Wag mo nlng pansinin.. basta hnd ngkakasakit c baby.. tzk hbng lumalaki nmn mga baby tatakaw din yan.. wag mo nlng pansinin yang mga ngssbi sau.. focus kna lng kay baby
momsh, 2nd baby q breast fed for 4 years,tumigil lng dhl nabuntis aq,xa n umayaw. payat lng anak q pero.matibay mga buto at d sakitin. may mga bata tlg n d tabain.
Wag po magpa stress sa mga comments ng iba. Baka dun kapa mawalan ng supply ng milk dahil sa stress. Okay po si baby mo. Yun ang mahalaga. Normal weight po yan.
Kung nakakahabol naman siya sa required weight for your baby's age. Walang problema dun momshie. Ang basehan ay data ng doctor at hindi ng ibang tao momshie.
tataba pa yan mamsh magugulat ka nlng magkakalaman na yan wag mo intindihin sinasabi ng iba ksi una sa lahat hindi naman sila yung nagpapakain/nagpapadede.
ok lang yan momsh... ako nga lo ko 4.3 lang nung 1m28days xa.. ang importante hnd sakitin... tsaka hnd din tlga tabain lahi namin^^ nasa lahi din kc yan^^
Hindi lahat ng breastfed mataba ang bata... Ok lang yan mommy as long as hindi nagugutuman si baby mo... Sasabihin nman ng pedia if malnourish si baby....
Basta walang sakit si baby at hindi naman naiyak lagi. Okay yan. Hindi sya malnourished. Wag mo stressin sarili mo, baka mas kumonti milk mo momsh 😕
Normal lang yan. Ska lagi k kumain ng may sabaw at laging inom ng tubig. Wag k mastress kasi makukuha ni baby ang stress mo. Dapat happy mommy k.
Anung birthweight niya? Si LO kasi 2.47 kg lang kaya nung 1 month mga 3+ lang din ang weight niya, normal naman sabi ng pedia niya. Ebf din kami.